Pabatid Tanaw

Friday, January 29, 2016

Sumandaling Kabatiran

Maraming tao ang darating at lilisan sa iyong buhay,
subalit yaong mga tunay na kaibigan lamang ang mag-iiwan ng tanda sa iyong puso.

Upang ganap na mahawakan mo ang iyong sarili, gamitin ang iyong isipan; upang mahawakan naman ang iba, gamitin ang iyong puso.

Ang galit kapag ipinilit, makakatiyak ka sa resulta nitong pait.

Kapag mayroong nagtaksil sa iyo nang minsan, ito ay ay kasalanan niya.
At kung ito ay inulit niyang muli sa iyo, ito ay kasalanan mo na.

Ang mga dakilang isip, ang tinatalakay nila ay mga ideya;
Ang mga karaniwang isip; ang tinatalakay nila ay mga kaganapan o mga kasayahan.
Subalit yaong mga makikitid ang isip, ang pinag-uusapan nila ay mga tao.

Ang Bathala ay nagbibigay ng pagkain sa mga ibon,
ngunit hindi Niya inilalagay ito sa kanilang mga pugad.

Siya na nawalan ng pera, ay talagang nawalan.
Siya na nawalan ng isang kaibigan, ay lalong nawalan.
At siya, na nawalan ng pananalig, ay nawala na ang lahat sa kanya.

Kung ang mga magaganda at batang tao ay gawa ng kalikasan,
ang mga magaganda at matandang tao ay likha naman ng sining.

Matuto sa mga kamalian ng iba.
Hindi mo magagawang mabuhay nang matagal para mtutuhan itong lahat mula sa itong karanasan.

Ang dila kung tutuusin ay wala namang kabigatan kapag tinimbang,
subalit ang kamandag nito ay simbigat ng daigdig kapag marahas na pinawalan.
...iilang tao lamang ang may kakayahang hawakan ito at kontrolin upang hindi makapinsala.

No comments:

Post a Comment