Sino ang taong nakaharap sa iyo sa salamin, at sino naman ang nag-oobserba sa iyo at ng repleksiyon mo sa salamin?
Narito
ang isang maikling kasaysayan ng buhay na madalas na nagaganap sa atin. Mabagal
na basahin at limiin ang tinutukoy ng mga kabanatang ito sa tunay na mga
pangyayari sa ating buhay. Makikilala natin kung sino ang natutulog, nagtutulog-tulogan,
at tahasang tulog sa pagharap sa buhay.
Hangga’t iniiwasan natin na humarap sa
salamin, at titigan nang maigi ang taong nakaharap sa atin, mananatili tayo na
nakatingin sa mga tao o sa mga sitwasyon para may mapagbalingan ng paninisi. At
hindi kataka-taka na patuloy din ang natatanggap nating paulit-ulit na resulta
o kakahinatnan. Ang pagkakamali ay minsan lamang, kapag ito ay naulit ay hindi na ito pagkakamali, ugali na ito, at kung umulit pa, bisyo na ito. Sapagkat walang pagbabago hangga’t walang binabago.
Unang Kabanata
Naglalakad
ako sa daan.
Mayroong
isang malalim na balon sa tabing daan.
Nahulog
ako.
Naligaw
ako. . . Walang makatulong sa akin.
Hindi
ko kasalanan ito.
Magpakailanman
kong hahanapin ang paraan upang makaahon.
Pangalawang Kabanata
Naglalakad
ako sa daan ding ito.
Mayroong
isang malalim na balon sa tabing daan.
Nagkunwari
ako na hindi ito nakikita.
Nahulog
muli ako.
Hindi
ako makapaniwala na ako ay napadaan muli dito.
Subalit
hindi ko kasalanan ito.
Mahabang
panahon din ang kailangan upang ako ay makaahon.
Pangatlong Kabanata
Naglalakad
akong muli sa daan ding ito.
Mayroong
isang malalim na balon sa tabing daan.
Naroon
ito at nakikita ko.
Nahulog
pa rin ako. . . isa na itong ugali . . . subalit,
nakadilat
ang aking mga mata.
Nalalaman
ko kung nasaan ako.
Kasalanan
ko ito.
Mabilis
akong umahon.
Pang-apat na Kabanata
Naglalakad
na naman ako sa dating daan na ito.
Mayroong
isang malalim na balon sa tabing daan.
Paikot
ako na naglakad at lumisya.
Panglimang Kabanata
Naglakad
ako sa kabilang daan.
Kung
kikilalanin ang ating malaking pananagutan sa mga kamaliang ito, at naghahangad
tayo na malunasan ang mga ito, kahit gaano man kahapdi, kailangan at puspusan
nating itinatama ang mga ito, upang mapabilis na magawa ang makabuluhang
pagbabago sa katuparan ng ating mga pangarap.
No comments:
Post a Comment