Pabatid Tanaw

Saturday, November 26, 2016

Ang Kaligayahan ay nasa Paglilingkod



111-Isagawa sa iba anuman na hindi nila makaya para sa kanilang sarili.
112-Makinig mula sa kaibuturan ng aking puso.
113-Asahan ang kawalan ng utang na loob ng iba. Sila ito at hindi ikaw.
114-Magbigay nang walang liting o lubid na nakatali.
115-Alamin ang mga pangalan ng iyong kapitbahay at mga nakakaharap.
116-Ipaunawa ang angking kalakasan ng mga tao. Hindi ang kanilang mga kahinaan.
117-Sumulat ng mga liham ng pagtataguyod, pagpapahalaga, at pasasalamat.
118-Tulungan ang mga tao na manalo, hindi ang pintasan sa kanilang kabiguan.
119-Ang maging huwaran ako kaysa mangaral. Mabuting sermon ang aking buhay.
120-Kapag ako’y tagumpay; nakaganti na rin ako sa mga taga-usig at kaaway ko.


121-Na may mairog na pangsang-ayon at masiglang pagpuri.
122-Ang magkaloob na buong pagtitiwala, katapatan, at pagpapahalaga sa iba.
123-Magawa kong maligaya ang isang tao na gawin ang bagay na pakiusap ko.
124- Ang malaman na ang isang buhay ay nakahinga nang maluwag sapagkat nabuhay ako.


   Mayroon kang kamangha-manghang kapangyarihan na nasa iyo na makapagdudulot ng lahat at anumang iyong kailangan.Tuklasin at pagyamanin ang nakatagong mga  katangiang ito ng pagiging kampeon mo. Manatiling gising at may panahon na ginagamit ang pinagmumulan ng iyong mga ideya at pananaw upang makamit ang iyong mga lunggati sa buhay.
 Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
 

No comments:

Post a Comment