Pabatid Tanaw

Saturday, April 30, 2016

Maglagay ng Kapanalig

Palibutan ang iyong sarili ng mga tao na iyong mapagkakatiwalaan. Kailangan mo ng grupo o samahan na sa anumang sandali ng iyong pangangailangan ay iyong matatakbuhan. Lalo na sa isang kapanalig –nagagawa nito na maging simple at madali ang iyong buhay. Hindi mo magagawa ang lahat ng bagay, kahit papaano mangangailangan ka ng ibang tao na makakatulong sa iyo para mapabilis ang iyong gawain at matapos ito sa takdang panahon.
   Kailangan ang delegasyon, na kung saan ang mga bagay na hindi mo makakayang gawin ay maipasa sa iba. Kapag “one army” ang iyong isipan, makakatiyak ka na hindi matagumpay ito at walang katuturan na ipagpatuloy pa. Tanggapin natin ang katotohanan na hindi tayo perpekto, at kapag nakaharap tayo sa malaking trabaho, hindi natin mahusay na matatapos ito kung walang tutulong sa atin.

   May kanya-kanya tayong katangian at mga kakanyahan, hindi lahat ay alam natin at makakaya nating gawin. Kailangan natin ng mga kapanalig, lalo na kung may mga hangarin tayo para sa kaunlaran ng lahat at kagalingang pambayan.

No comments:

Post a Comment