Sunday, July 26, 2020
Gawin Lamang ang Makabuluhan para sa Kaunlaran
Labels:
Banyuhay
Wednesday, July 15, 2020
BE an Authentic FILIPINO
BE A FILIPINO: The only WAY to be the BEST in the world in something is.., IF every day, you DO something ABOUT you in your field of EXPERTISE ... And you SAY I wish I would never STOP doing this. This would just FUEL the fire, and you will SPEND more TIME than any other person in the world doing this. It’s AMAZING that if only you FOLLOW your heart and you are sincere, GOOD THINGS tend to happen. Be WHO you really are, KEEP your passion ALIVE, if this is the real CHANGE you want to BECOME. -jeengee
Labels:
Batingaw
Saturday, June 27, 2020
Maging PILIPINO sa lahat ng Gawain
Labels:
Busilak
Friday, June 26, 2020
Saturday, May 30, 2020
Manindigan sa Iyong mga Karapatan
Labels:
Banyuhay
Thursday, May 14, 2020
MAGBAGO na Tayo Bago pa Mahuli ang Lahat
Nasa Pagbabago
lamang makakamtan ang tunay na kaunlaran
at ang minimithing kaganapan. At marapat lamang na ang pangunahing layunin
ng bawat isa sa atin ay tahasang PAGBABAGO. Hanggat hindi natin tinatanggap ang
katotohanan na ang lahat ay nagbabago at binabago, hindi kailanman mapapanatag
ang ating mga sarili. Ang panahon ay nagbabago at hindi ka nito hihintayin. Sa
ayaw at nais mo ikaw ay MABABAGO.
Labels:
Banyuhay
Sunday, April 19, 2020
Ang KATOTOHANAN ang siyang Magpapalaya sa Iyo
Ang Aking Naging Panuntunan
Noong ako ay nasa kolehiyo, sa gabi ako nag-aaral. Tinustusan ko ito sa pamamagitan ng trabaho sa araw, sa pamamagitan ng paggguhit ng mga disenyo sa tatakan ng kamiseta. Palagi akong kulang sa tulog sa pagnanais na matapos ang aking mga ginagawa. Isang gabi sa kapuyatan, napasubsob ako sa lamesa habang gumuguhit at nakatulog. Ito ang tulog na hindi ko malilimutan. Dahil may napag-inipan ako na ginawa kong gabay magmula pa noon. Isang panag-inip na pambihira at sadyang nararapat isagawa.
Sa panag-inip, naglalakad ako sa gubat at ito'y pabalik-balik, walang sapin ang aking mga paa. at hindi ko makita ang aking pupuntahan. Iba't-iba ang nagiging kasama ko. Minsan nakasakay ako sa dyip, sa kotse, sa tren, at sa huli ay bisikleta na umiikot lamang. Palagi akong pasahero kaysa sa nagmamaneho. Napagod ako at naiwang nag-iisa. Umupo na lamang ako sa isang silya sa may pintuan ng isang bahay, nang may paos na tinig akong narinig. Una, natakot ako dahil hindi ko mawatasan ito. Palakas nang palakas at nanggagaling sa kung saan, subalit wala akong nakikita na hugis o anyo. Nagtatanong ito, at tatlong katanungan ang aking narinig. Dumadagundong at paulit-ulit, hanggang sa humina at mawala.
"Bakit ka Pilipino?"
"Ikaw ba ay mabuting tao?"
"Ano ngayon ang iyong ginagawa tungkol dito?"
Buhat pa noong magising ako, palagi nang umuukilkil ito sa aking isipan.
"Bakit ka Pilipino?"
-Bakit nga ba? Sa dinami-daming lahi dito sa mundo, bakit nga ba ako ay Pilipino?
"Ikaw ba ay mabuting tao?"
-Naging palaisipan ito sa akin, papano nga ba ang maging mabuti?
"Ano ngayon ang iyong ginagawa tungkol dito?"
-Ano nga ba ang aking ginagawa upang mapatunayan ko sa aking sarili na ako ay huwaran sa paggawa ng mabuti?
Kaya't sinimulan ko kahit na sa mumunting kaparaanan, ay maipakilala ko at magampanan nang taos sa puso ang kasagutan. At malaking bahagi nito ang Lingkod Bayan na sinimulan ko noon pa, at ipinagpapatuloy hanggang ngayon.
Dalawa lamang ang kailangang pagsusulit na haharapin kung nais kong mabuhay nang matiwasay.
Una: Ang buhay bang ginagawa ko'y katulad nang nais kong maganap sa akin?
Pangalawa: Nagagalak ba ang mga tao sa aking paligid para dito?
Ito ang lagi kong inuuna, bago ako magsimula kahit na anong bagay. Dito nakasalalay ang lahat kong mga pagkilos. Hindi buo ang aking pagkatao, kapag sa maghapon ay wala akong nagawang kabutihan. Hindi ako makakatulog nang mahimbing.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

Iwasang Malito nang Hindi Magkamali
Labels:
Banyuhay
Monday, March 23, 2020
KAIBIGAN ba Kita?
Dalawa ang pagpipilian: Kaibigan ba o lihim na kaaway? Nagsasabi
nang tapat at nang-uuto nang sulsol. Ang tunay na mga
kaibigan ay harapang sasabihin sa iyo na ang mukha mo ay marumi (marusing). Doon naman sa
may maitim na hangarin, sasabihin sa iyo na ang mukha mo ay mapang-halina (kagiliw-giliw). Ang
isa ay tuwiran o totoo, at ang isa ay balatkayo o plastik.
Ang mga sugat
mula sa isang matalik na kaibigan ay higit na mainam kaysa mga halik na mula sa
kaaway.
Kung nais na
mapangalagaan ang iyong reputasyon, makakabuting makisama doon sa may magagandang
kalooban. Sapagkat higit na mainam ang mapag-isa kaysa kapiling ang masamang
barkada.
Sa buhay na ito,
bihira at kaunti lamang na mga kaibigan ang tuwirang makakatulong sa iyong
gawain. Maging mula sa mga kaanak, iilan
lamang ang tahasang makikiisa sa iyo, sapagkat may kanya-kanya na silang
pinagkaka-abalahan o mga sariling pamilya. Laluna't nakagapos sila sa kanilang mga kinagisnang
paniniwala na lipas na sa kasalukuyan at sa sulsol ng kanilang mga kasama o asawa. Ang mahihina at sulsuling mga tao at
madaling iugoy sa duyan ng selos, inggit, at galit. Iwasan sila hanggat maaga
pa. Ang miserableng buhay ang kanilang aliwan sa tuwina. Usisa doon at pakialam
dito, laging naghahanap ng isyu ng mga kapintasan para ipukol sa iyo.
Ang tunay
at wagas na kaibigan ay naniniwala sa iyo at ipinagtatanggol ka kapag
may naninira sa iyong pagkatao. Hindi
maiiwasan ang mga paratang, mga pagpuna, mga paninisi, at mga pakikialam ng
ibang tao, laluna't binabago mo ang iyong buhay upang magtagumpay. Wala kang kontrol
sa kanilang aliwang mapanira, ang makakaya mo lamang na kontrolin
ang iyong reaksiyon tungkol dito.
Mabibilang sa iyong mga daliri ang tunay na mga tao na may pagpapahalaga at pagmamalasakit sa iyo. Maliban sa isang MATALIK NA KAIBIGAN.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Banyuhay
Thursday, March 19, 2020
May paG-asa ang Lahat
Maraming
tao ang inaaksaya ang kanilang buhay mula sa katwirang 'bahala
na'.
Laging biktima ng kaganapang umiiral sa paligid niya. Nabubuhay sa mga
paghatol, opinyon at awa ng ibang tao. Patuloy na nakatingin sa nakalipas at narito ang batayan ng kanyang mga
saloobin. Kapag nangusap, mapapansin na laging may hinanakit, mga daing,
reklamo at paninisi. Tinataglay ang kaisipang 'talangka' kapag may
nakaungos o nagtagumpay na iba. Ritwal na ang manibugho, mainggit, mainis, at
manira. Mahilig pumuna at mamintas, may problema sa bawat solusyon. Hindi naman
tinatanong, laging nakasagot. Sa bawat usapan, may intriga at mga isyu. Hindi
na nakakatulong nagiging PABIGAT pa.
Karamihan ay nalimutan na may letrang 'G'
sa katagang PAASA. Narito ang kasagutan upang magpatuloy pa, na may paG-asa
kung nagtitiwala, nananalig, at nagpapakupkop sa higit na makapangyarihan sa
lahat.
Narito ang mga Panuntunan
upang Makaiwas sa Ganitong Kalagayan
1.
Iwasan ang iyong mahapding nakaraan na kontrolin ang iyong kasalukuyang buhay at pati na ang hinaharap.
Anuman ang nakalipas, ito ay naglaho na at hindi na maibabalik pa, kundi ang
tanggapin na mga leksiyon upang maging matatag sa buhay. Hayaan nang mawaglit
ito nang tuluyan sa isipan upang mapag-ukulan ng sapat ang kasalukuyan. Anuman
ang ginagawa mo sa ngayon, ito ang magdedetermina ng iyong hinaharap at
magiging kapalaran.
2.
Ikaw lamang higit sa lahat ang may tanging kapangyarihan na tahakin
ang sariling landas. Iwasan kontrolin
ka ng mga opinyon at mga kahatulan ng ibang tao kung saang direksiyon ka dapat
magtungo. Inililihis ka lamang nila upang sila ang masunod at magpatakbo sa
sarili mong buhay, ngunit kapag nabigo ka, ikaw at hindi sila ang masasaktan o
magdurusa. Mapaghanap ng atensiyon ang mga inis-talo o mga kritiko. Hindi sila
ang magtatakda ng iyong kapalaran.
3.
Panatilihin na bukas ang kaisipan sa mga
pagbabagong nagaganap. Walang idudulot na makabuluhan kung limitado o nakapinid
ang isipan sa mga walang batayang paniniwala. Maging mapanuri, kung ang
pinag-aaksayahan ng panahon ay magagawang lunasan ang iyong gutom. Tandaan
lamang na kailangan mong kumain ng tatlong beses sa maghapon. Kung hindi nito
matutugunan ang iyong mga pangangailangan huwag iaasa o maging pabigat pa sa
iba.
4.
Iwasan na makipagtunggali o makipag-paligsahan sa iba. Kailanman ay hindi ka
mananalo, sapagkat kahit na makamit mo ang tagumpay na ninanasa, mayroon na
namang hahamon sa iyo. Higit na mabisa ang hamunin
ang iyong sarili, ito ang angkop na karibal mo. Ang higitan at husayan pa ang
mga nagawa mo kahapon ngayon. Dahil sa pamamagitan nito, nadaragdagan at
nagpapatuloy ang iyong kaalaman at kahusayan.
5.
Maglimi at pag-aralan na may dalawang uri ng
persona o katauhan na naglalaban sa iyong pagkatao. Kasingtulad ito
ng anghel at demonyo; positibo o negatibo; kaligayahan o kapighatian; victor or
victim; buhay o kamatayan. Sinuman o anuman ang piliin mo sa kanila, ito ang
iyong gagampanang kapalaran.
6.
Huwag habulin
ang
pagmamahal, salapi, karangyaan, o maging ang tagumpay. Sa halip, matinding
pag-ukulan ng atensiyon ang sarili, ang ninanasa mong pagkatao na maging IKAW
at ang lahat ng mga bagay ay kusang maghahabol sa iyo. Ito ay nasusulat at
nakatakdang maganap sa iyo.
7.
Kung nais mo ng pagbabago,
simulan mo sa iyong sarili. Ang iyong halimbawa ang pinaka-mabisang sermon na
iyong magagawa. Walang patutunguhan ang madaldal na tao kung kulang naman sa
gawa. Ang paninisi ay ugali ng mga tao na sawimpalad at inis-talo.
Ang mabubuting tao ay nagdudulot ng kaligayahan.na
kailangang pakitunguhan.
Ang masasamang
tao ay mahapding karanasan na huwag pahalagahan.
Ang masasaklap na
tao ay mga leksiyon na huwag pamarisan.
at ang mga dakilang
tao ay mga kaalaman na kailangang matutuhan.
Pagpapatunay... ang dakilang
handog na makakaya mong ibigay para sa iyong sarili ay ang iyong pansariling transpormasyon.
Jesse
Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Saturday, March 14, 2020
Mahalagang Sermon
Hindi na kailangan pa ang marami mong mga
pananalita, ang iyong sariling buhay ay sapat ng sermon upang maipakita kung sino kang talaga.
Ang
pangalan niya ay Teryo. Bagama't traysikel drayber siya, may suot na kupasing
kamiseta at sinulsihang pantalon na maong, at may sapin sa paa na tsinelas na
magkaibang kulay, ang mga ito ang kadalasan niyang suot sa hanap-buhay at
pagpasok sa kolehiyo tuwing gabi. Sa araw na ito ng Linggo, ay muling naiinis
na nag-anasan ang mga nakaupo sa kapilya, nang huling dumating si Teryo nang
nasa kalahatian na ang sermon ng pastor, ganoon pa rin ang pananamit, gusot ang buhok at naghihikab pa.
Wala itong maupuan sa likuran, at sa
kahahanap ay napagawi sa may unahan, hanggang sa makalapit sa pulpito. Nang
walang makitang bakante na mauupuan ay tumabi sa dingding at pasalampak na
umupo sa lapag. Lumakas ang mga anasan, ngunit walang naglakas ng loob na
magsalita para pagbawalan si Teryo. Napahinto ang pastor sa kanyang sermon, at
lalong dumami ang mga nagbulungan kung bakit walang umiimik at pinapayagan ito.
Nababalisa ang pastor kung papaano niya ito maisasaayos nang hindi mapapahiya
si Teryo, nang isang matandang lalaki na may tungkod ang tumayo mula sa
likuran, may mahigit na 80 taon na gulang ito, magilas, uliran, at maginoo. Paika-ikang
naglalakad, humahawak sa sandalan ng mga upuan, at patungo siya kay Teryo sa harapan.
Marami ang muling nag-anasan at nagsabing, "Hindi natin masisisi ang matandang
lalaki, kung anuman ang gawin nito kay
Teryo." May nagsalita pa ng, "Ano
ba ang dapat nating asahan sa isang matanda, kung anuman ang pagkatao nito,
kundi ang unawain na sadyang ganito ang mga kabataan ngayon, wala nang
pagpapahalaga pa sa mga alituntunin ng simbahan!" May ilang saglit din bago makarating ang matanda sa kinauupuang lapag ni Teryo.
Tahimik ang lahat, at ang maririnig lamang
ay ang palatok ng tungkod ng matanda. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa gagawin
ng matanda. Hindi mo rin maririnig maging ang paghinga ng sinuman. Hindi rin
maipagpatuloy ng pastor ang kanyang sermon, hangga't hinihintay ng lahat ang
gagawin ng matanda. Nang makarating ito kay Teryo ay binitiwan ang tungkod, itinukod ang kaliwang kamay sa dingding, unti-unting
sumalampak at umusod patabi kay Teryo. Nakangiting ginaya ang pagkakasandal ni
Teryo sa dingding, tumatangong tumingin sa pastor at tumahimik. Nais niyang may
makasama at makatabi si Teryo sa araw na ito.
Bawa't isa ay nagbara ang lalamunan sa
emosyong nagaganap, may ilan ang nangilid ang luha sa nasaksihan. Hindi nakahuma
ang pastor, siya man ay nabigla sa nangyari. At mabilis na nagpahayag ito, "Anumang sasabihin ko tungkol sa aking sermon sa araw na ito, kailanman ay
hindi na ninyo maa-alaala o matatandaan man lamang. Subalit ang inyong
nasaksihan kangina, kailanman ay hindi na ninyo malilimutan. Maging maingat kung papaano kayo mabuhay. Ang inyong
buhay ay siyang tanging Bibliya
lamang--na babasahin kailanman ng maraming tao."
Ang mahalagang SERMON na iyong magagawa ay ang iyong HALIMBAWA.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
BATHALA
Subscribe to:
Posts (Atom)