Ang kilatisin ang ating buhay mula sa kaibang perspektibo ay siyang lakas para itulak tayo na magbago. Kung minsan, sa mga nasalihan kong talakayan, madalas ay hinihiling ko sa aking mga kausap na gumawa ng apat na mga asumpsiyon o pagbabaka-sakali:
Una; sa pisikal na halimbawa, isaisip o ilagay sa iyong imahinasyon na nagkaroon ka ng atake sa puso kamakailan; kailangan ngayon na kumain nang naaayon sa kalagayang ito.
Pangalawa; sa mental o isipan na halimbawa, sa kalahatian ng buhay para sa iyong mga gawain (professional or occupational) na napapanahon, sa kaalaman at kumpetensiya ay mayroon lamang na dalawa at kalahating taon na natitira; kailangan ngayon na maghanda para dito.
Pangatlo; sa sosyal o emosiyunal na pakikipag-relasyon, magsimulang gumawa ng asumpsiyon na bawat bagay na iyong binibigkas o sinasalita tungkol sa iba ay mistulang naririnig nila nang harapan; kailangan ngayon ay magsalita na umaayon nang tulad nito.
At pang-apat; sa ispriritwal na halimbawa, isaisip sa imahinasyon ang isa-sa-isang harapang personal na paghahayag at pagsusulit sa Dakilang Ama nang iyong mga nagawa, mapabuti o mapasama man. Gawin ito nang madalas; at ipamuhay ang mga halimbawang ito.
Hinihiling ko na gawin ang mga asumpsiyon na ito sapagkat, tulad ng bata sa nakaraang artikulo sa itaas, tungkol sa kanyang komentaryo sa kanyang ama, ang mga asumpsiyong ito ay magagawang ilantad ang tunay na kaganapan at hulihin ang iyong atensiyon para makagawa nang tahasang pagbabago. Magiging binhi o sanhi (stimulus) ito na magtutulak sa atin para pag-aralan at isaayos ang ating mga priyoridad kung ano ang talagang mahalaga sa ating buhay.
No comments:
Post a Comment