Pabatid Tanaw

Thursday, December 31, 2015

Mahalagang Puwang

Sa aking mga nabasa na, ang tatlong mahalagang pangungusap na nagpakulo nang higit sa aking pag-iisip nang una ko itong matunghayan---at patuloy pang nagpapakulo sa aking isipan sa tuwing nililimi ko ang bagsik nito---ang mga ito ay:
"Sa pagitan ng stimulus (sanhi o kadahilanan) at response (reaksiyon) ay mayroong espasyo o puwang. Sa espasyong ito nakabatay ang ating kalayaan at kapangyarihan na piliin kung anong uri ng kasagutan o reaksiyon. Sa kasagutang ito nakasalalay ang ating pagyabong at ang ating kaligayahan. At huwag din nating kalilimutan, sa puwang na ito---narito din ang magiging kapalaran natin kung tagumpay o talunan, kasaganaan o kahirapan, kaligayahan o kapighatian, at pagkabuhay o kamatayan."
   Marami sa atin, kapag nahaharap sa ganitong espasyong sitwasyon, higit nilang pinipili ang tumahimik at magsawalang-kibo. Walang response o kasagutan anuman. Walang anumang pagbabago. Nasaksihan mo na ba na may nagawang pagbabago sa buhay ang palaging umaasa, naghihintay, at nananatiling tahimik at walang anumang pagbabago?
   Hindi ba isang kataka-taka at nakapanggagalaiti na malaman na ang isang tao na may malubhang kanser sa baga ay patuloy pang nagsisigarilyo? Na ang isang sugapa sa alak at mayroon ng terminal na sakit sa kanyang atay ay patuloy pa sa pagkagumon sa alak? Ang mga taong ito ay pinili na huwag kumilos sa espasyong nakapagitan sa sanhi at kasagutan. Higit nilang pinili ang huwag magbago. Maari ding kaya nila hindi magawa ito sa espasyong ipinagkaloob sa kanila, ay dahil mapapagod sila at mahirap nilang ito ay magawa pa.

No comments:

Post a Comment