Ako ayPakinggan
Sa
aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag
sa kalabuan ng aking mata ay nakabasag ako ng pinggan.
O,
nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong pagagalitan.
Dahil
kahit ko pigilan ay maramdamin ako at madaling masaktan.
Maliit na ang mundo ng isang matanda…
Sa tuwinang sinisigawan, ay mistulang kaawa-awa.
Mahina na ang pandinig ko sa binibigkas mo ay hindi ko maintindihan.
Laging sinisisi at madalas na mabulyawan.
Laging sinisisi at madalas na mabulyawan.
Ang
mabuti ay pakisulat na lamang ang mga sinasabi mo.
Kung ako man ay uugod-ugod, ay pagpasensiyahan sana ako
Matanda
na kasi ako, laging humihingal at mabagal kumilos,
Madali akong mahapo at mahina
na ang aking mga tuhod.
.
Pagtiyagaan
mo sana akong tulungan na makatayo.
Alalayan ako sumandali at madaling mahapo.
Tulad noong
nag-aantalalan ka at nag-aaral na lumakad.
Nakabantay
ako at sinasalo kita kapag nabubuwal ka.
Pagpasensiyahan
mo din sana ako,
kung
ako man ay nagiging makulit na.
At
paulit-ulit na parang sirang plaka.
Ang
hiling ko lamang ay makaunawa ka.
Nais ko lamang … na malaman mo.
Nais ko lamang … na malaman mo.
At pakinggan ang hiling kong ito.
Huwag
mo sana akong pagtatawanan,
o, pagsasawaan mang pakinggan.
Natatandaan mo pa ba noon, nang bata ka pa?
Natatandaan mo pa ba noon, nang bata ka pa?
Makulit ka at nais mapasaiyo ang lahat ng ibig mo.
Kapag
nais mo ng lobo, ay walang kang hinto,
At
paulit-ulit sa akin nang iyong mga pagsamo.
Maghapon kang magmamaktol at mangungulit,
Maghapon kang magmamaktol at mangungulit,
Hangga’t
hindi mo nakukuha ang iyong ibig.
Gayunma'y,
pinagtitiyagaan ko ang iyong kakulitan,
at bihira kong ipagkait anumang iyong maibigan.
Pagpasenyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Pagpasenyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Masangsang na at sadyang amoy lupa pa.
Dahil mahina na ako at laging may sinat,
Huwag
mo naman sana ako ay pandirihan.
Pilitin na maligo at maglinis ng katawan.Dahil mahina na ako at laging may sinat,
kapag nalamigan ay sakitin at nilalagnat.
Ayoko
ko kasing mapulmunya at maabala ka pa.
Mahirap
din para sa akin ang maging pabigat pa.
Siyanga
pala, natatandaan mo ba noong bata ka pa?
Pinagtitiyagaan
kitang habulin at hatakin sa ilalim ng kama.
Kapag ayaw mong maligo ay nagtatago ka.
Subalit hindi ako sumusuko at hinuhuli kita.
Subalit hindi ako sumusuko at hinuhuli kita.
Pagpasensiyahan
mo rin sana ako,
Kung
ako nama’y masungit na madalas,
Dala
na marahil ito ng aking pagkupas.
Masasakit ang kalamnan at namamanas.
At
pahina nang pahina na ako sa mundong ito.
Pagtanda
mo, ay maiintindihan mo rin ako.
Kapag
may kaunti kang panahon para sa akin,
Pansinin naman ako at magkuwentuhan tayo.
Kahit
sandali lamang ay masaya na ako.
Kasi
nakakainip na sa bahay ang nagsosolo.
Walang
makausap at laging namamanglaw.
Nakalimutan na ako at hindi nadadalaw.
Nakalimutan na ako at hindi nadadalaw.
Kung
minsan naa-alaala ko,...ang Nanay mo.
Napapaluha
ako hanggang sa mapansin ko,
umiiyak na pala ako at basa na ang larawan niya.
Ako'y namamanglaw at laging hinahanap siya.
umiiyak na pala ako at basa na ang larawan niya.
Ako'y namamanglaw at laging hinahanap siya.
Alam
ko, anak, na lagi kang abala sa trabaho
mo
Kasi nasasabik na akong mayakap kitang muli,
At
makausap kahit na sa ilang sandali.
Dahil kaligayahan ko na ang makita kita.
Sana,
naman anak, pagbigyan mo na ako
Magkita tayo at magkuwentuhan
naman tayo.
Ka-kahit
hindi ka na interesado pa sa mga kuwento ko.
Sana
naman ay mapagtiisan mo ako.
Natatandaan
mo ba anak noong bata ka pa?
Tuwang-tuwa
ka sa aking mga istorya.
Pinagtitiyagaan
mong pakinggan at intindihin,
Lalo na kapag tungkol sa prinsesa at mga bituin.
Hiling mo lagi ay kuwentong tsikiting.
Tuwang-tuwa
ka at sinasaliwan mo pa ito ng kanta.
Kumekendeng-kendeng
ka at tawa nang tawa.
Hanggang
sa makatulog ka sa sobrang saya.
Sana…
laging nariyan ka sa aking tabi.
Kapag
dumating ang sandali at ako ay magkasakit,
may mabigat na karamdaman at nakaratay sa banig.
Sana
ay huwag kang magsawa sa akin na mag-alaga.
Pagpasenyahan
mo din sana. . .
Kung
marumihan ko ang kumot at kama.
Kahit
ako ay mahina na, … ay pipilitin ko,
na
mag-ingat, huwag ka na lang magalit pa.
Ang
munti ko lamang na kahilingan…
ay pagtiyagaan
mo sana akong bantayan,
sa mga huling sandali ng aking buhay.
Kinakapos na ako at hindi na magtatagal.
Sakalimang
dumating na ang aking pagpanaw,
Nais ko lamang sana ay nasa aking tabi ikaw.
At
magkahawak na mahigpit ang ating mga kamay.
Kailangan
ko kasi ang iyong pagdamay.
Upang makayang harapin ang aking kamatayan.
May
ngiti sa aking mga labi at nasisiyahan.
Huwag
kang mag-alala kapag ako ay naroon na,
At ang Dakilang Lumikha ay makaharap ko na.
Masaya
kong ibubulong ito sa Kanya,
Na ikaw ay pagpalain at patnubayan sa tuwina.
Dahil
naging matulungin at mapagmahal ka,
na nagpaligaya sa iyong ama at ina.
na nagpaligaya sa iyong ama at ina.
Anak ko, . . . Mahal kita.
No comments:
Post a Comment