Pabatid Tanaw

Tuesday, February 24, 2015

Karapatan Mo ang maging Maligaya



Hindi kung ano ang magpapasaya sa iyo, kundi kung saan ka magiging maligaya.
Hindi ka basta lumitaw nang walang kadahilanan. Nilalang ka upang tamasahin ang lahat ng iyong mga naiisip, nakikita, nadarama, naririnig, at nalalasap. Hindi ka nilikha para dumanas ng mga paghihirap, mga kapighatian, mga kasawian, mga kalungkutan, at mga kaligaligan sa tanang buhay. Nangyayari lamang ang mga ito kapag ibinibilanggó mo ang iyong sarili sa mga mali at limitadong mga paniniwala. Kapag paralisado ka ng mga pagkatakot, at sa patuloy na katigasán na huwag kilalanin ang tunay mong ispiritú sa iyong kaibuturan. Ito ay mga tahasang pagsupil sa iyong tunay na pagkatao at mga naisin sa buhay.
   Tandaan; hindi ka isang biktima, isa kang panalo. Isa kang tsampiyon! Sa 700 daang milyon na punlay (sperm cells) na itinanim ng iyong ama, na nag-unahan para pisain (fertilize) ang itlog (egg cell) sa sinapupunan ng iyong ina, IKAW lamang ang mapalad na nagwagi!
   Kasalanang malaki at hampas ng langit kapag tinanggap mo sa sarili na isa kang talunán. At huwag kalilimutan, IKAW ay narito sa mundo upang lumigaya!
   Ikaw ay sagisag ng pagmamahal. Mula sa pagmamahalan ng iyong ama’t ina, ikaw ay nalalang. Narito ka sa mundong ito upang maging bahagi at maganap ang pag-ibig, kapayapaan, pagmamalasakit, at kaligayahan. Ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit nabuhay ka. Ang mga ito ay hindi itinatagó o tinatakpán ng mga bagabag, pagkamuhî sa sarili, kawalan ng pagtitiwala, pagkabugnót o pagkabagót, mga pagkatakot at mga maling paniniwala at pananaw.
   Walang ibang makakapinsala at makapagwawasak sa iyo kung wala kang pahintulot …Not a victim but a victor!
       Be sincere in your thoughts,
         Be pure in your feelings.
           You will not have to run after happiness.
              Happiness will run after you.

Ang masayahing tao ay hindi inililiban o kinakaligtaan ang mga bagay na magpapasaya sa kanya.


No comments:

Post a Comment