Pabatid Tanaw

Wednesday, August 07, 2013

Dakilang Pinuno




Noong unang panahon sa kaharian ng Dinalupihan, sa Bataan, ay may isang Raha na tanyag sa kanyang kabutihan at laging pinupuri ng kanyang mga nasasakupan at mga kalapit na kaharian. Isang araw, nagpasiya itong magtayo ng isang palasyo na magpapakilala ng kasaganaan at kahusayan niya sa pamamahala.
   Subalit ang napili niyang pook na pagtatayuan ay may isang lumang dampa. Makasisira ito sa tanawin na kanyang iniisip. Mabilis na inutusan ng Raha ang kanyang datu na pakiusapan ang matandang lalake na may-ari ng dampa, na ipagbili ang lupa na kinatatayuan ng dampa upang magiba ito. Maraming pabalik-balik sa dampa at mga pakiusap ang ginawa ng datu sa matandang lalake, ngunit pawang kabiguan lamang. Sadyang napamahal na sa matanda ang dampa at hindi magawang iwanan ang lupa na minana pa sa kanyang mga ninuno.
   Maraming lakan at mga datu ang nag-unahang magmungkahi sa Raha. Lahat ay nagsasabing magpadala ng mga kawal at hulihin na lamang ang matanda, ikulong dahil sa pagsuway sa Raha, at gibain na ang dampa.
   Hindi maaari. Hindi ko magagawa ang mungkahi ninyo.” ang masidhing pagtanggi ng Raha. “Magiging katibayan ang palasyo ng aking pagkakakilanlan at pamana sa aking mga nasasakupan. Kapag nakita nila ang aking magandang palasyo, masasambit nila na tunay at dakila akong pinuno. At sakali namang mapagmasdan nila ang lumang dampa, masaya nilang idurugtong na: makatwiran ako, sapagkat iginagalang ko ang kagustuhan ng aking mga nasasakupan.”


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment