Napansin ko ito:
Mayroon akong kapitbahay dito sa amin na namatay
kamakailan lamang. Simpleng tao at karaniwan ang gawain niya. Ang
libangan niya ay magsabong. Subalit sa gabi ng kanyang burol, napansin
ko ang
maraming mga korona ng bulaklak mula sa ibat-ibang organisasyon, mga
kaanak, mga
kaibigan at kasamahan sa trabaho. Kilala ko siya... at nakasama rin sa
mga
pagtitipon na aking nadaluhan. Sa mga tagpong ito, wala akong naalaala
na may
minsang nagbigay sa kanya ng bulaklak kahit isang kampupot lamang. At
bakit
ngayon sa panahon ng pagluluksa ng kanyang pamilya ay nagsulputan ang
maraming
korona ng bulaklak ng pakikiramay. Para saan? Ano ang kanilang mga intensyon?
...at BAKIT?
Bakit noong nabubuhay siya ay walang
nakaka-alaala sa kanya, bakit ngayon ay tila kumpetisyon ang pagandahan ng mga
korona? Hindi kaya sa labis na panghihinayang sa naganap kapabayaan noong nabubuhay pa ang namatay?
Naalaala ko tuloy ang himutok ng isang napabayaang ina, "Kapag isa na akong malamig na bangkay; Madarama ko pa ba ang mga
pag-luha, pag-iyak at hagulgol ninyo? Magagawa ko pa bang masilayan ang
magagandang bulaklak sa korona sa aking libing? Bakit hindi pa ngayon na ako ay
nabubuhay ay ipadama na at marinig ko sa inyong mga labi ang inyong pagmamahal
sa akin. Ito ang kailangan ko ngayon. Bakit
hindi ninyo makayang ibigay?
...Bakit nga ba?
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment