Pabatid Tanaw

Wednesday, July 08, 2015

Narito ang Tagumpay

Ang tagumpay ay ang matamo ang kasiyahan sa pagbibigay, kahit na maliit ito kaysa mga nakukuha
mo. Kung ugali mo na ang magtanim, matitiyak mo na marami kang aanihin.

Ang tagumpay ay bunga ng maraming pagpupunyagi, dedikasyon sa trabaho, at determinasyon na kahit manalo o matalo, ginampanan natin nang mahusay ang ating gawain sa abot ng ating makakaya.

Ang pagkatalo ay hindi siyang pinkamasaklap na pagkabigo. Ang hindi sumubok at umiwas sa nakaatang na responsibilidad ang siyang tunay na kabiguan. Higit na mainam ang may maling desisyon kaysa walang ginawang desisyon.

Ang tagumpay ay hindi ang susi sa kaligayahan. Ang kaligayahan ang susi sa tagumpay. Kung naiibigan at kinalulugdan mo anuman ang iyong ginagawa, ikaw ay magtatagumpay.

Ang unang hakbang tungo sa pag-unlad ay pagnanasa. Nasa iyong hangarin at tunay na intensiyon nakasandig ang lahat, kung wala ito; anumang pagkilos ang isagawa mo ay walang katuturan, mistula kang aso na hinahabol ang sariling buntot.

No comments:

Post a Comment