Ang pinakamataas na gantimpala sa kapaguran ng isang tao ay hindi
ang nakukuha niya mula dito, bagkus kung anong pagkatao ang naganap sa kanya.
Lahat tayo ay bahagi ng paggawa, ito ang
nagbibigay ng pag-asa, pinagkakakitaan, pagtitiwala
at nagpapalakas para sa ating mga katawan. Nasa ating mga pagkilos
nakikilala kung papaano natin binibigyan ng pansin ang ikakatagumpay o
ikakabigo ng mga gawaing ito. Anumang larangan o trabahong ating ginagawa,
mayroon itong mga paraan para mahusay itong maisagawa.
21 Paraan ng mga Mahusay na Gawain
1- Gawing mahusay ang trabaho sa paghamon sa iyong kakayahan na higitan pa ang nagawa kahapon.
2- Gawing mahusay ang trabaho sa diwa ng pagtutulungan upang mapabilis
ito.
3- Gawing mahusay ang trabaho sa pag-iwas ng mga kadahilanan para
hindi ito matapos.
4- Gawing mahusay ang trabaho sa pagbuhos ng lahat na iyong makakaya
at panahon.
5- Gawing mahusay ang trabaho sa patuloy ng paggawa nang walang
pagliban.
6- Gawing mahusay ang trabaho sa ikakasiya at ikakatagumpay ng lahat.
7- Gawing mahusay ang trabaho sa paggawa ng mabuting halimbawa para
tularan ito.
8- Gawing mahusay ang trabaho sa pagpapakita ng integridad at
pagmamalasakit.
9- Gawing mahusay ang trabaho sa pagbibigay ng halaga at inaasahan
mula sa iyo.
10- Gawing mahusay ang
trabaho sa matiyagang pagtuon dito nang walang abala.
11- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagtupad ng iyong mga pangako para sa ikakatapos nito.
12- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagsasanay ng mga katangian para lalong humusay.
13- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagkakaroon ng malusog na katawan para ito maisagawa.
14- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagkakaroon ng mabuting
panuntunang sinusunod sa paggawa.
15- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagdaragdag ng kabatiran tungkol sa ginagawa.
16- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagbibigay ng papuri sa iba bagama’t minimithi mo ito.
17- Gawing mahusay ang
trabaho sa layunin at mga kapakinabangang magmumula dito.
18- Gawing mahusay ang
trabaho sa paglikha ng solusyon kaysa maging bahagi ng problema.
19- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagtuturo sa iba ng mga nararapat pang gawin.
20- Gawing mahusay ang
trabaho sa paglalaan ng sapat na pahinga para sa kalakasan ng katawan.
21- Gawing mahusay ang
trabaho sa paggawa ng kaibahan at inspirasyon sa iba na tularan ito.
Ang mabuting ideya ay 10 porsiyento at kalakip nito ang
implementasyon at masikhay na paggawa, at ang suwerte naman ay 90 porsiyento.
Sa kabubuan ng
iyong trabaho, marami itong daang-daan na posibleng mga kaparaanan at
magagawang mga pagbabago o innovations; at
sa dami ng iba’t-ibang mga tao na mayroon ding trabaho na tulad ng sa iyo,
maraming kumbinasyon din ng kabatiran, sistema ng paggawa, tamang atensiyon sa
gawain, kalakasan o kahinaan, at maging pagmamalasakit para dito. Ang kailangan
lamang ay tamang pananaw, paninindigan at kasiyahang dulot nito para
magtagumpay sa isang trabaho.
Ikaw, papaano mo ba ituring ang iyong
trabaho, nagkataon lamang ba ito o sadyang ito ang iyong pangarap na gawin?
Dahil kung walang ningning sa iyong mga mata sa paggawa, at tuwing umaga ay
kinakaladkad mo ang iyong mga paa papasok sa trabaho, aba’y magsimula ka nang
mag-isip para magbago ng gawain, sapagkat sa kalaunan, mapinsalang karamdaman
ang sasaiyo sa pagkabugnot at pagkabagot na naghahari sa iyong kalooban.
Kung mahal mo ang iyong trabaho, magigig maestro ka nito, subalit kung
kinasusuklaman mo ito, siya ang iyong maestro.
Ang matuto nang
walang kaisipan ay isang kapaguran; ang
kaisipan na walang natututuhan ay kapahamakan.
Sa gawain, hindi basta lamang gumagawa, pinag-iisipan itong maigi kung
mapapadali, makakatulong, at mapapakinabangan.
Ang lunggati ay hindi ang mabuhay magpakailanman. Ang
lunggati ay ang makalikha ng bagay na may alaala nito. Kaya nga, huwag basta pakatitigan
ang orasan. Gayahin ang ginagawa nito. Magpatuloy sa pagkilos. Humanap ng
gawaing kinawiwilihan mo at kailanman, hindi ka na magtatrabaho pa sa araw-araw
ng iyong buong buhay.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment