Pabatid Tanaw

Thursday, June 27, 2019

May Intuwisyon Ka ba?



INTUWISYON:
Tuwirang kaalaman kung ano ang tunay at naaayon sa bawat sitwasyon nang hindi kailangan ang katibayan; isang persepsyon o pananaw na nalilikha kapag ang katawan, mga emosyon, isipan, at ispiritu ay magkakasabay na kumikilos at nag-uugnayan habang lubos na nakatuon sa kasalukuyang sandali; isang kamalayang nakadarama at nakakaunawa sa pagkakaisa ng lahat ng nabubuhay na mga bagay at nakakaranas ng pagkakaisa, pagdadamayan, at pagtutulungan na likhain ang kalikasan ng buhay.

Napansin Mo ba?
Ang kalangitan ay walang Silanganan, maging Hilaga o Timog at pati Kanluran ... ni walang pagkakaiba sa pagitan nito, niyan, iyon, niyon, iyan, at ito. Ang mga pagkakaiba o pinagkaiba ng lahat ay nagsisimula lamang sa mga kaisipan ng tao mismo. Alisin lamang ang taguri, label, pagpapangalan o pagkakakilanlan... magiging madilim ang lahat. Kapag wala ng kataga na ihahambing, ano pa ang iyong magagawa? Wala nang imahinasyon na magsisimula.

Pag-ikot ng Mundo
Ang mundo ay umiikot nang walang hinto. Naglalakbay ito ng napakabilis at libu-libong milya sa bawat segundo, sa loob ng 60 segundo o isang minuto, 60 minuto o isang oras, 24 na oras o isang araw, 28-30-31 na araw o isang buwan, 12 buwan o isang taon... bago maikot ang Inang Araw. Wala itong kinikilingan o paborito, kahit anong bagay, banal o demonyo mang tao. Sisilay at maghahandog ito ng kanyang liwanag at init para biyayaan ang sinuman. Wala itong pakialam purihin man o sumbatan, sapagkat ito ang kanyang katungkulan. 
---at ang pinakamahalaga sa lahat, wala itong relihiyon, sekta, o grupo na sinusunod. 

No comments:

Post a Comment