Friday, November 29, 2019

Sa Iyo Magmumula ang Lahat


Kilala mo ba ang iyong sarili?
Kung susuriing maigi, apat ang mga aspeto sa buhay: Pagkamulat, Transpormasyon, Intensiyon, at Pansariling-kahulugan
   Pagkamulat. Ang mapaunlad ang iyong kamulatan at kabatiran sa sarili at sa iba, mula sa kaibuturan ng sarili mong mundo at ng mundo na nakapalibot sa iyo, ay siyang unang hakbang para malagpasan ang mga balakid at makamit ang iyong kaluwalhatian. Kailangang lubos na makilala  mo ang iyong sarili, kung sino kang talaga, ano ang iyong mga naisin, at kung saan ka patungo. Ano ang tunay mong layunin sa buhay at bakit mo nais itong makamit?
   Transpormasyon. Saliksikin, pag-aralan, at aktibong baguhin ang mga sistema, kinagisnan, at mga asal na kinaugalian na—at pagpasiyahan sa iyong sarili kung ang mga ito ay nakakatulong o nakakasama sa iyong kapakanan. At kung ito ay mga nakakapinsala, ay simulan ng tanggalin at palitan ng mga bagong pamantayan na ibayong makapagpapaunlad sa iyo.
   Intensiyon. Ito ang pinaka-makapangyarihan. Kung alam mo ang iyong likas na intensiyon, ang siklab ng lakas ng sansinukob ay kusang sumasaiyo—na kung saan ay malaya mong isinasabuhay nang tahasan ang iyong layunin.
   Pansariling-kahulugan. Walang ibang tao na higit na makakagawa ng masusing pag-aaral at pamantayan sa mga bagay kundi ikaw lamang. Tanging ikaw lamang ang ibayong makakatingin para sa iyong kapakanan.

No comments:

Post a Comment