Pabatid Tanaw

Saturday, November 26, 2016

Salamat Po.

Anumang bagay na dumarating sa iyo, kailangang pasalamatan ito. Sapagkat hindi ito ipapadala sa iyo kung hindi talagang nakaukol sa iyo. Naisin mo man o hindi; ang kamalian, hanggat hindi natututuhan ang leksiyon, muli mo itong mararanasan. Kung nainiwala ka sa katotohanan, darating sa iyong buhay na matatawag ka para ipaliwanag ito.
    Kapag may masamang bagay na nangyari sa iyo, mayroon kang tatlong aksiyon na pagpipilian. Hayaang makilala kung sino ka tungkol dito; Hayaang wasakin ka nito, at Hayaang maging matibay at matatag ka na harapin ito.

91-  Ang pag-ibig ang tunay na kapangyarihan. Wala nang hihigit pa dito.
92-  Ang pagtawa ay isang takbo ng aking pag-iisip kaysa magmukmok sa sulok.
93-  Ang hayaan ang kausap ko; ang siyang laging magsalita.
94-  Manatiling nakabukas ang aking kaisipan sa mga milagrong ipinapadala sa akin.
95-  Ang iwasan na bigkasin ang “Oo, ngunit,” "sana,"at “Akala ko.”
96-  Ang aking kaligayahan ay isang regalo.
97- Ang Maging Palakaibigan.
98-  Simulan na kaibiganin ang aking sarili.
99-  Ipaalam sa mga tao na kailangan ko sila.
100-Ang lumikha ng alaala at pasyalan ito sa tuwina.

Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!

Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
 


No comments:

Post a Comment