Pabatid Tanaw

Thursday, September 08, 2011

Gising Ka na Ba?

Walang Kinalaman ang Iyong Nakikita

   Sa Barangay Kupang, dalawang magkaibigan ang naglalakad patungo sa may Wakas nang mapadaan sila sa harap ng paaralan. Ang isa ay paring Katoliko at ang isa naman ay ministro ng Iglesia.

   Napansin ng paring Katoliko ang pagaspas ng watawat sa harap ng paaralan at nagpahayag ito sa katabing ministro, "Kaibigan, masdan mo, ang watawat ay pumapagaspas!"

   Napatingala ang ministro sa watawat at umiling, "Hindi ang watawat ang pumapagaspas, aking kaibigan. Ang hangin ang pumapagaspas!' Ang pagtutuwid nito.

   Nagsimula nang uminit ang kanilang pagtatalo kung sino ang may katuwiran, nang masalubong nila si pastor Mateo sa may kanto. Magkasabay nilang tinanong ito hinggil sa watawat, kung alin ang pumapagaspas; ang watawat o ang hangin?"

   Sumilay ang ngiti sa butihing pastor at tumugon ito, "Hindi ang watawat, at hindi rin ang hangin; ang isip ang pumapagaspas."

-------
Pag-aayos: Binigkas ng pastor, "Ang hangin ay hindi pumapagaspas, ang watawat ay hindi pumapagaspas. Ang isip ang pumapagaspas." Ano ang ibig ipakahulugan niya? Kung mauunawaan mo itong maigi, mapapansin mong ang dalawang magkaibigan ay mistulang sumusubok na bumili ng bakal upang tumubo ng ginto. Ang pastor ay hindi makayanan na makita ang dalawang magkaibigan na magkagalit pa, at nagpasiyang tawaran ang alitan na angkop sa isang bilihan, bilang kahatulan sa dalawa.


Hangin, watawat, isip ay pumapagaspas,
Kahalintulad ng pang-unawa.
Kapag binuksan ang bibig
Ang lahat ay mga mali.

Nota: Hinimay at inilapat mula sa koleksiyon ng Zen. Mga komentaryo sa yugto ng pagkagising tungo sa kawagasan ng kabatiran.

 Mga Simulain ng Buhay

Jesse Guevara 
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment