Papaano ba natin makikilala ang isang kaibigan? Lalo na kapag ito'y may katuwang na 'matalik.' Ano ba ang talaga ang kahulugan nito para sa atin?
"Kaibigan ko siya," ang paliwanag ng isa. "Bakit naging kaibigan mo siya?" ang tanong naman ng nakarinig. "Nakasabay ko siya sa biyahe," ang tugon nito.
Marami sa atin ang madalas na banggitin ang katagang kaibigan, gayong itaas man ang kanang kamay sa pagbilang ng ating limang daliri, hindi ito lalampas kung ilan ang tunay na kaibigan kinalulugdan natin sa buhay.
Hindi kaya namamali lamang tayo?
Sapagkat, iisa lamang ang ating laging binibigkas, 'kaibigan.'
Bakit hindi ang mga ito; kakilala, kasama, katuwang, kapanalig, kaklase, kauri, kasangga, kabagang, kasabay, katulong, kalukob, katipan, kawaksi, kasambahay, katangkilik, kasanib, kabiruan, kalaro, kaulayaw, katalik, kapitbahay, kalaguyo, kababayan, kapisan, kapalad, katuwaan, kabit, kasabay, kausap, katabi, kaisahan, kalakbay, katutsaba, kakampi at katakot-takot pang mga pang-ukol na katawagan sa uri ng pakikipag-kapwa.
Subalit ito ang masaklap; palagi---kapag binabanggit at ipinakikilala ang isang tao, kadalasan ang ginagamit na kataga ay 'kaibigan.' Gayong sangkatutak ang maaaring gamitin sa tamang kaurian ng relasyon. Ito ang nagpapahirap sa atin, hindi natin matiyak ang tunay sa huwad, ang katotohanan sa kababalaghan, at pagkilatis sa akmang katawagan. Lahat ay pawang kaibigan. Nakasama lamang sa ilang sandali, kaibigan na. Nabigyan lamang ng kaunting pansin, kaibigan na. Nakausap sa isang pook, kaibigan na. Nakilala sa paglalakbay, kaibigan na. Palatandaan lamang ito na hindi tayo maingat; kahalintulad ng isang patibong, upang tayo ay sakmalin. Palakaibigan tayo, at hindi mapili.
Mababaw ang ating kaligayahan; kaya malimit, nagiging biktima tayo ng mga mapagsamantala. Sa kaunting pabalat-bunga, bumibigay tayo. Sa kababaan ng ating kalooban, marami ang nahuhumaling upang pakinabangan ito. Ito ang sanhi, kung bakit nawawalan tayo ng pagtitiwala sa isa't-isa. Nalilito tayo sa nangyayari, gayong nagmumula ito mismo sa atin.
Hangga't hindi natin nalalapatan ng wastong pangalan ang isang bagay, pangyayari, at relasyon. Wala tayong katiyakan kung papaano ito haharapin, itatama, at pagpapasiyahan.
Mababaw ang ating kaligayahan; kaya malimit, nagiging biktima tayo ng mga mapagsamantala. Sa kaunting pabalat-bunga, bumibigay tayo. Sa kababaan ng ating kalooban, marami ang nahuhumaling upang pakinabangan ito. Ito ang sanhi, kung bakit nawawalan tayo ng pagtitiwala sa isa't-isa. Nalilito tayo sa nangyayari, gayong nagmumula ito mismo sa atin.
Hangga't hindi natin nalalapatan ng wastong pangalan ang isang bagay, pangyayari, at relasyon. Wala tayong katiyakan kung papaano ito haharapin, itatama, at pagpapasiyahan.
Kung maaari lamang, pakitama nga natin ito. Sa susunod, gamitin naman natin yaong angkop sa tagpong kinasangkutan; sa paglalapat ng tamang taguri sa relasyon. Dahil kapag hindi natin ito binago, inililigaw nito ang ating kabatiran sa tunay na kahulugan ng katagang kaibigan.
Ano ba ang kahulugan ng katagang kaibigan?
Ang kaibigan ay isang tao na nagagawa kang maging matapat sa kanya, Hindi mo kailangan ang mangatwiran at magpaliwanag pa. Maging sa harapan at talikuran ay nakahanda kang ipagtanggol nito. Walang pagkukunwari at panlabas na anyo ang inyong samahan. Nagagawa mong ilahad sa kanya, kahit na anumang tungkol sa iyo nang wala kang pinangangambahan. Hindi ito isang taksil na madali kang ipagkakanulo. Siya ang laging kumakalaban sa iyo, kapag namamali ka ng patutunguhan o naliligaw ng landas. At siya ang unang lumuluha at kakampi mo, kapag ikaw ay inaapi at talunan. Hindi ka nito pinagsasamantalahan, sa salapi, papuri, kalayawan, at anumang mga bagay na nauukol sa iyo, dahil may tiwala ka sa kanya. Kinagigiliwan at ikinagagalak mo siya. Masaya ka, kapag siya ay iyong ipinagdiriwang. Ito ang hinahanap mo sa isang matalik na kaibigan, at ang pagiging matalik din ang isinusukli mo sa kanya.
Ngayon, kapag wala ang mga katangiang ito sa nakilala mo, maaari bang gamitin ang ibang kataga at huwag ang palasak na taguring 'KAIBIGAN.' Kasi, nagiging katawa-tawa tayo sa paningin ng iba. At ang paggalang na pinahahalagahan natin ay kusang naglalaho. Ang kaibigan ay isang tao na nagagawa kang maging matapat sa kanya, Hindi mo kailangan ang mangatwiran at magpaliwanag pa. Maging sa harapan at talikuran ay nakahanda kang ipagtanggol nito. Walang pagkukunwari at panlabas na anyo ang inyong samahan. Nagagawa mong ilahad sa kanya, kahit na anumang tungkol sa iyo nang wala kang pinangangambahan. Hindi ito isang taksil na madali kang ipagkakanulo. Siya ang laging kumakalaban sa iyo, kapag namamali ka ng patutunguhan o naliligaw ng landas. At siya ang unang lumuluha at kakampi mo, kapag ikaw ay inaapi at talunan. Hindi ka nito pinagsasamantalahan, sa salapi, papuri, kalayawan, at anumang mga bagay na nauukol sa iyo, dahil may tiwala ka sa kanya. Kinagigiliwan at ikinagagalak mo siya. Masaya ka, kapag siya ay iyong ipinagdiriwang. Ito ang hinahanap mo sa isang matalik na kaibigan, at ang pagiging matalik din ang isinusukli mo sa kanya.
Narito ang tatlong batayan ng kaibigan:
Natatangi at espesyal (mataas ang pagpapahalaga)
Matalik na kaibigan - Laging magkasama, may damayan, magkatulad ang prinsipyo
Itinatangi (katamtaman ang pagpapahalaga)
Malapit na kaibigan - Madaling kausap, kaisa sa hangarin, bihirang magkita
May pagtatangi (karaniwan ang pagpapahalaga)
Mataman na kaibigan - Nananatiling kaibigan kahit matagal nang hindi nagkikita
Bilang tunay na mga Pilipino, maging masinop tayo sa paggamit ng wastong kataga. Yaon lamang nararapat sa naganap na relasyon.
Isa lamang itong pagmamalasakit, mula sa inyong kababayan.
No comments:
Post a Comment