Pabatid Tanaw

Saturday, October 24, 2015

H.U.W.A.G. Mananghod


Ang ugali ang pangunahing larawan ng ating pagkatao.

Sa simula ay tayo ang humuhubog sa ating mga ugali, at matapos ito, ang mga ugali naman ang lumilikha ng ating mga paninindigan, at naisin man natin o hindi, ito ang nagpapakilala sa atin, kung sino tayo.

Pairalin ang mga paninindigan na ito: H.U.W.A.G: Habang Umiiwas Walang Aanihing Ginto
·         Huwag magkamali na gayahin ang iba; sa pananamit, pag-uugali, at pangangarap. Orihinal ka at walang katulad o kawangis kahit kanino sa balat ng lupa; noon, ngayon, at magpakailanman.
·            Huwag paniwalaan na ikaw ay hindi kumpleto kung wala ang iniidolo o ginagaya mo.
·             Huwag magpadikta o payagan ang ibang tao na makapangyari sa buhay mo.
·              Huwag basta pumayag, bagkus ang tumindig at labanan ang karahasan, kabuktutan, at kahirapan sa kapaligiran mo. Kung maghihintay at umaasa, ikaw na ang susunod na biktima.
·                Huwag tanggapin ang mga pananakot, mga negatibo, at lumalason ng katotohanan.
·                 Huwag manahimik, panatilihing gising ang kamalayan. Malaki ang iyong pagkakataon kung sapat ang iyong kabatiran sa mga makabuluhan at makapagpapaunlad sa iyo.

Tagumpay o Bigo? Panalo o Talo? Masaya o Malungkot? Kaligayahan o Kapighatian?
 Mamili ka kung anong uri ng paninindigan ang paiiralin mo.

Nasa iyo ang kapasiyahan, anumang piliin mo rito ay tama ka!

No comments:

Post a Comment