Pabatid Tanaw

Tuesday, January 24, 2012

Panawagan ng Isang Koreano

   Noon pa ito ipinadala sa akin ng isa nating tagasubaybay dito; at kahapon, muli niyang hiniling sa akin na ipaskel ko ang nilalaman ng panawagang ito. Tungkol ito sa isang sanaysay na sinulat ng isang estudyanteng Koreano na nag-aral sa Pilipinas. Paumanhin lamang po sa grammar ng Inggles niya, at ang pagtuunan natin ng pansin at kailangang mabatid ng marami sa atin, ay ang tunay niyang hangarin. Sa dahilang hindi ko maaaring isalin ito sa ating wika nang hindi mababago sa nais niyang ipahiwatig, ay narito ang kabubuan sa wikang Inggles. At bilang taos sa pusong pasasalamat na rin at malaking pagpapahalaga sa Koreanong estudyante na ito, sa kanyang ipinakitang pagmamahal sa ating bansa.


       MY SHORT ESSAY ABOUT THE PHILIPPINES
                                                         By Jaeyoun Kim

   Filipinos always complain about the corruption in the Philippines. Do you really think the corruption is the problem of the Philippines? I do not think so.


   I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines. Let me first talk about my country, Korea. It might help you understand my point. After the Korean War, South Korea was one of the poorest countries in the world. Koreans had to start from scratch because entire country was destroyed after the Korean War, and we had no natural resources.
 
   Koreans used to talk about the Philippines, for Filipinos were very rich in Asia. We envy Filipinos. Koreans really wanted to be well off like Filipinos. Many Koreans died of famine. My father & brother also died because of famine. Korean government was very corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism.

    Koreans did not work just for themselves but also for their neighborhood and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism. 40 years ago, President Park took over the government to reform Korea. He tried to borrow money from other countries, but it was not possible to get a loan and attract a foreign investment because the economic situation of South Korea was so bad. Korea had only three factories. So, President Park sent many mine workers and nurses to Germany so that they could send money to Korea to build a factory. They had to go through horrible experience.

    In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried there as they saw the President Park. They asked to him, “President, when can we be well off?” That was the only question everyone asked to him. President Park cried with them and promised them that Korea would be well off if everyone works hard for Korea, and the President of Germany got the strong impression on them and lent money to Korea . So, President Park was able to build many factories in Korea. He always asked Koreans to love their country from their heart.

    Many Korean scientists and engineers in the USA came back to Korea to help developing country because they wanted their country to be well off. Though they received very small salary, they did their best for Korea. They always hoped that their children would live in well off country. My parents always brought me to the places where poor and physically handicapped people live. They wanted me to understand their life and help them. I also worked for Catholic Church when I was in the army. The only thing I learned from Catholic Church was that we have to love our neighborhood. And, I have loved my neighborhood.

    Have you cried for the Philippines? I have cried for my country several times. I also cried for the Philippines because of so many poor people. I have been to the New Bilibid prison. What made me sad in the prison were the prisoners who do not have any love for their country. They go to mass and work for Church. They pray everyday. However, they do not love the Philippines. I talked to two prisoners at the maximum-security compound, and both of them said that they would leave the Philippines right after they are released from the prison. They said that they would start a new life in other countries and never come back to the Philippines.

    Many Koreans have a great love for Korea so that we were able to share our wealth with our neighborhood. The owners of factory and company were distributed their profit to their employees fairly so that employees could buy what they needed and saved money for the future and their children. When I was in Korea, I had a very strong faith and wanted to be a priest. However, when I came to the Philippines, I completely lost my faith. I was very confused when I saw many unbelievable situations in the Philippines. Street kids always make me sad, and I see them everyday. The Philippines is the only Catholic country in Asia, but there are too many poor people here.

    People go to church every Sunday to pray, but nothing has been changed. My parents came to the Philippines last week and saw this situation. They told me that Korea was much poorer than the present Philippines when they were young. They are so sorry that there are so many beggars and street kids. When we went to Pasangjan, I forced my parents to take a boat because it would fun. However, they were not happy after taking a boat. They said that they would not take the boat again because they were sympathized the boatmen, for the boatmen were very poor and had a small frame. Most of people just took a boat and enjoyed it. But, my parents did not enjoy it because of love for them.

    My mother who has been working for Catholic Church since I was very young told me that if we just go to mass without changing ourselves, we are not Catholic indeed. Faith should come with action. She added that I have to love Filipinos and do good things for them because all of us are same and have received a great love from God. I want Filipinos to love their neighborhood and country as much as they love God so that the Philippines will be well off. I am sure that love is the keyword, which Filipinos should remember. We cannot change the sinful structure at once. It should start from person. Love must start in everybody, in a  small scale and have to grow. 

   A lot of things happen if we open up to love. Let’s put away our prejudices and look at our worries with our new eyes. I discover that every person is worthy to be loved. Trust in love, because it makes changes possible. Love changes you and me. It changes people, contexts and relationships. It changes the world. 

   Please love your neighborhood and country. Jesus Christ said that whatever we do to others we do to Him. In the Philippines, there is God for people who are abused and abandoned. There is God who is crying for love. If you have a child, teach them how to love the Philippines. Teach them why they have to love their neighborhood and country. You already know that God also will be very happy if you love others.

    That’s all I really want to ask you Filipinos.

 Jaeyoun Kim is a South Korean who wrote this essay when he was a student at the University of the Philippines sometime in 2006. In his message, he claims that our biggest problem is not corruption and plunder of the people's money, but the lack of love for our country and our countrymen.

   Nakayuko akong nalulungkot, at hindi ko maapuhap maging sa aking guni-guni . . . kung bakit tayo, na ipinangangalandakan na mga Kristiyano sa bahaging ito ng Silanganan ay naghihikahos at pinangingibabawan ng mga kabuktutan, mga karahasan, at mga nakawan sa lahat ng antas ng ating lipunan. At mula pa sa isang dayuhan ang nagmungkahi sa atin na mahalin ang ating sariling bansa at mga kababayan.

   Kailangan na nating idilat ang ating mga mata. Iwasan na ang mahimbing na pagkakatulog. Banyaga na ang gumigising sa atin para sa ating sariling kapakanan. Panahon na upang tayo ay magbago at simulang mahalin ang ating mga sarili. Kung hindi natin ito magagawa, wala tayong kakayahang mahalin ang iba. Hangga't wala tayong pag-ibig sa ating mga puso, hindi natin makakayang magmahal sa ating kapwa. Hindi natin maaaring ibigay ang wala sa atin.

   Maaari kayong maglagay ng inyong komento sa ibaba kung may katotohanan ito. Ipahayag natin kung nararapat nga bang matawag tayong tunay na mga Pilipino na marunong magmahal sa ating Inang-bayan at sa ating mga kababayan. At kung atubili ka sa bagay na ito, nagpapatunay lamang na kabilang ka sa karamihan na nawalan ng pananalig sa kadakilaan ng ating lahi, o maaaring hindi mo pa nakikilala ang iyong sarili.

   Paminsan-minsan nama'y huwag tumingin lamang sa salamin, tumitig kang mabuti at tiyaking nasa iyo pang mga ugat at nananalaytay ang dugo ng iyong pagiging lahing kayumanggi.

   Harinawa.

Sunday, January 22, 2012

Ang Aking Kaligayahan


Ang mga masayahin ay mayroong mga maghapon at kakayahang piliin ang mga kasayahan. Ang mga malungkutin ay mayroong mga sandali at kakayahang balikan ang mga kalungkutan.

   Ang kaligayahan ay hindi lamang sa nakamit mong tagumpay o kasaganaang tinataglay. At ang anumang relihiyong iyong kinaaaniban ay pumapayag dito. Maaari bang banggitin sa relihiyon na mamuhay nang karahasan, kabuktutan, makasarili at walang pakialam? O, dili kaya, ang umasa na isa itong uri ng kasayahan na hinuhugasan ang ating katawan na tanggapin na may nagawa tayong umaayon sa panlasa ng iba, o kagustuhan ng nakararami? At maging sa kaalamang tayo ay minamahal ng ating pamilya at mga kaibigan? Na ang bawa't sandali sa maghapon ay sadyang nakakasiya? At masaya; sapagkat tayo ay buhay at nakapagpapasaya ng iba?

   Sa lahat ng mga ito---pagsama-samahin mo man at mabuo, hindi pa rin makasasapat upang mapantayan ang patuloy na KALIGAYAHAN. Sapagkat hindi ito hinahanap bagkus kusa itong sumisibol kung patuloy kang masigla at masaya sa kabila ng anumang kaganapang nangyayari sa iyong buhay. Maging kasiya-siya, nakalulungkot, at pawang mga kasakitan ang mga ito, ay nananatili pa rin ang kaligayahan sa iyo. Dahil nabubuhay ka pa, nakauunawa, at mayroong pag-asa.

   Maliban dito ay wala na pang iba. Ang kailangan lamang ay matutuhan nating tumitig; sa kung ano ang makapagpapaligaya sa atin, kaysa karaniwang mga libangan na panandalian lamang na nagpapaalis ng mga kalungkutan. Ang pagkalito sa dalawang ito; libangan at kasiyahan, ang pumuputol ng ating kaligayahan.     

   Narito ang isang kuwento ng isang batang seminarista sa simbahan.

   Isang araw, may isang batang seminarista ang nagtanong sa pari ng simbahan, kung bakit sa nabasa niyang sanaysay sa bibliya, ay maraming tao ang nagtutungo sa disyerto sa paghahanap sa Diyos. At karamihan sa kanila, matapos ang maikling panahon ay nagsisitigil at mabilis na nagsisibalik sa kani-kanilang mga lungsod. Sila'y mga nanlulumo at nawalan ng pag-asa na magsumikap pa.

   Mahinahong tumugon ang pari:
   "Kagabi, napansin ko ang aking alagang aso na may nakitang isang kuneho na palipat-lipat sa mga halamanan at pakubli-kubli itong nagtatago. Mabilis niya itong hinabol. Habang tumatakbo ang aking aso ay maingay na tumatahol ito. Ilang saglit lamang, nagsunuran na ring humabol ang ilang nagtatahulang ding mga aso. Paikot-ikot at tahulang umaatikabo ang ginawa nilang paghabol sa kuneho. Hanggang sa napakalayong distansiya ito nakarating, at naging sanhi upang marami pang mga aso ang sumali sa habulan. Kaya ang katahimikan ng gabi ay pinukaw ng maingay na tahulan at takbuhan sa pagnanasang mahuli ang kuneho. At ang matinding habulan ito ay nagpatuloy sa magdamag."

   Nasasabik na nagtanong ang seminarista, "Ano pa po ang nangyari sa habulan?"
  
   Nagpatuloy ang pari, "At habang nagaganap ito, marami sa mga aso ang napagod na, huminto, at hindi na humabol pa. Patuloy na nagsitigil na rin ang iba pa sa mga aso, at iilan na lamang ang natira sa paghabol hanggang sa matapos ang magdamag. Kinabukasan, ang aking aso na lamang ang humahabol sa kuneho.

  "Naiintindihan mo ba, "ang pagpapaliwanag ng pari, "kung ano ang tunay na kahulugan ng aking isinalaysay sa iyo?"

   "Hindi po, ang pakli ng batang seminarista, "Wala po akong alam."

   "Napakasimple at pangkaraniwan lamang," ang pagtatapat ng pari. "Ang aking aso ay nakita ang kuneho!"

 
   Ang proseso upang ganap na maunawaan ang tunay na damdamin ng kaligayahan para sa ating mga sarili ay ang matutuhan na panatilihing gising ang ating kamalayan at titigang maigi ang mga katotohanan sa ating buhay. At kapag natuklasan mo ang kapangyarihang dulot nito, kailanma'y hindi ka na hihinto, o, tutularan ang mga asong humahabol na nagsihinto na at hindi nahuli ang kuneho.

   Ngayon, mayroon ka bang 'kuneho' sa iyong buhay na nais mong hulihin?




Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

Ano ang Ipinagkaiba ng Masaya at Maligaya?


 Ang may masayang kaisipan ay kawangis ng isang binhi na itinanim at pinayabong upang anihin ng marami.

   Malaki ang pinagkaiba ng dalawang katagang ito; subalit madalas na nagagamit na tila iisa ang kahulugan at magkatulad sila ng nararamdaman. Bagama’t mga emosyon na pangunahing inilalakip sa kasiyahan ng loob bilang positibo at kanais-nais, nababatay ang mga ito sa sidhi at tagal ng nadarama.


   Ang masaya (happy) o ang kasayahan (happiness) ay panandalian lamang. Nakukuha ang kasiyahang ito sa magandang kapalaran o kapag sinusuwerte ka sa buhay. Natutuwa ka sa mga tagumpay na nakamtan mo at sa mga papuri at parangal para dito, sa mga ginagawa mo, sa mga bagay na natatanggap mo, sa mga relasyong nagpapahalaga sa iyo, at sa mga sitwasyong kinahuhumalingan mo. Dangan nga lamang, may katapusan ito at hindi patuloy na nararamdaman. Ito ay mga karanasang na iyong nakikita at mahahawakan. Masaya ka ngayon dahil nagdiriwang ka ng kaarawan mo, at tumanggap ng maraming regalo, subalit matapos ito at tumigil na ang mga pagsasaya, magbabalik muli ang dati mong sitwasyon, at maghahangad kang muli na sumaya.

Ang maligaya (joyful) o ang kaligayahan (joy) ay matagalan. Ang kasiyahang ito ay nanggagaling mula sa puso bilang pangunahin mong emosyon, mga karanasan itong hindi mo nakikita o nahahawakan. Ang iyong ispirito lamang ang may kakayahang maramdaman ito. Ito ang mataas at kabubuan ng iyong katauhan na maramdaman ang taos sa pusong kasiyahan at nakalulugod sa iyo. Nababatay ito sa makabuluhang karanasan na laging nagpapasiya sa iyong kalooban sa tuwing naaala-ala mo.

   Doon sa mga hindi gising at nananatiling tulog ang kamalayan, magkatulad ang kahulugan nito sa kanila. Kaya hindi kataka-takang patuloy nilang hinahanap ang mga bagay at sitwasyon na laging nagpapasaya sa kanila. Para itong mga tukso na pilit nilang hinahahabol. At kapag nakamit ay nawawalan ng interes at naghahanap muli ng makahihigit pang kasayahan.

   Bihirang sumagi sa kanilang isipan kung papaano masusumpungan ang mga ito mula sa kaibuturan ng kanilang puso at mapanatiling nararamdaman.

Narito ang magandang paglalarawan:
  Kung may nakita ka na isang matanda na nag-aalinlangang tumawid ng daan at nagawa mo itong maitawid. At buong lugod na nagpasalamat sa iyo, ano ang iyong naramdamang kasiyahan?
   -Ang maging maligaya. Mananatili ito sa iyong puso sapagkat tumimo ito at nasaling ang iyong mabuting pakikitungo sa iyong kapwa.
  Hindi mo inaasahan ay may nagregalo sa iyo ng hinahangad mong bagong cell phone sa iyong kaarawan, ano ang iyong mararamdamang kasiyahan?
  -Ang maging masaya. Sapagkat nalunasan ang iyong pagnanais na magkaroon ng cell phone. Ngunit kapag nakita mong may bago at higit na maganda kaysa dito, ang kalungkutan ay muling magbabalik sa iyo.

  Subalit magagawa mong maging maligaya, kung mauunawaan mong lahat ng nakikita at nahahawakan ay may hangganan at katapusan. At ang kasayahan mula sa mga ito ay panandalian lamang. At yaon lamang mga hindi nakikita at nahahawakan subalit nagpapaantig sa iyong damdamin  o nagpapaalab sa iyong puso ang siyang pinakamahalaga at nagpapaligaya sa iyo.

  Masaya ka ba o maligaya sa ngayon?

Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

Papaano ba Mapapanatili na Maging Masaya at Maligaya?


Ang hanapin ang kaligayahan ay pangunahing sanhi ng kapighatian.

   Sino ang hindi nais sumaya? Lahat tayo ay nagnanasang makaramdam ng kasiyahan. Lalo na sa mga kahirapan at mga pagtitiis, dahil sa mga kaganapang nangyayari ngayon sa ating kapaligiran. Hindi naragdagan ang kinikita, subalit patuloy ang pagtaas na mga bilihin. At lumalala ang mga nakawan, mga kabuktutan, at pagsasamantala sa mahihina at maralita nating mga kababayan. Kahit paminsan-minsan lang, kailangan din natin ang humalakhak para maibsan naman ang anumang bumagabag sa atin.

  Ang kaligayahan at kasayahan, kapighatian at kalungkutan ay pinakaubod na aspeto ng buhay. Lahat tayo ay dumaraan sa mga prosesong ito. Naisinin o iwasan man natin ang mga ito, ay kusang mangyayari pa rin sa atin. Bahagi ito upang tamasahin natin ang kasiyahan ng pagiging masaya at maligaya. At ang magising at magawang lunasan ang anumang idinudulot sa buhay na mga kapighatian at kalungkutan. 

   May ilang  tao ang nagawang mapaunlad ang sarili at nagkamal ng maraming salapi. Lahat halos ng kanilang magustuhan ay kaya nilang mabili. Mayroon ding mga nagkamit ng pamana sa mga maririwasang magulang at hindi makakayang ubusin ang yamang ito sa kanilang buong-buhay, kung tama lamang ang gagawing paggugol. Mayroon ding pinalad na tumama sa loto o sa mga paligsahan, ngunit mga panandailian lamang ang kanilang nakamtang kasaganaan. Wala silang kakayahan o abilidad na patuloy na tamasahin ang kanilang mga biyaya.

   Ang paglilibang ay hindi siyang kaganapan ng lahat. Ang maaliw at matuwa lamang sa kapalarang nakamit ay hindi sapat. Kailangan ang matibay na panuntunan upang hindi ito matapos at mabalik sa dating kalagayan.
“Nasa kama ka na, huwag mo nang hangarin pang bumalik sa sahig.” 


Pag-aralan ang mga Libangan
Ano ba ang nagpapasaya sa iyo? Yaong bang kapag natapos mo ang iyong trabaho sa maghapon ay nagagawa mong maglibang, gaya ng mga sumusunod:

-Manood ng telebisyon; subaybayan ang mga kaganapan sa pinilakang tabing, mga buhay artista, at mga sigalot sa kanilang pamumuhay.
-Manood ng sine; kinakagiliwan ang alin sa mga ito: drama, komedya, tradhedya, digmaan, katatakutan, adbenturero, detektib, at mga pantasya.
-Magtungo sa barberya; magpagupit at makipaghuntahan sa mga lumalaganap na tsismisan ng bayan.
-Magtungo sa shopping mall; at bisitahin ang mga tindahang umaaliw at nag-uunahang ilabas mo ang iyong pera.
-Magsaliksik sa computer; kung ano man ito’y tanging ikaw lamang ang may dahilan kung bakit nahuhumaling ka dito. Makabuluhan o walang saysay man ito.
-Magsaliksik sa mga tindahan ng aklat; na tila may hinahanap na kailangang bigyan mo ng atensiyon at magawang paglibangan.
-Makiisa at sumama sa simbahan, anumang kapisanan, o samahan na paglalaanan mo ng panahon.
-Makilaro ng anumang uri ng palakasan na kinahiligan mo.
-Maggitara o tumugtog ng anumang instrumento sa musika.
-Magmalasakit sa iyong kapwa; maglingkod at tumulong.
-Makipaglaro sa mga bata at makipagkuwentuhan.
-Mamasyal sa parke at pagmasdan ang mga tanawing nagpapasiya sa iyong kalooban.
-Magbasa ng kinagigiliwang aklat, o ng komiks.
-Magluto ng paboritong pagkain.
-Makinig ng paboritong musika, umawit at sumayaw.
- Magtago sa silid at magdasal.
  . . . at maraming iba pa na mapaglilibangan.

   Mapapansin na ang lahat ng mga ito ay PANANDALIAN lamang. Matapos gawin ang mga ito, babalik muli ang iyong kamalayan sa dati. Ang mag-isip kung papaano malulunasan ang nakaambang mga alalahanin.

   Mayroong walang katuturan at mayroon ding makabuluhan. Nasa iyong kapangyarihan ang piliin ang higit na nagpapasaya sa iyo at nagpapanatili ng kaligayahan.

   Nasa iyong pamamaraan lamang kung papaano magagawa mong maging makabuluhan ang iyong libangan, at magamit na maikling hangarin para sa mahaba mong paglalakbay na matupad ang iyong layunin. At ito ang magpapaligaya sa iyo.


   Kung maglilibang din lamang, bakit hindi pa ito ituon doon sa makabuluhan, nakakaaliw, at nagagawang makatulong para sa iyong sarili? Kung alam mo kung ano ang nagpapasaya sa iyo; puntahan at manatili dito, at ang kaligayahan ay mapapasaiyo.

   Maligaya ka kung magagawa mong patuloy na maging masaya. Hindi ito nakukuha sa pagkakaroon ng maraming salapi, katanyagan, kasaganaan sa lahat ng bagay, mga tagumpay, o maging masuwerte. Ang kaligayahan ay mananatiling mailap at pasulpot-sulpot---isang natatanging pakiramdam na kalimitan ay hindi maabot.

   Hindi ito karaniwan at madaling makuha. At lalong mahirap na tiyakin at patuloy na hintayin. Umaasa subalit hindi makakamit. Kailangan itong malaman bago natin ito matututuhan kung nasa atin na ito o wala pa . . . Sa katapusan, mauunawaan nating ang kaligayahan ay hindi isang sitwasyon, o isang natamong bagay. Ang hangaring masumpungan ito at manatili sa puso ay isang pagkilatis sa iyong katauhan at kadakilaan ng iyong kaluluwa.
  


Kailangan nating tumawa bago tayo sumaya, dahil ang mga bagabag kapiling natin tuwina. 
Alamin kung ano ang higit na nagpapaligaya sa iyo.


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan


Masaya Ka Ba?


 Kung nais mong maging masaya, magmalasakit sa iba. Kung nais mo pang higit na maging masaya, magmalasakit muli sa iba.
 
   Tayo ay mga nilalang na naghahanap sa ating mga sarili. Ang iwasan o iwaglit man lamang ang katotohanang ito ay pagkakait ng kadakilaan sa ating buhay. Magagawa nitong mawalan ng pag-asa sa ating puso at maglaho ang kasiyahan sa ating isipan na maging masigla, may kalakasan, may pagsisikap, at makamit ang mga tagumpay.

   Ang kaligayahan lamang ang makapangyayari na mawakasan ang anumang kapighatiang nadarama mo sa ngayon. Ito ay nakukuha sa kaalaman na mabuhay ng maayos at may patutunguhan, karunungang piliin ang mga tama at nararapat gawin, ang mabuo at maisakatuparan ang lahat na mga katangiang nais mong makamtan para sa iyong sarili.

   Higit sa lahat, ang pagiging masaya ang nagpapahiwatig at nadarama kung ano ang ating tunay at talagang hinahangad. Tinuturuan tayo nito na maunawaan kung papaano tatanggapin at magagawang makabuluhan ang mga pagpapalang dumarating sa atin. Natututuhan din nating hindi tayo ay nagiging masaya sa pagsasabing nasisiyahan tayo. At kailangan maunawaan, nakahihigit dito ang kaligayahan kaysa lumikha ng katauhang nagpupumilit na ipakita na masaya at mabigo na marating ang kaganapan na minimithi natin para sa ating mga sarili.

AKO ay MASAYA

Masaya tayo kung matutuhan nating pahalagahan kung anuman ang mayroon tayo at maging sa mga nais nating makamit na wala pa sa atin.

Masaya tayo kung alam nating nasa paglalakbay ito at hindi naroon sa destinasyon.

Masaya tayo kapag pinagyayaman natin ang matayog na antas ng pagkakakilanlan sa ating mga sarili---sa larangan ng mga sining, kultura, pagkamalikhain, pang-uunawa, pagkamasinop, at makabayang layunin.

Masaya tayo kapag itinutuon natin ang mga regalo ng buhay o doon sa mga bagay na ating tinatanggap na mga pagpapala at biyaya kaysa walang pagkasawang alalahanin ang mga pasakit at manatiling dumaraing. Hangga't tayo'y mapagpasalamat sa mga biyayang ito, lalong marami pang mga pagpapala ang ating makakamit. Kapag patuloy tayong gising at nagpapasalamat, higit tayong nagiging masaya.

Masaya tayo kapag iniiwasan nating masiphayo sa mga ipinupukol na pamumuna at pamimintas sa ating mga kahinaan. Hangga't mayroon tayong pagtitiwala sa ating mga sarili, pinasisigla nito at pinasasaya ang ating mga kalooban.

Masaya tayo kung ang pansin natin ay wala sa mga materyal na bagay, bagkus kung papaano ito magagamit upang makatulong sa mga nangangailangan.

Masaya tayo kung alam natin kung ano ang dapat nating gawin. Nababatid ang dakila nating layunin. Nalalaman kung saan tayo patungo. At nakakatiyak kung papaano ito maisasakatuparan.

Masaya tayo kapag nagagawa nating magpasaya ng iba.

Masaya tayo sapagkat nananatili at walang pagkupas ang ating pananalig na may higit na Makapangyarihang Ispirito na gumagabay sa atin upang matupad ang nakatakdang kapalaran para sa atin.





Sadyang masaya tayo at ito ang patuloy na nagpapaligaya sa atin.






Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

Friday, January 20, 2012

Halina sa Ating Magandang PILIPINAS . . .

Punong-puno ng makukulay at nakawiwiling mga kapistahan at mga pagtatanghal, at mga pagbubunyi sa lahat ng panig ng ating mga kapuluan!


Magpakasaya, makilahok, at makipagsayaw sa mga inihanda na katangi-tanging mga pagdiriwang at mga kulturang nagpapakilala ng kanya-kanyang mga kinagisnan!




Mga pambihirang tradisyon na kagigiliwang tiyak ng mga nagnanais ng naiiba at mga katutubong 
pamana mula sa ating mga ninuno! 


 Lahat ay may kanya-kanyang likas na pang-akit na talagang nakabibighani at sadyang maipagmamalaki kahit saan man!


Ipinagkakapuri natin ito, bilang lahing kayumanggi. Ang nag-iisa, ang kaakit-akit, ang namamayagpag 
at walang katulad na 
Perlas ng Silanganan!




Buong pagpupugay na bumibighani ang mga likas 
at pambihirang mga tanawing narito; at ang mga idinudulot nitong walang kahulilip na mga kasiyahan at pambihirang 
mga karanasan!



Tunay na hindi malilimutan . . .
Sadyang kaakit-akit at nakawiwiling babalik-balikan . . . 
 . . . at walang sawang uulit-ulitin ang mga nasaksihan
at mga naramdaman.

Sapagkat ... tunay na naiiba. Walang katulad. May kanya-kanyang kasaysayan, mga katutubong kaugalian, at pambihirang
mga pagkain at kakanin, na kailangang maranasan at malasap ng bawa't mapagmahal sa sariling bayan.



Na buong pusong ipinagkakaloob at magiliw na ipinadarama ng bawat isa nating kababayan; nang walang pagmamaliw sa bawat bisita. Mapitagang tunay at wagas na nagpapakita ng 
kapuri-puri na mga kaugaliang Pilipino.

Iba talaga ang mga Pinoy pagdating sa maasikaso at magiliw
na pagtanggap sa mga dumadalo. Wala itong kaparis.

Huwag nang mag-atubili pa . . .
Huwag nang hintayin pang dumilim at mangapa sa karimlan.


Hangga't may mga matang kayang tumanaw, mga paang kayang ilakad, umindak at isayaw, may pandinig na kumikilatis ng mga kundiman at awiting sariling atin, may panlasa na kayang lasapin ang malinamnam na mga pagkain at mga panghimagas, at may 
pandamang nais sumaya at patuloy na lumigaya ---
samantalahin ang . . .
 bawa't sandali . . .

Ngayon na ang pagkakataon!

At . . . maging sa gabi-- ay patuloy pa rin ang mga kasayahan; mga makukulay na paputok, mga nagpaparadang mga banda ng musiko, mga prusisyong nagpapasalamat sa mga patron, mga paligsahang sadyang tagisan ng lakas at talino, mga nakakaakit na mga pagtatanghal... na nagdudulot ng hindi malilimutan na pambihirang mga kaganapan sa ating buhay.

Huwag natin itong palampasin . . . Sa ating bansang Pilipinas lamang ito tanging mararanasan. At sa ating mga minamahal na mga kababayan lamang natin masusumpungan.  

Iba talaga ang nasa sarili mong bayan, bawa't buntong-hininga mo'y may katumbas na kaligayahang hindi makakamtan sa ibang lupain ng mga banyaga.

Walang katulad at hindi kayang matumbasan.

Sapagkat bawa't isa ating mga kababayan ay mayroong 
patnubay ng mga ito:

 Kaya nga  . . . WoW na WoW ang lahat ng mga ito para sa atin. Tunay na mga karanasang . . . hindi na natin malilimutan.  


Ano pa ang hinihintay mo?

Pumasyal na sa ating napakaganda at nakabibighaning PILIPINAS!


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

Wednesday, January 18, 2012

Masipag o Masikap?


Ang malulungkuting tao ay kinaiinisan ang masasaya, at ang masasaya ang malulungkot; ang mga masikap naman ay naghahanap ng paraan at sumasaya, subalit ito ang malungkot, ...ang mga tulog ay naiinggit sa mga  
gising at masikap.

   Naikuwento ko na ito sa isang pahina, subalit mainam na balikan at mapag-aralan. Sapagkat ang paksa natin ngayon ay ang maging mulat at tunay na gising sa ating kapaligiran. Dahil marami ang tulog, natutulog, at nagtutulog-tulugan.

   Mayroon akong dating dalawang karpintero na gumagawa ng aking mga kuwadro na ginagamit sa pagtatak (screenprinting) ng kamiseta at kalendaryo sa aking negosyo. Pareho silang may naiibang katangian, at kung gising ka madali mong makikilala ang kanilang mga angking kahinaan at kalakasan.

   Ang isa ay talaga namang masipag . . . napakasipag. Ika-pito pa lamang ng umaga ay pumapasok na at ginagawa na ang trabaho nito. Madalas ay lumalabis sa ika-lima ng hapon kung umuuwi ito. Kung minsan naman ay ginagabi na. Bihira siyang lumiban, at may karamdaman lamang, kaya hindi nakapasok sa kanyang trabaho. Anupa’t isa siyang huwaran kung sa pagpasok at pagliban ang pag-uusapan.

   Ang isa naman ay laging nahuhuli sa oras. Kung hindi kalahati, kung minsan ay mahigit na isang oras. Bagama’t pinapalitan niya ito sa pagdagdag ng oras sa kanyang trabaho, ay kinaiinggitan siya ng iba pang mga manggagawa ko. Sapagkat mahigpit ako sa pagpapairal ng tamang oras sa pagpasok sa trabaho. Ang katangian ng isang ito, ay ang pagiging masikap niya.

   Doon sa masipag; lagi itong may ginagawa. Maglalabas ng maraming kahoy, susukatin, lalagariin, kakatamin, magsusugpong, at magbubuo. Anupa't sa tuwing pagmamasdan mo siya, walang puknat sa pagkilos. Talagang napakasipag. Bihira ang magpahinga. Matapos ang lahat ng mga ito, sa bilang na dalawampung kuwadrong natapos, ang walo rito ay uulitin o nasasayang. Dahil wala sa tamang sukat at nakalihis ang sugpungan, hindi nakalapat at nakatikwas ang isang sulok ng kuwadro kapag inilapag sa lamesa. At ang masaklap, marami ang mali at wala sa sukat ang lumabis na retaso sa mga kahoy. Mapipilitan kang piliin ang mapapakinabangan pa.

   Doon sa masikap; nasa eksakto ang paggawa nito. Kukuha ng mga kahoy, pipiliin ang mga tuwid, ihihiwalay ang mga wala sa ayos, uupo, maglalabas ng papel at lapis, at magsusuma. Maraming oras din ang ginugugol niya na nakaupo sa pagsuma. Subalit kapag inumpisahan na ang trabaho, diretso, lagari ng lagari, pinuputol lahat ang mga kahoy na nais niyang gamitin. Matapos ito ay pagsusugpungin at bubuo ng mga kuwadro. Doble ang natapos kaysa sa masipag. Lahat ay nasa tama, makinis, at nakalapat kapag ipinatong sa lamesa. At kung pagmamasdan ang mga naging retaso o naputol na lumabis sa kahoy, hindi na maaaring magamit pa. Panggatong na lamang ang mga ito. Walang naaksaya, lahat ay may pinaggamitan.

   Sino sa iyong palagay ang magtatagal sa kanyang trabaho sa dalawang ito? Ang masipag o ang masikap? Nababatay ito sa katalinuhan sa paggawa.

   Huwag magkamali sa kahulugan ng matiyaga, masikhay, masikap, at lalo na ang maagap. Magkakaiba ang paggamit nito. Kung alam mo ang kawikaang “Daig ng maagap ang masipag.” Batid mo ang tinutukoy ko. Ang matiyaga ay puspusan at walang hinto kung gumawa. Ang masikhay ay naghahanap pa ng gagawin. Subalit ang masikap, maagap ito sa pagkilos . . . talagang nagsisikap na mapabuti ang ginagawa. Inaagapan na makatapos sa tamang panahon ang nakaatang na gawain. Ang maagap ay kapatid ng masikap.

  Ang masikap; ay pinaghalong masipag, matiyaga, maagap, at masikhay. Mapaghanap siya ng mga kaparaanan sa ikahuhusay ng kanyang trabaho. Laging binabago ang kinagisnang gawain; kung ito’y wala na sa panahon at maraming oras ang naa-aksaya. Palabasa ng mga makabagong paraan at laging pinauunlad ang sarili. Hindi katakatakang, sa maliit na panahon lamang, isa na siyang maestro-karpintero at humahawak ng maraming karpintero na kanyang mga tauhan. At pagiging kontraktor na ang ginagampanang tungkulin.

   Kaya, madalas kong nababanggit, hindi lamang katalinuhan ang kailangan sa buhay, bagkus ang nakadilat ang iyong mga mata at mulat ka sa mga matitinding kagananapang naghahari sa iyong harapan.

   Bakit? Sapagkat marami na akong nakakadaupang-palad na mga abogado, mga doktor, mga guro, mga inhenyero at kung anu-ano pang mga magagandang propesyon, subalit marami sa kanila nananatiling katamtaman ang narating na kaginhawaan, nakakaraos at ang iba nama'y hikahos sa buhay. May naghihirap at halos isang kahig at isang tuka ang takbo ng kapalaran. Mabibilang lamang sa daliri ang tunay na umaasenso sa mga propesyong ito at nakaririwasa sa buhay. Sapagka't kapag karaniwan lamang ang iyong pag-iisip ...at hindi masikap, karaniwan din ang natatamong biyaya.

   Datapwa’t masdan ang mga ilang hindi nakatapos o nakapag-aral. May malaking negosyo, mariwasa, at patuloy ang pagyaman. Karamihan sa mga bilyonaryo ngayon sa ating lipunan ay halos hindi nakatapos sa kolehiyo. Ang tanong, ano ang mayroon sa kanilang katangian at nagawa nilang paunlarin ang kanilang mga sarili?

   Narito ang tamang sagot; diskarte, wedo o likas na mulat, maparaan, at marahas na walang sawang pagnanasa na makamit ang tagumpay. Sa lahat ng ito, ang kabubuan: MASIKAP sa buhay!

   Ang pinakamayamang tao sa buong mundo; si Bill Gates ng Microsoft, na may 75 bilyong dolyar ay hindi nakatapos. Pati na sina, Steve Jobs ng Apple, Richard Branson ng Virgin Atlantic Airways. Dito naman sa atin ang mga bilyonaryong sina; Lucio Tan ng Philippine Airlines, Henry Sy ng SM Group of Companies, at maraming iba pang mga Pilipino na magpapahaba ng listahan kung babanggitin pa dito.

   Mainam ang nakapag-aral at tumalino, subalit hindi naman kailangan na nakabatay ka palagi sa teoriya at mga panuntunan. Ang mahalagang kailangan mo ay yaong praktikal at gumagana ang iyong sentido comon. At ito'y nakukuha mula sa labas ng paaralan, sa mga pagkakamali sa sarili at mula sa pagkakamali ng iba. Mga karanasan itong nakapagdaragdag sa talinong iyong napag-aralan. Ang sekreto nito ay ang pagiging MASIKAP.

Ayon kay Celene Dion, isang tanyag na mang-aawit:
   “Madalas tuwing ako’y nagtatanghal binabanggit ko sa aking mga magiliw na manonood (adoring fans). Nagbayad kayo para sa pagtatanghal na ito! Kayo ang pumili at namili sa lugar (Caesars Palace in Las Vegas) na ito. Kayo ang bumili ng aking mga nagawang mga awitin (records). At alam ba ninyo, hindi ako basta kumakanta ng libre (walang bayad). Dahil trabaho ko ito. Binabayaran ka sa kung ano ang ginagawa mo. At ako ay masikap na nagtatrabaho. Subalit napakaraming tao ang masipag na nagtatrabaho at wala silang anumang bagay. Sadyang ako’y napakamapalad, at maraming tao ang patuloy na bumibili ng aking mga awitin (albums) taun-taon, at sila ay nagsisidalo upang panoorin ang aking mga pagtatanghal, ang mga ito’y napakamahal (very expensive) subalit patuloy pa rin silang dumarating at nanonood.”  -Celene Dion, mula sa panayam ni John Heilpern. Vanity Fair (No.617), January 2012

   Ang masikap ay laging nakabukas ang isipan sa mga pagkakataon at mabilis na sinasagpang ang mga ito. Hindi mula sa pagiging masipag na nakasubsob sa trabaho; na mistulang kabayo na may mga takip sa gilid ng magkabilang mga mata, at ang nakikita lamang ay ang tinataluntong daan.
  Sa isang panoorin noon ni Dolphy sa telebisyon, madalas na tinutuya at pinasasaringan ni Dely Atay-atayan si Dolphy, na “Magsumikap kaaaaa!" At susundan pa ito ng, “Aba’y huwag kang umasa sa yaman ko.” At pagtatapos, “Paligayahin mo naman ang anak kong si Marsha!”

   Ngayon… mabuti ang masipag, subalit iba na ang masikap.
        
   . . . Dahil tiyak nang may kalalagyan itong masaganang buhay.


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan







Monday, January 16, 2012

TIP 2012: Katalinuhan o Kamulatan?


Ang katalinuhan ay hindi sapat na alam lamang kung ano ang kailangang gawin o magagawa, bagkus ang gising o mulat at nalalaman ang magagawa at ang hindi na kailangang pang gawin.

   Dalawang uri ng pananaw ang nakatutok sa ating kaisipan; ang katalinuhan at kamulatan. Magagawa mong maging matalino subalit kung kapos ka naman sa kamulatan ay wala itong saysay, o mabagal kang magpasiya maging gising ka man at may malay, o sa anumang mga kumbinasyon sa pagitan nito. Totoong ang kamulatan ay may iba’t-ibang anyo at antas. Nasa iyong tamang pagkilos lamang kung ano ang higit na mahalaga para sa iyo. Ito ang magpapahiwatig ng ating angking talino at kamulatan sa mga nangyayari sa atin.

   Ang katalinuhan ay nakukuha sa pag-aaral at matamang pagsasanay, samantalang ang kamulatan ay natutuhan sa sariling mga pagkakamali, mga kamalian ng iba, at mga karanasang natikman na nag-iwan ng ibayong aral upang hindi na itong muling balikan at ulitin pa.

  "Matalino ka mang naturingan, ngunit kung kinakapos ka naman at hindi mulat sa iyong kapaligiran; at sakaling ikaw ay nasa bingit na ng kapahamakan, papaano mo ito matatakasan?" 
                                                                                                      -Agatona Alimorong Navarro

   Magagawa nating ipagwalang bahala ang katotohanan at matapos ito ay iwaksi at kalimutan na ito. Dangan nga lamang ang balewalain ang mga nagdudumilat na katotohanan ay humahantong sa ibayong kapahamakan. Isang pandaraya ito sa ating mga sarili na kailangan nating supilin.

   Ang manatiling gising at mulat sa mga kaganapan sa ating paligid ay napakahalagang pag-uugali. Matalino ang may nalalaman. Higit na matalino ang isinasagawa ang kanyang nalalaman. Subalit ibayong matalino ang may nalalaman, isinasagawa ito, at nananatiling gising sa magiging kaganapan nito kung makakatulong o makakapinsala ito sa maraming gagawing pakikibaka sa buhay.

GUMISING at TAMASAHIN ang Iyong KALIGAYAHAN

Nais mo bang magkaroon ng buhay na mariwasa, makahulugan, masagana, at batbat ng kaligayahan? Ang kailangan lamang ay mulat ka sa pagkakaroon ng mapagpasalamat na puso, at hangaring makapaglingkod sa iyong kapwa. Sapagkat kung magagawa natin ang mga ito, malaki ang ipagbabago ng ating buhay.

   Hindi na kailangan pa ang katibayan upang paniwalaan ito. Subukan lamang, at tahasan matutunghayan at mararanasan mo ang mabilis na pagbabagong ito.

Isang Pagmumulat:
   Narito ang ilang TIP 2012 (Tanging IsangPilipino) na magandang panimulan sa unang buwan ng taong ito. Magbulay-bulay at limiing maigi ang kapupulutang aral ng mga ito. Kopyahin, ipaskel sa kung saan na lagi mong makikita, ibahagi sa iba, at hayaan silang makatas ang tunay na mga katuturan nito sa ating buhay:

Ang matalinong tao ay alam ang lahat; ang tuso naman, ay kilala ang lahat. Ngunit yaong mga gising lamang ang nakauunawa kung anong ibubunga nito.

1-Alalahanin na ang kalidad ng iyong buhay ay pinangingibabawan ng kalidad ng iyong kaisipan.

2-Ikaw ay buhay. Isa itong handog sa iyo. Hangga’t gising ka, ang pag-asa at mga pagkakataon ay abot-kamay na lamang. Kumilos na, upang ito ay maging katotohanan!


3-Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga wala sa iyong buhay, pahalagahan at tamasahin mo ang mga nasa iyo.

4-Ang iyong kalusugan ay pangunahin mong kayamanan. Hindi ito makakayang tumbasan kahit na anumang halaga. Pakaingatan ang ating katawan, dahil isa itong mahalagang sasakyan sa ating ginagawang paglalakbay.

5-Pagkagising sa umaga, ang magpasalamat ay isang kaluwalhatian.

6-Masusing tanungin ang sarili: “Papaano ba ako makapaglilingkod sa maraming tao?”

7-At bago matulog sa gabi, itanong ito sa sarili, “Anong limang mahalagang bagay na nagawa ko sa araw na ito?”

8-Paantukin ang sarili na iniisip sa tuwina bago matulog ang iyong mga pangarap na para bang nangyari at ipinamumuhay na. Kusa nitong isasanib sa iyong kamalayan at pakikilosin sa iyong panag-inip, at sa iyong pagkagising ay tahasan mo nang gagawin.

9-Ang iyong ginagawa ay hindi isang trabaho. Ito’y ang lumikha ng daan para sa mga sumusunod sa iyo.

10-Hangga’t nasisiyahan ka sa iyong ginagawa, hindi ka nagtatrabaho. Bagkus libangan na ito sa iyo, at ang sahod mo’y bonus na lamang.

11-Alam mo bang malaki itong pagkakataon upang mapatunayan mo kung gaano ang iyong talento at husay ng iyong mga katangian?

12-At kung may problema ka naman, ito ay isang paghamon lamang upang subukan ang anumang kagalingan na mayroon ka.

Ang matalino ay isang hangal kapag pumupuna, humuhusga, madaing at nagrereklamo. Nananatiling tulog at ipinagkakanulo sa pakikialam sa iba kung anong uri ng pagkatao ang nasa kanya.

13-Tuparin ang mga pangakong binitiwan sa iba---at maging sa iyong sarili.

14-Ang mga taong dumarating sa iyong buhay ay may dahilan at layunin, upang maging kumpleto ang nakatakdang mangyari sa iyo. Anumang relasyon ang ipagkaloob mo, sa bandang huli ay ikaw ang mag-aani.

15-Anumang bagay na higit nagpapabalisa sa iyo na kailangan mong gawin, ay siya mong unahin.

16-Huwag aksayahin ang iyong mahahalagang oras na ginagawa ang walang halaga na gawain at wala sa priyoridad.

17-Kapag sinagilahan ka ng takot at pag-aalinlangan, patunay lamang ito na wala kang interes sa iyong ginagawa.

18-Huwag personalin ang anumang lumiligalig sa iyo.

19-Gawing masigla ang lahat na makakaya at ang lahat ay magiging madali na lamang.

20-Hangga’t ikaw ay matiyaga, makakamtam mo ang nilaga.

Maraming hangal na matalino. Ginagawa nilang malaki, may kumplikasyon, mapanganib, at marahas ang mga karaniwang bagay at sitwasyon. Ang mga gising lamang ang may katapangang umiwas at lumihis ng landas.

21-Hanapin ang iyong layunin, mga lunggati, at tunay na adhikain sa buhay. Ito ang iyong tunay na misyon, kung bakit ka nilalang at lumitaw sa mundong ito.

22-Ibahagi ang mga katatawanan at maging tagapagpatawa. Mabisa itong panglunas sa katamlayan na humahantong sa karamdaman. 

23-Ang maliliit na pagkilos tungo sa iyong lunggati, kapag pinagsama-sama ay siyang malaking resulta sa katapusan.

24-Maigting na ituon ang lahat ng iyong pagsisikap sa tunay mong lunggati. At iwasan ang mga walang katuturang mga libangan na gumagambala sa iyo para hindi ito matapos.

25-Huwag kalimutang basahin ang mga ito; Huling Paalam ni Gat Jose Rizal, at Pag-ibig sa Tinubuang Bayan ni Gat Andres Bonifacio. Mayroong pahina ang mga ito dito.

26-Sa mabilis na takbo ng teknolohiya ay nawawaglit na ang ating pagiging makatao. Maging mapagkumbabang tao na iyong nakikilala.

27-Kung sakaliman na ang iyong mga karaingan at dasal ay hindi natutugunan, nalilimutan mong sa iyong mga bangungot at mga bagabag; ikaw ay sinasagot at kinakausap na upang lunasan ang mga ito.

28-Iwasan ang mag-akala sa kahit anumang mga bagay, sitwasyon, at pagkakataon. Dahil ikapapahamak mo ang mga ito.

29-Laging mapag-isa. Ipinid ang pinto ng silid at magdasal na mag-isa. Tanging sariling ispirito lamang ang may kakayahang makipag-ugnayan sa Dakilang Ispirito. 

30-Tandaan na yaong mga dakilang mga ideya at pangarap ay hinusgahan at pinintasan muna; bago ito naisakatuparan.

31-Walang bagay na nagsimulang malaki. Lahat ay nagsimula sa isang tuldok; at sa patuloy na pagkilos, ay unti-unti itong naging higante na kamangha-mangha.

32-Alalahanin lagi na wala pang rebutong naitayo upang parangalan ang mga kritiko at mapagpuna.

33-Ang gawin ang tamang bagay ay hindi problema. Ang malaman  ang tamang bagay, ito ang humahamon sa iyo.

34-Huwag matakot na magtanong na may katangahan. Higit na mainam ito kaysa gumawa ng tangang kapasiyahan.

Walang makakaalam na ikaw ay matalino kung tulog ka.

35-At wala namang ipinagkaiba ang nakapag-aral at nakatapos sa hindi nakapag-aral; kung hindi naman niya ito nagagamit.

36-Marami ang tumatalino, kaya lamang, ay nawawala ang kanilang sentido comon at tamang pagdiskarte sa mga pag-iwas na magkamali. At lalong kahindik-hindik, wala silang pakialam sa kapakanan ng iba.

37-Higit na mabuti ang gumawa ng maling kapasiyahan kaysa walang anumang kapasiyahan. Laluna’t buhay mo ang nakataya. Laging nasa huli ang pagsisisi, kung sakaling nakaligtas ka man.

38-Kapag ikaw ay naligaw sa iyong patutunguhan, matututo kang bumasa ng mapa.

39-Kumilos ka, dahil kung hindi . . . ikay ay kikilosin ng iba.

40-Mapapansin mo siyang tulog, na nagsasalita habang natutulog, at nakikipagtalo sa iyo ng tulog na tulog. Huwag mabahala --- sadya lamang siyang mahimbing matulog. At lalo namang mahirap gisingin ang nagtutulug-tulogan.

41-Umawit. Sumayaw. Tumawa. Ngumiti. At isiping ito na ang iyong oras na magpakaligaya. Ngayon. Sapagkat ang araw na ito, ay tanging handog para sa iyo.

42-Kung nahalina ka sa kabutihang asal na nakita mo, mangyari lamang na pakatandaan at gayahin ito-- upang maging ugali mo.

Ang matatalino ay nakikinabang sa dami ng mga hangal kaysa mga hangal sa dami ng matatalino; dahil ang matatalino ay iniiwasan ang mga kamalian ng mga hangal, at ang mga hangal naman ay ayaw gayahin ang katusuhan ng mga matatalino. Ngunit kung mulat ka, madali mong mauunawaan ang kaibahan ng pagiging hangal at katusuhan ng iba.



43-Pagkalooban ang iyong mga mahal sa buhay, mga kaibigan, at kapwa katrabaho ng dakilang handog sa lahat ng panahon: ang handog mong atensiyon at pagpapahalaga sa kanila.

44-At kung nais mo namang laging talunan; piliting pagbigyan ang lahat sa kanilang mga kahilingan at mga kagustuhan.

45-Dahil kung hindi mo minamahal ang iyong sarili, ay walang magmamahal sa iyo.
.
46-Sapagkat yaong mga bagay lamang na mayroon ka, ang makakaya mong maibigay.

47-Kung magagawa mong bumangon mula sa higaan sa ika-lima ng umaga, mayroon kang 60 segundo upang ihanda ang iyong isip, katawan, mga emosyon, at ispirito na maging pambihira sa mga sumusunod na mga oras. Ang magagaling at laging panalo ay hindi mga katangian ng mga mapapalad …subalit ng mga nakahanda.

48-Panatilihing may ugnayan sa iyong mga mahal sa buhay. Sumulat, tumawag sa telepono, at magpadala ng pagbati …may okasyon man o wala. Sapagkat ang panahong lumipas ay hindi muling mababalikan pa.

49-Ugaliing nagsusulat ng mga kaganapan mo sa maghapon. Ang iyong buhay ay magandang nobela na ikaw lamang ang makagagawang sumulat nito. Isa itong pamana sa iyong pamilya at sumusunod na mga henerasyon.

50-Marami ang nagsasabi na ako’y tanga. Mabuti na ito, kaysa tawagin akong matalinong hangal.

51-Mainam pang wala akong nalalaman kaysa may matutuhan akong wala namang saysay at nakapipinsala pa.

52-Yaong maliliit na bagay na hindi mo binigyan ng pansin, sa katapusan ay siya palang malalaking bagay sa iyong buhay. Huwag kaligtaan ang mga ito; ang batang iyong nakikita ngayon ay magiging dalaga o binata na, na sa maikling panahon ay mag-aasawa, at hihiwalay na upang magbuo ng sariling pamilya. Samantalahin na siya ay nakatingala sa iyo, sapagkat sa isang araw, ikaw naman ang titingala sa kanya.

53-Kung ano ang turing mo sa iyong anak, ay siya ring ituturing niya sa iyo. Pakaingatan; sapagkat sa isang araw, siya ang may kapasiyahang pumili kung aarugain ka o ilalagak sa isang ampunan sa iyong pagtanda.

54-Manatiling nakangiti kahit na sa mga hindi kakilala. Pinalalakas nito ang iyong istamina at pinalilinaw ang iyong kaisipan upang maging masigla sa tuwina.

55-Kung wala ring lamang na saysay ang mga pinagtatalunan, makakabuting ihinto ito--- bago mauwi pa sa pagkakagalit at mga pagbabanta. Tiyaking mabuti ang intensiyon at magiging resulta nito bago pakawalan ang mga salita.

56-Marami ang hindi nakakaalam na bumubuhay ang mahinahong pananalita at nakakamatay ang marahas na pananalita. Maging maingat sa pagbitaw ng pangungusap, dahil nakasalang dito ang iyong ikaliligaya at ikasasawi.



57-Maligayang kaarawan! Sakali man na dakilang araw mo ngayon o sa susunod pang araw; dahil mayroon kang ispirito ng pag-asam at binabasa mo ngayon ang pahinang ito.

58-Sa araw na ito, ang buhay mo'y magbubukas ng maraming pintuan para sa iyo--- at lilikha ng pambihirang mga pagkakataon. Panatilihing bukas ang isipan upang makamtam mo ang mga pagpapalang ito.

59-Ikaw ay matapat, mapagkakatiwalaan, at mapagmalasakit. Ang pag-ibig mo ang nagpapalakas sa iyo upang maging positibo at umaayon sa iyong buhay ang hinahangad mong kaligayahan. Magpatuloy at mapapasaiyo ang minimithi mo.


60-Kung nais mo na ang iyong pananalapi ay nasa tama, tiyaking ang ginugugol at kinikita ay nasa wastong pamamaraan o balanse. Bago gumastos, tiyaking sapat ang kaalaman at tama ang kapasiyahan. Nakakasiya ng kalooban na sa iyong pagpili ay nararapat ang mga binili na sadyang kailangan, at tumpak ang mga halaga.

61-Ang buhay ay laging nagbabago. Bawa't araw, iba't-iba at samutsaring mga kaabalahan ang pumupukaw sa iyong atensiyon. Kung maghihintay ka, lilipas ang maghapon na walang magaganap sa iyo. Subalit sa pagharap sa salamin, mapapansin mong may nadagdag na kulubot sa iyong mukha. Paala-ala lamang ito na patuloy na lumilipas ang iyong pagkakataong magbago pa.

62-Kung hindi ka kakatok sa pintuan, magtatanong, hihingi ng karagdagang inpormasyon o tulong, walang mangyayari sa iyo. Ito ay nasusulat, yaon lamang masigasig sa larangang ito ang mabibiyayaan.

63-Magtanong sapagkat kailangan, upang pagkakamali ay maiwasan!


64-Nais mong makuha ang atensiyon at pagtitiwala ng iba? Madali lamang, magtiwala ka sa iyong sarili at paghusayin mo ang iyong pakikipagkapwa at pagkalinga. Bakit? Dahil kung panis ka at kapos sa larangang ito, makabubuti para sa iyo ang mamuhay sa bundok. Sapagkat doon, walang makakagambala sa iyo upang pakisamahan ang 'nakapanlulumo' mong pag-uugali.

65-Napangiti ka . . . dahil kung minsan nawawala ka sa iyong sarili at malimit na iniisip na para bang ikaw lamang ang tao sa mundong ito. Makasarili ang tawag dito. Aba'y gumising ka naman! Dahil kung hindi ka nakakatulong, tiyak problema at pabigat ka sa mga kasamahan mo!

66-Kung minsan ang brutal na tawag dito'y 'parasite' o parasito. Mga linta at ganid lamang ang may katangiang tulad nito. At kalimitan pinsan nila at malapit na kamag-anak ang mga mandarambong at malilikot ang mga kamay.

67-Hangga't naniniwala kang may puso kang mapagmahal at sa kapangyarihan ng positibong kaisipan, maraming mga pagkakataon ang inilalatag sa iyong daraanan. Napansin mo bang... kapag mayaman ang iyong kaisipan sumusunod ang kayamanan sa pananalapi at masaganang pamumuhay?

68-Dahil patuloy ang mayayaman sa pagyaman at ang mahihirap ay patuloy naman sa ibayo pang kahirapan. Bahagi ito ng katalinuhan at kamulatan.

69-Bigkas ng isang Tsino, "Liit isip, liit kita. Laki isip, laki kita. Kung ikaw dunong ... dunong din buhay mo. 'Wag kang tanga, kasi, tanga, walang pera!"

70-Totoong-totoo ito. Walang marunong na iskwater sa kanyang tinitirhan, laging nakapila sa anumang bagay, at laging nakaabang sa lahat ng pagkakataon. Pagmasdan ang mga taong sa araw-araw ay ginagawa ito at mapaglilimi mong, "Siyanga naman!"

71-Panoorin sa YouTube ang awitin na Pulubi ni Ka Freddie Aguilar. Isama na rin ang awitin niyang Bayan Ko.

72-At kung sadyang mapagmahal ka sa mga awiting Pilipino, simulang panoorin at pakinggan sa YouTube ang ating mga kundiman na inawit nina; Ruben Tagalog, Ric Manrique, Sylvia la Torre, at OPM (Original Pilipino Music).

73-Hindi maiiwasan ang pananamlay, kalungkutan, at pagka-bugnot. Patunay lamang ito, na buhay ka pa. Tulad ng baterya ng celfone o selpon mo, nauubusan ito ng lakas. Kailangan din mo ang mag-charge. Pahinga at makabuluhang libangan naman ang harapin mo.

74-Uminom ng maraming tubig sa maghapon. Malaking tulong ito upang ikaw ay mailigtas sa anumang karamdaman. Ito ang sumasala at nagpapalinis sa lahat ng daluyan sa loob ng iyong katawan.

75-Alam mo bang kailangan mong gamutin ang iyong sarili sa araw-araw? Hindi kung kailan lamang na maysakit ka. Katulad ng isang hardin, inaalagaan, dinadamuhan, dinidiligan, nilalagyan ng pataba, at pinayayabong ito nang walang hinto upang maging maganda at kaakit-akit sa tuwina. Bakit naman ang hindi, kung ang sariling katawan at buhay mo naman ang nakataya?

76-Bakit kaya . . . kapag may piknik o anumang mahalagang okasyon ay pinaplano at pinaghahandaan ang mga ito. Hindi ba mabuti namang ganito din ang gawin natin sa ating buhay, ang ibayong magplano at paghandaan din ito?

77-Ang kaligayahan ay isang seryosong tungkulin natin para sa ating sarili. Dito nakasalalay ang ating mga pagkakataon at pag-asa sa buhay. Kung wala ito sa ating hangarin, walang katuturan ang magpatuloy pang mabuhay. Hindi ito ipinagwawalang bahala. Hindi rin ito na para lamang masabing buhay ay nakatitiyak na tayong darating din at makakamtan natin ito.

78-Kailangang kumilos at gawin ang kaligayahan. Hindi kailanman ito masusumpungan, saanmang dako ito hanapin. Ito’y nakatago lamang sa kaibuturan ng ating mga puso. Maging matalino at gising sa mga kaganapan; at ang kaligayahang minimithi ay kusang aalpas upang pasiglahin ang iyong sarili.


79-Huwag kagyat na husgahan ang isang tao. Isang kamalian ang magmadali. Huminto at alamin ang iyong matututuhan sa kanya bago magpasiya. Kahit na alam mo ang hindi dapat gawin, ay isang mahalagang dahilan upang  magtimpi.

80-Huwag paghimasukan ang mga bagabag ng iba; bigyan sila ng pagkakataon na lunasan ang sarili nilang mga hilahil. Sa halip ay maglibang at magpahinga ka, upang magkaroon ng kalakasang harapin ang sarili mong mga bagabag. 

81-Manatiling bukas ang isipan tungkol sa pananalapi at mga relasyon. Kapag pinaghalo ang mga ito, anumang bagay ay mangyayari. Maging gising at may kamulatan sa iyong mga intensiyon. Sakalimang mapaniwala mo ang iba, kahit na ito’y hindi hinahangad o may nakatagong balak, maghahasik lamang ito ng pagkainis sa ibang araw.

82-Manatiling nakatuon sa iyong lunggati ng walang inaaksayang sandali. Magagawa mong mabago ang iyong buhay na may katiyakan at maligaya. Maging mataman at nasa istraheya ang iyong hangarin at mga pagkilos.

83-Kung nais mong makuha ang atensiyon at panahon ng isang tao, tatagan at linawin mo ang iyong sadya, kaysa hilaw, pauntol-untol, at lumilihis ang iyong pakay---walang magtitiyaga sa iyo. Panindigan at diretsuhin mo ang iyong hangad at makakamtan mo ito.

84-Kung ganap na gising ka, hindi mo magagawang huminto at maghintay na lamang. Hahanap ka ng mga kaparaanan upang mapadali ang iyong tagumpay. Ang masikap ay daig ang masipag.

85-Sa masikap, laging may paraan ito kapag namali at naharap sa napipintong kapahamakan. Sa masipag ... ah-h-h ... naroon pa rin at talaga namang masipag, palaging may ginagawa. Nasa resulta lamang sa dalawang uri na ito ang kasagutan.

86-May masipag at hindi lumiliban sa pagpasok sa paaralan o opisina. Mabuti ito, subalit may natututuhan ba o nakakatulong sa kompanya?


85-Simulan nang idilat ang iyong mga mata, at magmulat . . . ngayon na!


Ano pa ba ang hinihintay mo?





Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Paalaala: Ang mga GABAY sa pahinang ito ay laging dinadagdagan ng mga makabuluhang inpormasyon para sa iyong nakatakdang tagumpay at kaligayahan. Patuloy na basahin upang ang nakalaang pagpapala ay mapasaiyo.