Saturday, November 20, 2010

Salawikain: Bilang 26-50



  Lubos kong ipinagmamalaki ang kagandahan at lawak ng ating sariling wikang Pilipino. Sa pamamagitan nito’y nagiging makulay at malinaw ang mga talakayan, lalo na sa mga makabuluhang paksa. Binibigyang diin din nito ang punto at layunin ng iyong mga kuro-kuro at paliwanag.
   Isa itong mahalagang sangkap at sandata sa pananalita, panulat, talumpati, at pagtuturo ng ating mga kababayan sa pagiging isang
                tunay na Pilipino.
  
  
Bilang 26-50
   "Tunay na Pilipino ka ngang tambing, kapag ang iyong salita'y may salawikain."

26- Saan ka man pumunta, sarili mong mundo’y laging dala-dala.

27- Huwag itulad ang sukat ng iyong salapi sa sukat ng iyong talento.

28- Kung ano ang puno, siya ang bunga.

29- Ang mahaba ay putulan, ang kapos ay dugtungan.

30- Kapag malakas ang agos, sumasalunga ito sa bundok.

31- Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

32- Kapag umapaw na ang takalan, kailangan ito’y kalusan.

33- Kung hindi nakaukol, ito’y hindi bubukol.

34- Ang magalang na pagsagot ay nakakapawi ng pagod.

35- Habang maikli ang kumot, magtiis mamuluktot.

36- Ang buhay ay tulad ng isang gulong, minsa’y nasa ibabaw, minsa’y nasa ilalim.

37- Ang gawaing nakasanayan sa pagkabata, dinadala hanggang pagtanda.

38- Asong makangkang, kapag kumagat ay madalang.

39- Hindi lahat ng may kagalingan ay may kahulilip na katotohanan.

40- Ang naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.

41- Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.

42- Bago punahin ang uling ng iba, ang uling mo’y pahirin muna.

43- Kapag ang ilog ay maingay, asahan mong ito’y mababaw.

44- Ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi tulad ng kanin na mailuluwa kapag napaso.

45- Huwag bilangin ang mga sisiw, hangga’t hindi pa napipisa ang mga itlog.

46- Magsisi ka man at huli, wala na ring mangyayari.

47- Ang tunay na kaibigan, makikilala sa panahon ng kagipitan.

48- Kung anong taas ng lipad, gayundin ang lagapak sa pagbagsak.

49- Daig ng maagap ang taong masipag.

50- Magtanong sapagkat kailangan, upang pagkakamali’y maiwasan.

No comments:

Post a Comment