Problema na, huwag nang problemahin pa.
Hindi pinag-uusapan ang mga
problema, kundi
ginagawan ito ng mga solusyon para malunasan.Hindi natin maiiwasan ang mga problema sa buhay kundi ang harapin ang mga ito at solusyunan. Hangga’t ipinagwawalang-bahala natin ang mga ito, patuloy itong lumalaki at nagiging malala hanggang mauwi sa kapahamakan. Higit na mainam ang madaliang pagharap sa mga ito bago mahuli ang lahat.
Tanggapin natin ang katotohanan na bahagi tayo sa pagkakamali kung bakit nagkaroon ng problema. Tanggapin ang ating responsibilidad sa problema bago natin ito malunasan. Hindi magagawang lunasan ang isang problema sa pagsasabi na, “Hindi ko problema ‘yan!” “Wala akong kinalaman diyan!” “Wala ako, nang mangyari ang problemang iyan!”
Wala tayong malulunasan kapag umaasa tayo at naghihintay na may gagawa ng solusyon para sa atin. Makakagawa lamang tayo ng solusyon kapag nanindigan tayo na, “Ang problemang ito ay isang paghamon sa aking kakayahan at aking responsibilidad na solusyunan. Kung hindi ako kikilos, walang kikilos para ito malunasan.”
Bakit nga Ba?
Hindi dahil sa mahirap magawa ang mga bagay kung bakit ayaw nating pangahasan na gawin ang mga ito; kundi dahil sa ayaw nating mangahas at simulan kaagad ito, kaya nagiging mahirap at umiiwas tayo.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment