Pabatid Tanaw

Saturday, November 26, 2016

Maging Positibo sa Relasyon

Ang panatilihin ang matinding galit ay katulad ng pag-inom ng lason, at umaasang mamamatay ang kagalit. Sinumang tao ay magagawang patangisin ang iyong puso, hiyain ka sa isang pagtitipon o maliitin ang iyong kakayahan, subalit kailanman huwag pahintulutan na bigyan siya ng kapangyarihan na yurakan ang iyong ispiritu.
   Tandaan lamang: Ang mahihinang tao ay mapaghiganti; Ang matitibay na tao ay mapagpatawad; subalit ang matatalinong tao ay umiiwas at walang panahon para dito

101-Purihin ang mga tao sa harapan ng mga kasamahan.
102-Bigyan ang iba ng reputasyong mapanghahawakan.
103-Bigkasin ang tamang salita sa tamang sandali.
104-Pasiglahin ang mabuting hangarin ng iba.
105-Ipaubaya ang papuri sa iba.
106-Punuin ang aking kaisipan ng ispirito ng kapayapaan, kagitingan, kalusugan, at pag-asa.
107-Ang ibahagi ang magagandang bagay sa tanging kadaupang palad ko.
108-Ang tandaan na laging tawagin ang sinuman sa kanyang pangalan o katungkulan nito.
109-Maging eksperto sa larangang pinasok ko.
110-Makagawa ng mabubuting bagay sa bawat araw.

 Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
 

No comments:

Post a Comment