Monday, June 30, 2014

Tamang Formula



Ang tagumpay ay ang kaalaman kung ano ang tama at kung ano ang mali. At ituon ang buong atensiyon na paunlarin ang sarili.

Walang mahika o hokus-pokus na formula, o maging mga sekretong sangkap para makamit mo ang iyong mga naisin sa buhay. Simpleng kaparaanan lamang ang talagang kailangan; pagtuunan ng atensiyon ang mga bagay na siyang tama at nakakatiyak ng tagumpay kaysa mga bagay na walang saysay at nauuwi lamang sa kabiguan. Magkagayunman, marami pa ring tao ang nakatuon sa mga walang katuturan at naghihintay ng malaking pagbabago sa kanilang mga buhay. Doon sa mga nagkakasya na lamang sa pasahod tuwing matapos ang isang buwan ay hindi pinag-aaralan kung papaano magagawang maging matalino sa finansiyal. Ang buong atensiyon nila ay kung papaano ang gumastos kaysa magkaroon ng matatag na sandigan para sa kinabukasan.
   Marami sa atin ang natrap at nakalugmok na sa kanilang mga tungkulin na hindi nila nais at napipilitan lamang kapag pumapasok sa trabaho tuwing umaga. Sapagkat hindi nila pinagtuunan ng pansin ang kanilang mga kakayahan at pinahusay ang kanilang mga katangian. Tinanggap na nila na sila'y mga talunan at ito ang kanilang mga kapalaran sa buhay.
   Kung maingat at masusing pag-aaralan lamang kung ano ang tunay na nagpapaunlad at hindi nakapagpapaunlad sa iyong buhay, madali na ang makagawa ng mga kaparaanan para makaiwas sa patuloy na mga kabiguan.

No comments:

Post a Comment