Pabatid Tanaw

Friday, January 29, 2016

Magsabi Lamang

Habang patuloy ang iyong paghiling, patuloy din ang iyong makukuha. May nagwika, "Humiling ka at ito'y ibibigay sa iyo." Kung hindi ka magsasabi, wala kang mapapala. Kung hindi ka magsasalita at ipapaalam ang nais mo, ang kasagutan dito ay tiyak na, "Hindi!Subalit nangangailangan ito ng puspusang pagsasanay para maging mahusay sa pagbigkas nito. Ang tagumpay ay isang laro ng paramihan. Tulad ng payo ng aking ama, "Ang bawat busog na itinudla mo at tumama sa gitna ng target ay resulta ng sandaang paltos at pagsasanay."
   Sa taong ito, gawing resolusyon ang 5 Paraan na Mapabuti ang Pakikipag-relasyon
1. Patuloy na maging mapagmalasakit. Walang sinuman na humiling na maging maramot kung alam niyang siya ay lilisan na sa daigdig na ito. Ang mabisa at pinakamahalagang bagay na magagawa ko ay mabuhay na dakilang kumikilos, nagsasalita, at namumuhay mula sa aking puso. Ito lamang ang magpapabago sa daigdig na aking ginagalawan.
2. Maging mapagkumbaba. Mabuhay ng tulad ng sinasabi ng mga pantas na Isipang Simulanin. Tandaan na ang sinuman na dumarating sa aking buhay ay may sariling istorya na ikukuwento at isang leksiyon na nakapagtuturo kung bukas ang aking isipan at kawatasan para dito. Lagi ko ring tatandaan na ang bawat isa ay dumarating sa aking buhay sa takdang sandali para sa aking kagalingan sa panahong kinakailangan kong may matutuhang leksiyon sa buhay.
3. Maging mahusay na maging hindi komfortable. Ang kagandahan ng buhay ay pamumuhay na nakadapo sa maliit at maikling sanga. Iwasang mabugnot at mabagot sa kaunting biyaya, sa kalagayang nakakasuya, at trabahong nakakasawa. Hindi ka makakarating sa iyong paroroonan nang hindi ka magsisimula sa maliliit na hakbang. Hindi mo mararating ang itaas ng hagdanan, kung hindi mo aakyatin ang bawat baitang. Anumang leksiyon ay kailangang mong ipasa, dahil patuloy mong uulitin ito kung hindi mo ito natutuhan.
4. Maging makatao at ilaw na nagbibigay ng liwanag. Ang kahusayan ng aking mga relasyon, lalung-lalo na sa aking sarili, sa aking mga mahal sa buhay ay patunay ng aking maligayang pakikipag-relasyon. Ang kaligayahan ko ay tunay na nagaganap sa antas ng ipinadarama kong koneksiyon sa mga tao sa aking buhay. Hanggat patuloy ang aking pagtitiwala at katapatan patuloy ding namamagitan ang pagmamalasakit at pagmamahalan. Kailangang patuloy na magning-ning ang aking ilaw upang manatiling tanglaw ng pagkakaibigan.
5. Sisirin ang budhi. Laging maglimi, saliksikin ang puso, alamin nang higit ang nadarama. Sundin ang nagbibigay sigla at itinitibok ng puso. Kailanman ay hindi ka maliligaw sa landas na iyong nilalakbay. Hanggat hindi ko nagagawang kontrolin ang aking sarili, wala akong kakayahan maging halimbawa para sa iba. Huwag umasa na ang aking buhay ay magbabago kung magbabago lamang ang mga tao sa aking kapaligiran. Magpatuloy na magpahalaga at magbigay ng kaukulang atensiyon sa iba nang higit sa kanilang inaasahan. Bawat bagay ay posibleng mangyari kung puso ang umiiral at siyang sinusunod.

No comments:

Post a Comment