Pabatid Tanaw

Thursday, August 08, 2013

Manirahan sa Disyerto


Kung hindi mo babaguhin ang iyong direksiyon, makakarating ka, saanman ikaw patungo.

“Bakit nais mong manirahan sa disyerto?” ang may pagtatakang tanong ng lalake.

“Dahil hindi ko magawa na maging ako, gaano man ang aking naisin;

“Kapag sinimulan kong maging ako, ang mga tao ay matinding pinaparatangan ako na mali at huwad ito;

“Kapag tunay naman ako sa aking pananalig, ay nagsisimula naman silang maghinala sa akin;

“Lahat sila ay naniniwala na higit silang banal kaysa akin, ngunit nagkukunwari silang makasalanan, at natatakot na mainsulto ng aking pananahimik;

“Palagi nilang sinusubukan na maipakita na tinatanggap nila na ako’y tila isang santo, at sa paraang ito sila ay nagiging mga kinatawan ng demonyo, na humahalina sa akin nang may Pagmamalaki. Masasabi ko na mga palalo silang lahat.”

Napatango ang lalake, nag-isip at sinabi ito;
“Ang iyong problema ay hindi ang subukan na maging ikaw kung sino ka man, bagkus sinusubukan mo na matanggap ka ng sinuman sa kaparaanang iniisip mo na dapat kang matanggap. ito ang nagpapalito sa iyo na makilala mong ganap kung sino ka.” Ang pahayag ng lalake, at lumisan na ito na nalulungkot.

“At dahil sa mga pagkilos sa paraang ito, higit na mainam ang manirahan sa disyerto.”

Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment