Pabatid Tanaw

Friday, December 27, 2013

Mainam na Pangangailangan

Ang sumunod at magpasunod ay mahalagang bahagi ng pamumuno.


Kailangan natin na tumahimik bago natin magawang makinig.
Kailangan natin na makinig bago natin magawang matuto.
Kailangan natin na matuto bago natin magawang maghanda.
Kailangan natin na maghanda bago natin magawang maglingkod.
Kailangan natin na maglingkod bago natin magawang mamuno.

Kailangan natin:
Ang hinog na isipan ay may kakayahang tiisin ang mga walang katiyakan.
Alam mo ba, na habang patuloy ang pagdilim, lalo mong nakikita ang mga bituin?
Kahit na madilim ang langit at may nagbabantang unos, ito ay lilipas din, at ang araw ay sisilay.

Madali mong makikilala ang tao kung ano ang kanyang ipinapahayag tungkol sa iba kaysa na makilala mo siya kung ano ang ipinapahayag ng iba tungkol sa kanya.

Kailangan na matuto tayo na huwag hintayin pa na magkaroon ng inspirasyon bago kumilos. Ang pagkilos ang laging panimula para magkaroon ng inspirasyon. Ang inspirasyon kailanman ay bihirang simulan ng pagkilos.

May nagsabi na lahat ng mga masayahing tao ay mayroong Diyos sa kanilang kaibuturan.

Dahil naniniwala ka na may kakayahan ako na kumilos nang maginoo, nagawa ko ito.

Palaging may espasyo sa pagitan ng intensiyon at aksiyon.

Ang buhay ay tila maikli o ang buhay ay tila mahaba, ito ay depende kung papaano mo ito ipapamuhay. May dalawa kang pagpipilian; ang kontrolin ang iyong isipan, o, hayaan ito na kontrolin ka.

No comments:

Post a Comment