Pabatid Tanaw

Thursday, June 27, 2019

Mulat Ka na ba?



Malaki ang mga pagkakaiba ng mga ito:
Mulat -Laging nakadilat ang mga mata at nababatid ang nagaganap sa kanyang kapaligiran. Handang dumamay at makipagtulungan.
Gising -Paminsan-minsan nagigising at sandaling nalalaman ang kaganapan ngunit madalas makalimot at nag-iiba ang mga iniisip. Hindi nakakatiyak sa intensiyon kung ito nga ang nais.
Idlip -Laging naiidlip kahit nakadilat ang mga mata. Ligalig at nakatuon sa nakaraan at nag-
   aalaala sa hinaharap. Madalas makalimutan ang kasalukuyan. Palaasa at laging naghihintay sa
   mangyayari.
Tulog -Walang kamalayan o pakialam sa mga kaganapan sa kanyang paligid. Hindi maaasahan.
Natutulog -Hindi maaaring abalahin. Laging takot, higit na mahalaga ang magsarili nang hindi
   masangkot. Idinadaan na lamang nag mga problema sa pagkalimot.
Nagtutulog-tulugan - Mahirap gisingin, Walang pakialam, anumang mangyari, kahit lantaran  
   na ang mga kabuktutan at kamalasan. Higit pang ninanasa ang manood na lamang at mag-
   usisa nang walang anumang solusyon na ginagawa.
                          
Narito ang tunay na may KAMULATAN
Batid at namamalayan ang mga pagkakaiba ng mga isinasaad sa itaas. Hindi niya hinahayaan na makapanaig ang mga ito sa kanyang isipan, emosyon, at mga gawain.
Siya mismo ang nasusunod at hindi ang kanyang isipan. Kung ano ang higit na mahalaga naroon ang kanyang puso.

No comments:

Post a Comment