Kung magagawa ang hakbang na ito,
kailanman sa iyong buhay ay wala nang magagalit pa sa iyo. Sapagkat isa itong
pintuan para kilalanin ang kahalagahan ng tao na iyong kaharap; ang mabigyan siya
ng importansiya, paggalang, at kailangang atensiyon. Sa pakikipag-relasyon,
kailangan na umunawa muna bago ka maunawaan ng iba. Walang padalus-dalos o
patama-tama na pagkilos nang walang matamang pag-iisip, bago magpasiya.
Kailangan alam mo ang iyong intensiyon kung bakit nais mong maunawaan ka ng
iba.
Katulad ito ng pamimingwit ng isda,
yaong ibig ng isda ang iyong ipapain para kagatin ito at mahuli ang isda, at hindi
yaong gusto mo. Karamihan sa atin inuuna muna ang sariling kagustuhan, at kung
hindi ito magustuhan ng kaharap ay ipinagpipilitan, hanggang sa mauwi ito sa
alitan. Gayong kung uunahin muna ang kahilingan ng iba, at matapos ang
matamang paglilimi nito at napatunayang makatwiran, madali nang piliin ang tamang
kapasiyahan.
Malaking bagay sa relasyon ang pang-unawa,
kung nais mong makuha ang simpatiya at pakikiisa ng mga kasamahan. Ang susi
nito ay nasa pagpapakumbaba---at nagsisimula ito sa paggalang. Kung hindi ka
marunong gumalang, makakatiyak ka na wala ding gagalang sa iyo. Simpleng kautusan lamang ang nangingibabaw
dito, "Kung hindi tama at walang pakundangan ang pakikiharap mo, magdurusa
ka." Bagama't ayaw nating mangyari ang bagay na ito; ang resulta kapag hindi bukas ang ating isipan, ay yaon lamang pansariling kapasiyahan ang mangingibabaw kaysa pangkalahatang kapasiyahan. At ito ang dahilan ng hindi pagkakaisa at mga alitan.
Anumang bagay na nais mong makuha, kailangang ibigay mo muna.
Nais mo ng pagmamahal, magmahal ka muna. Nais mong magkaroon ng mga kaibigan, maging palakaibigan ka. At pakatandaan: Kung wala kang paggalang sa iyong sarili, hindi ka igagalang ng iba. Sapagkat hindi mo makakayang ibigay ang bagay na wala sa iyo.
Anumang bagay na nais mong makuha, kailangang ibigay mo muna.
Nais mo ng pagmamahal, magmahal ka muna. Nais mong magkaroon ng mga kaibigan, maging palakaibigan ka. At pakatandaan: Kung wala kang paggalang sa iyong sarili, hindi ka igagalang ng iba. Sapagkat hindi mo makakayang ibigay ang bagay na wala sa iyo.
No comments:
Post a Comment