Pabatid Tanaw

Friday, June 22, 2012

Ulirang Panuntunan


   Dahil sa kahilingan ng marami na sumusulat sa akin, ay muling ibinabalik ko ang pahinang ito. Marami sa kanila ang gumawa ng mga sariling kopya, at ang iba nama'y pinalaki ito at inilagay sa kanilang mga opisina at paaralan. Ako'y nagagalak sa makabayang pagtangkilik sa mga ginintuang mga alituntunin na narito, ito'y sadyang nagpapakilala ng pagiging mga tunay na Pilipino natin. 
 Mabuhay! 
   Nasa pagkakaisa at pagtutulungan lamang ganap nating makakamit ang minimithi nating tunay na kasarinlan para sa ating bansa. May kapangyarihan tayong likhain ang pamahalaang karapatdapat para sa atin, at hindi mula sa susog ng iilan at pakikialam ng ibang mga bansa. Ang ating pagka-mamamayan ng Pilipinas ay ang ating pambansang pagkakakilanlan. Sinasagisag nito ang ating pagkatao at mga kabutihang asal sa ating lipunan. Bilang mga tunay na Pilipino, katungkulan nating panatilihin ang mga tradisyon at kulturang minana pa natin sa ating mga ninuno. Tayong lahat ay magkakapatid . . .

IsangLahi, IsangIsip. IsangSalita, IsangGawa, IsangKapatiran, at IsangPilipino.



Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment