Monday, July 26, 2021
Naligaw ka nga ba?
Hanggat wala kang kabatiran kung saan direksiyon ang iyong pupuntahan, lahat nang makitang daan ay iyong daraanan; palipat-lipat, paikut-ikot, at sa katapusa'y makalimot; --- na ang buhay ay tahasang pinag-aaralan, pinaghahandaan, at hinaharap nang may KAGITINGAN.
Labels:
Banyuhay
Hanggat Binabalak Wala itong Katapusan
Labels:
Banyuhay
Monday, June 14, 2021
Saturday, June 05, 2021
Wednesday, April 28, 2021
Ang Kaharian ng Langit ay nasa Ating Puso
Bawat isa sa atin ay may karapatan, ang lehetimong kapangyarihan
natin na tamasahin ang lahat ng kaluwalhatian na nakatakda para sa atin. Likas at
kusa sa bawat tao na maranasan ang prosesong ito para sa kanyang sarili.
Minsan
habang nagbabasa ng bibliya si pastor Mateo, ay may nagtanong sa kanya. "Pastor, magbibigay ako ng malaking
donasyon sa darating na Linggo kung masasabi ninyo sa akin, kung saan
nakatira ang Diyos?"
Madali tayong makalimot na tayo mismo ay nilalang na kawangis Niya, at ang Kanyang
Kaharian ay matatagpuan lamang sa ating kaibuturan. Sapagkat lahat ng kasagutan
sa ating mga katanungan ay ipinagkaloob na sa atin. Hindi pa tayo isinisilang,
alam na Niya kung sino ikaw, siya, ako, sila, lahat tayo at walang itinatangi
sinuman. Ang kailangan lamang ay sisirin at alamin natin ang Kaharian ng Diyos
na nasa ating kaibuturan.
Ang Kaharian ng Diyos ay nasa kaibuturan mo. Lucas
17:21
Kahalintulad ito ng pinakamahal
na diyamante na nakabalot ng ginto sa kaibuturan natin at palagi nating
dala-dala saan man tayo naroroon. Ang problema lamang nito, ay patuloy mong
hinahanap kung saan-saan, sumasang-ayon kahit kaninuman, at maging maghaka-haka ng kalangitan sa sansinukob, maliban ang sisirin ito sa pusod ng iyong
kaibuturan kung saan ito ay nakakulong. Tanging ikaw
lamang ang makapagpapalaya
nito at wala ng iba pa. Hindi kailangan ang pari, ministro, pastor o
maging sinumang propeta para mamagitan sa iyong mga panalangin.
Kayo ay mga diyos. Juan 10:34
Ang
bilangguang ito ay ikaw mismo ang lumikha, simula nang ikaw ay magkaisip at
sundin ang payo at sulsol ng iba, maliban sa alamin ito
mismo mula sa iyong kaibuturan. Kailangang buwagin at tuluyan nang
iwaglit sa iyong isipan ang mga
imahinasyon, mga milagro, at mga pantasiya na nilikha at patuloy mong
kinawiwilihan sa iyong sarili. Hindi ito ang makapagliligtas sa iyo sa
kapahamakan.
Hindi mo kailangan ang mga alamat at
pantasiya o mga idolo at diyos-diyusan mula sa mga bulaan at mapagkunwaring mga
banal, sapagkat...
Kapag
ikaw ay naniniwala at taos sa iyong puso ang pagmamahal at pagmamalasakit;
Kapag
nananangan ka sa Pag-ibig, Pag-asa, Katarungan, at Kapayapaan maging sa panahon
ng kadiliman at mga kapighatian;
Kapag ikaw ay mapagkumbaba, mahinahon at
magiliw kahit kaninuman;
Kapag
ikaw ay may pananalig, debosyon, at maligayang tinutupad ang iyong hangarin
kung bakit
narito ka sa mundong ito. At kung ang dasal mo ay magpasalamat, ito ay sapat na.
Kung ang mga ito ay nagagawa mo sa araw-araw
ng iyong buhay, walang balakid o anumang bagay ang makahahadlang pa sa iyo para
maging mapayapa at maligaya. Hindi mo kailangan ang mga patakaran, mga kautusan
ng mga banyaga o, mga banta at mga panakot ng mga bulaang propeta, pari, ministro o pastor. Hindi mo
ginagaya at pikit-matang sinusunod ang kultura at alamat ng ibang lahi kundi
ang sarili mong pinagmulang lahi at kulturang Pilipino, At...
Bilang tunay na Pilipino, malaya kang
sundin ang itinitibok ng iyong puso at gampanan nang walang bahid ng anumang
pag-aalinlangan ang Kaharian ng Diyos na nasa iyong kaibuturan.
Kayo ay templo ng Diyos, at ang ispirito ng Diyos ay nasa
kaibuturan ninyo!
I Mga Taga-Korinto 3:16
Labels:
BATHALA
Anumang Iyong Iniisip, Ito Ikaw
Kapag nahuli
mo ang elepante sa likurang paa at nagtatangkang makatakas, higit na mabuti na
bitiwan upang makawala siya.
Kadalasan kapag may masamang
nangyari, sinisisi natin ang
ating sarili. Naniniwala tayo na dapat ay nalaman kaagad bago pa ito maganap, at
kung alam naman natin na mangyayari ito, naiisip natin na dapat ay mapangalagaan,
mapaghandaan o maiwasan ito nang hindi tuluyang maganap.
Kapag
tayo ay naliligalig, natatakot, o nangangamba, madalas ay tumataas
ang
lawak ng ating responsibilidad. Nagkakaroon tayo ng ibayong pagtuon kung
bakit kailangang
hindi mangyari ang isang sitwasyon na magpapahamak sa atin. At kung
nagkamali, matinding mga bagabag pa ang laging laman ng ating isipan. Sa
puntong ito,
nararamdaman natin ang ang kahalagahan ng pagkawala o ng nagawang
kamalian: ito
ay mga pakiramdam ng panghihinayang, kasalanan, kawalan ng ingat, at mahabang pagsisisi.
Ubusin
man natin sa kakaisip kung bakit ito nangyari ay wala na tayong magagawa
pa. Hindi na maibabalik pa ang nakaraan at itama ito. Kalabisan pa na bigkasin ang mga kataga na ; dapat, marahil,
kung,
sana,
at sayang. Pag-aaksaya lamang ito ng mahalagang panahon at
ninanakaw ang ating mga pagkakataon na makalikha ng mahusay at makabuluhang pagtuon,
hanggang sa humina ang ating mga kakayahan at mawalan ng pag-asa na harapin pa nang
matatag ang mga problema.
Huwag gawing responsibilidad ang mga bagay na wala kang kinalaman at wala
kang kontrol.
Labels:
Busilak
Dakila ang MagPATAWAD
Ang landas sa wagas na pagniniig ay pagpapatawad.
Kung nais nating makamtan ang lunas sa pagkasiphayo, mahalaga na tahasan
nating likhain ang mabunyi at nakalulugod na mga relasyon – maging may
malungkot na karanasan tayo sa nakaraan. Sinuman sa atin ay hindi makakasulong
at yayabong, kung patuloy na lumalason sa ating isipan ang mga pagkakasala ng
iba. Kung ahas ang nakatuklaw sa atin, iwasan nating patuloy na lasunin tayo ng
kamandag nito. Kaagad nating nilulunasan ito upang hindi tayo mapahamak.
Kailangan
natin ang mga relasyon na matalik, bukas, at matapat,
na kung saan ay tinataglay natin ang mga ito sa ating pagkatao – nang walang pagkatakot
at walang pagmamaliw anuman ang nagaganap sa ating buhay. Kung wala ang tatlong sangkap na ito sa ating puso,
kailanman ay hindi natin ito maipadarama sa iba. Anumang bagay na wala sa atin
ay hindi natin maaaring maibigay. Mahalaga sa lahat na magkaroon tayo ng
maunawaing puso at kakayahan na magpatawad sa isa’t-isa. Ang pagpapatawad ay
pangunahing sangkap sa pagpapanatili ng malugod na relasyon kung ang mga ito ay
magiliw at nakakasiya ng kalooban. Ang mga relasyong tulad nito ang
nakapagpapasaya sa atin upang maging maligaya sa tuwina.
Sinuman sa atin na nais na magkaroon ng malawig, makahulugan, at wagas na mga
pakikipag-kaibigan ay kailangang may maikling mga ala-ala.
Labels:
Busilak
Madali Ka bang Magalit?
Ang galit ay mabigat na bagahe na patuloy nating pinapasan,
at sa kalaunan ay ating kapahamakan.
Nakita at
naranasan na natin ang magalit at ito ay nagpapasulak ng dugo at nagpapainit sa
ulo. Ang resulta ay manggalaiti, mainis at kung magpapatuloy pa ay ang masuklam.
Pinahihina ng galit ang ating kalakasan at kasiglahan upang maging talunan at mabigo sa
ating mga ginagawa o pakikipag-relasyon sa iba.
Dati-rati ay normal at simpleng mga pagkilos
lamang, ngunit nang mahaluan ito ng pagkagalit ay naging isang karamdaman, na sumisira
sa katinuan ng ating isipan, at wala kang sapat na panahon o pagtitimpi na
maisaayos ito nang ganap. Simula na ito ng mga pag-aalinlangan sa mga gawain, pagkainis
sa sarili, at kawalan ng pagtitiwala. Sa halip na mahusay na makagawa,
napalitan ito ng patama-tama at basta makaraos na paggawa. Ang pagkagalit ay
mapaminsala at kapahamakan ang patutunguhan kung hindi maiiwasan.
Upang
maampat ang apoy, kailangang alisin ang pangunahing elemento nito sa
pagliliyab. Kung aalisin ang gatong na nagpapaliyab dito, titigil ang pagdingas
ng apoy. Ganito din kapag may alitan, nag-aaway o nagkakasakitan, kailangang
alisin ang pinagmumulan ng awayan na siyang nagpapasiklab o umaapoy dito. Ang
gatong sa walang katwiran na pagkagalit
ay ang maling paniniwala sa
pananalita at mga ikinikilos ng iba at kung papaano ito nakakaepekto sa
iyo. Walang
bagay na makakaapekto sa iyo kung wala kang pahintulot. Nagaganap lamang
ang
pagtatalo kung ikaw mismo ay sumasali sa nais mangyari ng iyong kausap
para
maging katunggali mo siya. Kung susubukang tignan ang sitwasyon na
nakatago sa ilalim
at hindi sa ibabaw, mauunawaan kung ano ang dahilan o motibo ng iba at
ng iyong isinusukling reaksiyon tungkol dito. May kakayahan kang ampatin
ang apoy na nagpapasiklab
dito para maging mapayapa ang lahat.
Sa dalawang nagtatalo, tumahimik lamang ang isa ay wala nang pagtatalunan pa.
Labels:
Busilak
TagapagLIKHA Ka ng Sarili Mo
Sila mismo ang
lumilikha ng kanilang mga sarili.
Makikilala ang iyong pagkatao sa mga pagkilos na iyong ginagawa sa
tuwina. Ang tao ay nagsisimulang maging tao o maging makatao kapag itinigil na
niya ang dumaing at manlait; ang pumuna at mamintas; ang magsamantala at
abusuhin ang iba; at magsimulang hanapin ang nakatagong katarungan na siyang
magpapasunod ng tama at mabuti sa kanyang buhay. At habang umaayon ang kanyang
kaisipan sa alituntuning ito, magsisimula siyang ihinto ang walang mga
katuturang paghatol at mga kundisyong pinaiiral sa iba na siyang dahilan ng kanyang mga pighati at
pagdurusa sa sarili.
Kung maiiwasan ang mga mali na pawang
mga kapahamakan ang tinutungo, magagawa niyang payabungin ang sarili na maging
matibay at may ulirang mga kaisipan; ang maging maunawain at mabuti sa kanyang
kapwa. Ang kabutihan at hindi
kalapastanganan ang siyang tunay na umiiral at nagpapasiya sa sansinukob; katarungan at
hindi kabuktutan ang siyang kaluluwa at katas ng buhay; at katapatan, hindi ang
korapsiyon o katiwalian, ang siyang humuhubog at nagpapakilos na puwersa ng
ispirito at pamamahala sa mundo.
Sa lahat ng mga kaganapang ito, ang tao ay
walang masusulingan kundi ang harapin ang katotohanan at itama ang kanyang
sarili. Sa dahilang kapag masama ang kanyang iniisip, ang resulta nito ay
kapahamakan lamang. At kung mabuti ang kanyang iniisip, ay maganda at kabutihan
ang kanyang makakamtan. Sa prosesong ito na inilalagay niya ang sarili sa
wastong pamumuhay, mapapansin niya na kusang napapalitan ang kanyang mga kaisipan
ng mabuting pakikitungo sa mga bagay at mga tao. At dahil din sa relasyong ito;
ang mga bagay at mga tao ay kusa ding nagbabago nang mabuting pakikitungo sa
kanya.
Kapag binago natin ang ating iniisip, magbabago din ang ating mga gagawin, at mababago ang pakikitungo natin sa iba at gayundin sila sa atin.
Labels:
Busilak
Walang sinuman ang
magagawang hamakin ka,
kung wala kang
pahintulot.
Karaniwan nang isipin ng mga tao at sabihin na “Marami sa atin ang mga alipin sapagkat may isang nang-aalipin; kung
gayon, kailangang magalit tayo sa
nang-aalipin.” Ngayon, magkagayunman, mayroong iilan na dumarami sa
atin ang nakapaling na baligtarin ang paghatol na ito, at sabihing, “Mayroong isang tao na nang-aalipin sapagkat
marami ang mga alipin; kung gayon, kailangang
kamuhian natin ang mga alipin.” Ang katotohanan ay ang nang-aalipin at
alipin ay magkatulong sa kamangmangan, at, habang tila sinasaktan nila ang
bawat isa, sa katunayan ay sadyang nagkakasakitan sila.
Kung
walang nagpapaapi, walang mang-aapi. Kung walang pumapayag, walang
mang-aabuso. Walang bagay na makapangyayari, kung wala kang pahintulot.
Sinuman
ay walang karapatan na maliitin ka, kung hindi mo ito pinapayagan o
sinasang-ayunan. Batid natin at makikita kung saan nakakiling ang batas
sa kahinaan
ng mga inaapi at ang walang pakundangang kapangyarihan ng mga nang-aapi;
Salapi ang nasusunod dito. Saan ka man tumingin, alamin, at
ipanalangin; lumalaki ang agwat ng inaapi at mang-aapi. Patuloy ang
pagyaman ng iilan at patuloy din ang paghihirap ng marami.
At ito ang kailangang mangyari, ang wagas na pagmamahal, na nakadarama ng mga kapighatiang nagpapahirap sa dalawang kalagayang ito; ay ang walang paghatol sinuman sa dalawang pangkat na ito; ang tunay na pagmamalasakit ay lubusang pagtanggap sa umaalipin at nagpapaalipin. Sa paraang ito lamang magagawang lunasan ang mapang-aping kaganapang ito. Siya na nagawang supilin at kontrolin ang anumang makasariling mga kaisipan, ay hindi kabilang o nakikisama sa umaalipin at maging sa inaalipin. Hindi siya katulad ng mga ito. Siya ay malaya.
At ito ang kailangang mangyari, ang wagas na pagmamahal, na nakadarama ng mga kapighatiang nagpapahirap sa dalawang kalagayang ito; ay ang walang paghatol sinuman sa dalawang pangkat na ito; ang tunay na pagmamalasakit ay lubusang pagtanggap sa umaalipin at nagpapaalipin. Sa paraang ito lamang magagawang lunasan ang mapang-aping kaganapang ito. Siya na nagawang supilin at kontrolin ang anumang makasariling mga kaisipan, ay hindi kabilang o nakikisama sa umaalipin at maging sa inaalipin. Hindi siya katulad ng mga ito. Siya ay malaya.
Labels:
Busilak
Pilipinas Kong Mahal
Para
sa aking InangBayan;
--sa kanyang walang hintong pagluha. Lubos ang aking pagdaramdam at pagkasuklam sa pagkawala ng maraming biyaya sa kaban ng bayan, sa walang habas na mga pang-aabuso sa ating mga likas na yaman sa lahat ng ating mga kapuluan, at sa walang pakundangang pagsasamantala at pagyurak sa ating mga karapatang pantao. Talamak na at karumal-dumal ang pagmamalabis ng iilan at naghaharing uri sa ating lipunan.
--sa kanyang walang hintong pagluha. Lubos ang aking pagdaramdam at pagkasuklam sa pagkawala ng maraming biyaya sa kaban ng bayan, sa walang habas na mga pang-aabuso sa ating mga likas na yaman sa lahat ng ating mga kapuluan, at sa walang pakundangang pagsasamantala at pagyurak sa ating mga karapatang pantao. Talamak na at karumal-dumal ang pagmamalabis ng iilan at naghaharing uri sa ating lipunan.
Sa pagpasok ng bagong 2015, wala na akong
kakayahan pa na sambitin ang "masaganang bagong taon" kundi ang
panoorin (YouTube), pakinggan at
pausal na sabayan ang awiting "Ang
Bayan Ko." At muling ipahayag nang may patak ng pagluha ang tula ni
Gat Amado V. Hernandez, ang "Kung
tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan." Kasabay din nito ang pagbigkas kong
muli ng tula ni Gat Andres Bonifacio, "Pag-ibig
sa Tinubuang Lupa." Ang mga ito; ang tunay na nagpapakilala sa Dugong
Kayumanggi na nanalaytay sa ating mga ugat bilang pinakadakilang pagmamahal sa
ating InangBayan.
Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan
-ni Gat Amado V. Hernandez
Lumuha ka, aking Bayan, buong
lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa;
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika.
Ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa;
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika.
Ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.
Lumuha ka, habang sila ay palalong
nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan,
Katulad mo ay si Huli, na aliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy kung paslangin; tumatangis kung nakawan!
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan,
Katulad mo ay si Huli, na aliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy kung paslangin; tumatangis kung nakawan!
Iluha mo ang sambuntong kasawiang
nagtalakop
Na sa iyo sa pampahirap, sa banyaga’y pampalusog;
Ang lahat mong kalayaa'y kamal-kamal na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor nasa laot!
Na sa iyo sa pampahirap, sa banyaga’y pampalusog;
Ang lahat mong kalayaa'y kamal-kamal na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw
na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
May araw ding ang luha mo’y
masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo,
Sinigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo,
Sinigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
Labels:
Batingaw
Wednesday, March 31, 2021
Ano ang mahalaga, kadakilaan o kayamanan?
Masama ba ang maging mayaman, o ang kasakimang bumabalot upang maging mayaman?
Ang kasakimang walang hangganan ay higit pa sa
kasamaang umaalipin sa iyo. Anumang yaman na iyong nakuha mula sa
paggawa ng kasamaan, paglabag sa batas, pagsasamantala sa tungkulin, at
mga pandaraya sa iyong kapwa ay kasuklam-suklam. Batik ito sa iyong
pagkatao at sa angkang kinabibilangan mo. - Isang babala na nakapaskel sa isang opisina ng pamahalaan.
Sa isang kuwento na may pamagat na, “Gaano Kalaking Lupain ang Kailangan ng Isang tao?
Isinalaysay dito ang naging buhay ng isang magsasaka, na ang tanging
kaligayahan niya ay matatamo lamang sa pagkakaroon niya ng maraming
lupain. Sa pamamagitan ng matinding paggawa at imbing katusuhan, nagawa
niyang patuloy na magkaroon ng maraming mga lupain. Hindi pa ito
nasiyahan, nakipag-kasundo pa siya sa isang negosyante sa isang
pambihirang negosasyon na kung saan lalong dadami ang kanyang mga lupain
sa halagang isang milyong piso. Magiging kanyang lahat ang anumang
lupain na ibigin niya, kung malalakad niya itong paikot mula sa pagsikat
ng araw hanggang dapithapon. Sa kasakiman na maaangkin niya ang lahat
nang naisin niyang lupain sa kaunting halaga ay pumayag ito sa
kasunduan. Pagsikat ng araw, sinimulan niya agad ang paglakad at
pinuntahang lahat ang mga lupaing kanyang natatanaw. Bawa’t makita niya
ay kanyang nilakaran, naging ganid at walang pakundangang niyang
sinamantala ang lahat ng pagkakataon. Lakad dito lakad doon ang
puspusang ginawa niya at kahit humihingal na sa kapaguran ay hindi ito
humihinto kahit saglit man lamang. Pagod na pagod na ito nang mapansin
niyang palubog na ang araw. Napalayo na siyang lubusan sa kanyang
pinanggalingan at kailangang dito rin siya makarating upang tuluyang
makaikot. Humahagok na ito sa pagod, subalit paspas pa rin ito sa
paglakad. Kailangan niyang umabot sa takdang oras at pook na kanilang
napagkasunduan. Nahihilo at nabubuwal na, ngunit tatayong muli at
lalakad, laging napapasubsob, titindig at lalakad muli, nagdidilim na
ang kanyang paningin, kinakapos na sa paghinga, patuloy pa rin siyang
lumalakad. Hanggang tuluyang mapasubasob ito at hindi na nakabangon.
Nagkikisay at nalagutan ng hininga, ilang metro na lamang ang layo sa
takdang pook na tipanan.
Napapailing
ang negosyanteng kausap sa kasunduan nang ilibing ang magsasaka sa anim na
talampakang hukay. Ito lamang pala ang nakalaan at nakatakdang lupa para sa
kanya. Sapat na kabayaran sa lahat ng ginawa niyang paghihirap sa buong
buhay.
Anim na talampakang hukay lamang pala sa lupa ang katumbas ng lahat niyang paghihirap.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Kilatisin at Suriing Mabuti
Masama
ba ang maging mayaman? Ang maghangad ba nang labis sa nararapat mong
matanggap ay masama? Ang kayamanan ba ay kakabit ng kasamaan?
Ang isang bagay ay hindi natin mapasusubalian kung ito’y masama
o mabuti, ito’y nasa uri ng paggamit. Nababatay ito sa gagawin mong
kapasiyahan at pagkilos. Anumang intensiyon o hangaring nakapaloob dito
ay kusang lilitaw sa bandang huli, kung ito ay makakasama o makakabuti. Ang
isang patalim ay isang bagay lamang, nagkakaroon ito ng kabutihan o
kasamaan sa taong humahawak nito. Kung ito’y gagamitin ng isang kriminal
sa pagpatay sa isang tao, ito ay masama. Subalit kung gagamitin sa
operasyon ng isang doktor upang magligtas ng buhay sa isang tao, ito ay
mabuti. Nasa intensiyon nang paggamit kung ito’y para sa kabutihan o
kasamaan. Sa madaling salita, anumang bagay ay hindi masama at hindi rin mabuti. Nagkakaroon lamang ito ng kabuluhan sa taong gagamit nito.
May nagwika, “Ang salapi ay ugat ng kasamaan.” At
ito’y sinusugan ng marami, lalo na yaong naghihirap at wala nang
magawang pag-unlad sa buhay. Tinanggap ang kanilang lumalalang kawalan
ng pag-asa sa pakikibaka sa buhay. Nakatunghay silang palagi sa lahat ng
nagaganap na pag-angat sa kabuhayan ng sinuman sa kanilang pamayanan,
maliban sa kanilang mga sarili. Sa halip na ikatuwa at ipagmalaki ang
nagawang pagbabago ng ilan nilang kababayan, nilapatan nila ito ng
paninira at matinding kapintasan. Nang sa gayon ay maibagsak nila ang
anumang karangalan na tinamo ng mga ito at maging kasuklam-suklam sa
paningin ng iba. Kaisipang talangka
ito na sumisira sa magandang relasyon ng bawa’t isa sa pamayanan. Hindi
nila nalalaman na ang kaunlaran ng kanilang kapitbahay ay kaunlaran sa
pamayanan. Higit itong may kakayahang tumulong ngayon kaysa dating
kalagayan nito sa buhay. Ngunit hindi ito ang naiisip ng iba, bagkus ang
maling kaisipan na naungusan at naunahan silang umunlad sa buhay.
“Ano kayang raket at pangungurakot ang ginawang diskarte niyan? Dati namang katulad ko lamang na mahirap iyan, eh” Ito ang pangunahing pambukas ng usapan upang simulan ang paninirang puri.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Maniwala Ka Naman
Ang kahinaan ng saloobin ay nagiging kahinaan ng karakter o personalidad.
Naniniwala AKO
Maging mabagal sa pagpuna. At mabilis na magpahalaga.
Naniniwala AKO
Ang tao ay walang iba kundi ang produkto ng kanyang
kaisipan. Anuman na kanyang iniisip, ito ang mangyayari sa kanya.
Naniniwala AKO
Ang pinakamainam na kasangkapan na panghalina sa iyong arsenal
ng mga sandata sa pamumuno ay ang iyong integridad.
Naniniwala AKO
Wala silang pakialam kung gaano ang iyong nalalaman
hanggang sa mabatid nila kung gaano ka magmalasakit.
Naniniwala AKO
Kung ang mga bagay ay tila nasa kontrol at malumanay sa
pagkilos, ikaw ay mabagal at pahinto na.
Naniniwala AKO
Ang mga ulirang panuntunan ay tinatanglawan ang aking
landas, at sa bawa’t pagkakataon, patuloy akong pinagpapala ng bagong
katapangan na harapin ang buhay na masigla, may kagalakan, may kabutihan, may kagandahan,
at may katotohanan. Wala na akong mahihiling pa sa aking kaluwalhatian.
Naniniwala AKO
Ang unang responsibilidad ng isang pinuno ay maintindihan
ang reyalidad, ang pinakahuli ay bumigkas ng, “Salamat sa iyo.” Sa pagitan ng
dalawang ito, ang pinuno ay nakalaang maging tagapaglingkod.
Naniniwala AKO
Ang kasiyahan ay nag-uugat sa kaligayahan ng tagumpay at
ang mataos na pananalig sa makasining na sama-samang paggawa. Ito ang bayanihan at tradisyong Pilipino.
Naniniwala AKO
Ang tunay na pagkakakilanlan
ng pamumuno ay ang abilidad na mabatid ang isang problema bago ito maging isang
kapahamakan.
Naniniwala AKO
Hindi lahat ng hinaharap ay magagawang baguhin. Subalit
walang mababago hangga’t hindi ito hinaharap. (Mula sa aklat na Ang Maging Tunay na Pinuno, ni Jesse N. Guevara, 2007)
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga,
Bataan
Labels:
Busilak
Tuesday, March 30, 2021
Nasa Tao ang Gawa at nasa Diyos ang Awa
Nasa grado ng iyong
salamin kung malinaw o malabo ang iyong paningin.
Lumabas ka sa iyong lungga at tahasang
harapin ang nagpapahirap at mapangwasak na mga maling paniniwala na sinusunod
mo para sa iyong sarili. Pawalan at yakaping mahigpit ang iyong malikhaing
kakayahan. Kapag pinabayaan mo ito, kailanman hindi ka na matatahimik. Dahil kung walang pagbabago sa iyong kalagayan, pawang
mga pagkabagot, mga pagkabugnot, at mga bangungot ang lagi mong kaulayaw.
Lahat tayo
ay may kanya-kanyang
mahapding mga karanasan sa buhay, na kung saan lagi tayong inaaliw ng
ating mga
nakaraan at mga pagkatakot na magkamali at mabigong muli. Lalo na kung
laging tinatakot sa relihiyong pinapaniwalaan at hindi makaahon sa
kahirapan. Naturingang kristiyano bakit hindi umasenso? Dahil umaasa na
may pagpapalang darating kung matiisin, at nakakalimot sa mga tamang
gawain. Walang problema ang maniwala kung nakapagbibigay ito ng biyaya.
Kung lubog sa utang, walang pagkakitaan, at manhid na sa kahirapan; sino ang may kasalanan? Ang paniniwala o ang naniniwala? Ang Kaharian ng Langit ay nasa paggawa; dahil nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa. Ang maling paniniwala ay gutom ang napapala. Alam natin na
kailangang magbago, ngunit hindi natin makayang gawin ito. Magagawa ba nating maitama
ito? Napakasimple lamang, at narito ang kasagutan:
Palitan ang “grado” sa isinusuot mong salamin sa tuwing hahatol ka. Dahil ito ang sinusunod ng iyong mga saloobin (attiudes) at resulta ng iyong mga desisyon. Hanggat suot ang "salamin" na ito, ay katulad mo ang tao na palaging may hawak na martilyo, at lahat ng makita ay "pako"
para ipako. Gawing malinaw at nasa reyalidad ang lahat. Alisin ang
"grado" ng paningin. Huwag mag-akala o maghaka-haka, walang personalan,
at walang hatulan para mapahusay ang pagsasama. Iwasan ang nakaraan,
lipas na ito at hindi na maibabalik pa. Kung magagawa mong huwag pukawin
at pagbalingan ang
nakalipas na kabiguan, at sa halip ay pakawalan ang iyong potensiyal,
magagawa
mong magtagumpay at matupad ang iyong mga pangarap.
Labels:
Banyuhay
Subscribe to:
Posts (Atom)


































