Pabatid Tanaw

Sunday, May 01, 2011

Paligsahan


   Ang buhay ay maihahambing sa isang karera o paligsahan sa pagtakbo na kung saan mayroong itinakdang umpisa at katapusan. Mayroong natatalo at nananalo. Ang ating natutuhan sa paligsahan, at kung papaano ito mapapakinabangan ang nagpapahiwatig kung ang ating pagkakasali ay may kapupuntahan. Kung may natutuhan tayo sa bawat pagwawagi, at bawat pagkatalo, nagiging mahusay ang ating mga sarili sa nagaganap na proseso. Sa kalaunan, nagampanan natin nang mahinusay ang ating kakayahan at naipamalas ang ating kahusayan.

   Apat na hakbang ang kailangan upang magwagi: Pag-ibayuhin ang pagpa-plano. Paigtingin ang pagtitiwala sa sarili. Patuloy na positibong kamalayan sa lahat ng kaganapan. Pagtiyagaang kumilos nang walang humpay.

  Ang paghahanda sa araw na ito ang siyang magtatakda bukas ng ating tagumpay. Magsimulang kumilos na ngayon.

No comments:

Post a Comment