Pabatid Tanaw

Tuesday, July 30, 2019

Kaligayahan ang Mapagbigay

Walang makakabuwag sa moog nang higit pa 
kundi ang pagtanggap.

Sa isang monasteryo sa Bataan, may salu-salong nagaganap nang may isang matandang pari ang tumindig at nagsimulang magsilbi sa iba ng tubig na maiinom. Nagpalipat-lipat siya ng mga lamesa, at kahit na pilitin niya ang pag-alok, walang pari ang tumanggap.
   "Walang tayong sapat na kahalagahan kung ikukumpara sa paglilingkod ng mabuting pari na ito." Ang kanilang naging usal sa mga sarili. "Nakakahiya naman kung siya pa ang magsisilbi para sa akin, gayong mababa ang aking posisyon kaysa kanya." ang giit naman ng isa pa.
   Nang mapadako ang butihing pari sa lamesa ni Berning, ang pari ng Kupang, nag-utos ito na buhusan ng tubig ang kanyang baso at punuin itong mabuti. Namangha at nainis ang mga pari sa pag-uutos na nasaksihan. Nang matapos ang kainan, pinaligiran ng mga pari si Berning at pagalit na nagtanong, "Papaano mo natanggap sa iyong sarili na karapatdapat ka sa paglilingkod ng butihing pari, gayong ilang taon ka pa lamang sa serbisyo, kung ikukumpara sa maraming dekadang ipinaglingkod na niya? At ang dugtong pa ng isang pari na nanggagalaiti, "Hindi mo ba napansin man lamang na uugod-ugod na siya at isang sakripisyo ang paglingkuran ka pa niya?"
   "Abahh, papaano ko hahadlangan ang isang kabutihan na kusang nagaganap? Sino ba ako para kontrolin ito? Kayo na nagkukunwaring mga banal ay walang pagpapakumbaba para tumanggap, at inaalisan ng karapatan ang butihing pari na maramdaman ang kaligayahan sa pagbibigay."
Sa relasyong tulad nito, ito ay binubuo ng tatlong pakikipag-kapwa na walang mga kundisyong pinaiiral:
   1. Pagtanggap
   2. Pang-unawa at
   3. Pagpapahalaga

No comments:

Post a Comment