Kung may nais kang makuha, ito ay ibigay mo
muna. Tulad ng paggalang, hindi ka kailanman igagalang nang hindi ka muna
gagalang. Kailangan mong umunawa bago ka maunawaan. Kailangan mo ng edukasyon? Mag-aral ka muna. Kailangan mong mahalin? Magmahal ka muna.
At taliwas naman dito;
Kung wala silang respeto,
pagpapahalaga, at pagbubunying inuukol para sa iyo, wala silang panahon at
hindi ka nila kailangan. Para sa kanila, isa kang problema at hindi solusyon.
Ito na ang tamang panahon na umiwas ka at mahalin sila nang may distansiya.
Hintuan na ang mag-aksaya pa
ng iyong panahon sa mga tao na walang pagpapahalaga sa iyong atensiyon. Tandaan
lamang ito: Ang panahong inuukol mo sa mga tao na may pagmamalasakit at
pagmamahal sa iyo ay walang katumbas. Ito ang iyong tamang karelasyon.
Bakit po???
Huwag ipagdamdam
sakalimang balewala ka sa kanila. Dahil ang walang pakiramdam na mga tao ay
walang kakayahan para sa mga ekspensibo o mahalagang mga bagay, sapagkat
maramot at walang maibabayad sila.
…at, siyanga pala, iwasang habulin ang mga ganitong
tao. Igalang ang sarili na maging tunay ka. Gawin kung ano ang tunay na
mahalaga para sa iyo, at hindi mula sa mga sulsol nila. Ang wagas at tamang mga
tao na sadyang nakaukol para sa iyo ay darating at mananatili sa iyong tabi.
Ito ay nasusulat at nakalaang katotohanan.
Bakit po?
Sapagkat
sa buhay na ito; may mga tao na darating sa iyong buhay bilang mga
pagpapala, at may mga iba naman na dumarating bilang mga leksiyon. Palaging may
mga kadahilanan kung bakit may mga tao na nakakasabay o nakakasalubong tayo,
may leksiyon at pagtuturo.
Sa dalawang pagkakataon na ito, kailangan mong baguhin ang iyong buhay, o ikaw
ang siyang magpapabago para sa kanilang buhay.
No comments:
Post a Comment