Pabatid Tanaw

Saturday, October 24, 2015

Tuparin ang Pangako




Ang katalusan ay mabatid ang tama kaysa mali; ang praktikal 
kaysa masalimoot; ang tiyak kaysa paltos; ang tagumpay kaysa 
kabiguan; at ang kagalingan na panindigan ang mga ito,
at patuloy na isakatuparan.

Matatag ang Paninindigan
  
Mahirap labanan ang kaaway na may mga kampo sa iyong utak. Ito ang inuunang pinupuksa at inaalis sa ating kamalayan. Ang nakapagpapaalis lamang dito ay ang matatag na paninidigan sa sarili; Ang matagpuan at makilala mo ang iyong tunay na pagkatao. At mula dito ay magaganap ang lahat para sa iyong kagalingan at kaunlaran tungo sa iyong TAGUMPAY.
   Ang sukatan ng paninindigan ay maging maingat sa iyong pagkatao kaysa iyong reputasyon, sapagkat ang iyong buong katauhan ang nakasalang kung sino kang talaga, samantalang ang iyong reputasyon ay kung ano ang pagkakakilala sa iyo ng iba. Ang kailangan lamang ay responsableng hawakan natin ang ating mga sarili para sa mataas na pamantayan kaysa sa inaasahan sa atin ng iba.

 Ang Wastong Paninindigan (H.U.W.A.G.) Huwag Umiwas Walang Aanihing Ginto
Huwag simpleng paniwalaan ang anumang bagay sapagkat nadinig mo ito.
  Huwag simpleng paniwalaan ang anumang bagay sapagkat binigkas at ipinagsasabi ito ng maraming tao.
    Huwag simpleng paniwalaan ang anumang bagay sapagkat nasusulat at ipinapahayag ito sa mga aklat ng relihiyon.
      Huwag simpleng paniwalaan ang anumang bagay sapagkat nagmula ito sa otoridad ng iyong mga guro at mga nakakatanda sa iyo.
        Huwag paniwalaan ang mga tradisyon sapagkat isinalin at pamana sa iyo ng maraming naunang mga henerasyon.
Datapwa’t matapos ang obserbasyon at pag-aanalisa, kapag napaglimi mo na ang anumang bagay ay sumasang-ayon sa makatuwiran at nakapagdudulot sa ikakabuti at kapakinabangan ng isa at ng lahat, marapat lamang na tanggapin ito at ipamuhay nang lubusan.       -BUDDHA

Narito ang lahat ng iyong kaganapan; Kapag ipinairal at ginagawa ang mga ito sa araw-araw bago magpasiya, lalagi kang nasa matuwid na daan. Dahil dito nakasalalay ang iyong Matatag na Paninindigan


No comments:

Post a Comment