Pabatid Tanaw

Friday, February 14, 2014

Maghihintay ang Pag-ibig



Hindi mo minamahal ang sinuman dahil siya ay perpekto, kundi minamahal mo siya kahit na alam mong hindi siya perpekto.

Mga katanungang nais nating maunawaan:
Kailangan ba ang magpatuloy at maghintay na matutuhang mahalin ng iba?
   Pakawalan ang mga ligalig at tanggapin ang katotohanan, na may mga bagay na sadyang hindi nakaukol at mananatili sa iyo. Ang kapalaran ‘di mo man hanapin ay kusang dumarating. At nawawala ding kusa kapag walang nasumpungang pagpapala.
Kailangan bang patawarin ang mga nagkasala sa atin?
   Mahalaga sa lahat at kailangang gawin. Sapagkat kapag natuklaw ka ng ahas, ang kamandag nito’y patuloy na lalason sa iyo hangga’t inaaliw mo. Lahat ng bagay ay lalong lumalaki kapag patuloy mong pinapansin ang mga ito. Nagkasugat ka na, huwag mo nang palalain pa ito sa mga alaala at pag-aalala.
Kung nagawa mong magpatawad ng mga kaaway, hindi mo makakalimutan ang kanilang mga pangalan. Sapagkat ang sugat na malalim, may peklat na maiiwan kapag gumaling.
Kailangang magmahal pa ba ako, kung hindi naman niya ako minamahal?
   Sa tagpong ito, lalo kang higit na kailangang magmahal, sapagkat ang pag-ibig ay iniingatan at inialagaan na tulad ng isang halaman na nasa paso; dinidilig, nilalagyan ng pataba, tinatabingan kapag naiinitan, at dinadamuhan, upang magpatuloy ang pamumulaklak nito.
Iwasan ang iba na maging iyong priyoridad kung ikaw para sa kanila ay isang opsiyon lamang.
Huwag iyakan ang mga bagay na natapos at nakaraan na, bagkus ang ngumiti dahil naganap ang mga ito.

No comments:

Post a Comment