Pabatid Tanaw

Sunday, November 23, 2014

Salamat Po



Maging mapagpasalamat sa mga mahahapding karanasan na ipinupukol sa iyo. Sapagkat sa mga panahong ito ikaw ay yumayabong at natututo. Pasalamatan ang iyong mga limitasyon o kahinaan, dahil mga oportunidad ito para tuklasin ang iyong natatagong mga katangian upang ikaw ay tumibay at maging matatag. Pasalamatan ang bawat bagong paghamon sa iyong kakayahan, sapagkat pinalalakas at pinatatapang ka nito upang paghusayin ang iyong pagkatao.  

Pasalamatan ang iyong mga kamalian. Ang mga ito ang iyong mga pundasyon na nagtuturo ng mahalagang mga leksiyon para ikaw ay magtagumpay. Sinuman na hindi kailanman nakagawa ng kamalian ay hindi pa nakagawa ng anumang pagsubok sa kanyang kakayahan. Tayo ay natututo mula sa kabiguan, hindi mula sa tagumpay. 
   Kapag ang iyong katatagan ay lubusan nang matibay, anumang daluyong o mga paghamon na ibinabato sa iyo ay itong mapagtatagumpayan. At ang iyong pagkatao ay laging handa kahit na sa anumang bagay sa lahat ng panahon.

No comments:

Post a Comment