Pabatid Tanaw

Wednesday, February 15, 2012

Bungisngis #018

  
Miss Tigidig

   Si Binibining Pimpol ay maraming taghiyawat sa mukha. Miss Tigitig ang laging tawag sa kanya sa opisina kapag nakatalikod siya. Dalamhati niya ito sa araw-araw kung papaano niya ito malulunasan. Hanggang sa may nakapagmungkahi sa kanya na subukan si Doktor Kagaw ng Barangay Bulutong.
   Mabilis siyang nagtungo dito at lumuluhang sumangguni. Matapos ang ilang tanungan ay nagbigay ng reseta si Doktor Kagaw kay Binibining Pimpol, upang bilhin kaagad ito. Pagdating sa bahay, mabilis na ipinahid kaagad ang nabiling gamot sa kanyang mukha. Ngunit makalipas ang isang araw na pahiran, walang pagbabagong nangyari sa mga taghiyawat. Sa halip, nagsipamaga ang mga ito. Lalong nagdalamhati is Bb. Pimpol, sumalampak sa sahig at nag-iiyak. Sa tindi ng galit sa nagastos sa gamot at naging munting mga bulkan na resulta ay nagmamadaling pumunta sa bayan. Nagpupuyos sa matinding galit.
   Isang araw tumawag sa telepono si Doktor Kagaw,  medyo magiliw at mahinay na nakikiusap, at sinabing ang tsekeng ibinayad ni Binibining Pimpol ay tumalbog at hindi siya nabayaran.
   Ang pasinghal na sagot ni Binibining Pimpol, “Kasi, tumalbog din ang ipinayo mong gamot sa mukha ko! Buwisit kah!”

Pasaring: Kapag pogi ay kamukhá ko, at kung panget?  “Teka muna… ibang usapan na ‘yan!” Ang may pasinghal na sagot ng kausap ko, at mabilis na tumalikod at umalis. Iniwan AKO. Bakit kaya?



Mga Patawang Orihinal ni Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment