Pabatid Tanaw

Saturday, November 20, 2010

Ano ang kahulugan ng sanaysay?

  

  Ang sanaysay ay isang mahalagang uri ng ating panitikang Pilipino na naglalahad ng maikling kuwento o salaysay. Subalit isa itong magandang paglalarawan, paghahambing, at mga kapaliwanagan na kapupulutan ng makabuluhang-aral. Matutunghayan dito ang makatwirang kaisipan at damdamin ng may-akda na naaayon sa kanyang kinamulatan, mga naging karanasan, kaalaman, at pananaw na may panambitan.
   Naiiba ito sa makata o manunula, ang may-akda ng sanaysay ay hindi kailangan ang porma o tipo, sukat, tugma o talinghaga man. Nakahihigit ito sa pangkaraniwang salaysay. Malayang sumulat ang may-akda at lumikha ng kahit anong paksa ng kanyang mga saloobin at pananaw sa buhay ng walang alinlangan.
   Mabisa at karagdagang palaman ito bilang pagpaalaala sa mga talumpati, panulat, at mabuting pagtuturo.
   At doon sa babasa ng salaysay, sana, kailangan habang binabasa mo ito, ay umaasa kang kapupulutan ito ng magandang halimbawa, upang ikaw ay maging sanay at matalino sa takbo ng buhay. Sapagkat ito'y may makabuluhang saysay na makapagdadagdag sa iyong kaalaman, kaya marapat na pag-uukulan mo ito ng iyong mahalagang sandali.

                                 Sana  +  Sanay  +  Saysay  =  Sanaysay*

  Kung nais mo’y inspirasyon, ugaliin lamang na subaybayan ang mga sanaysay dito sa, AKO, tunay na Pilipino. Malaking hakbang ito upang ganap na maintindihan at maunawaan ang ating panitikang Pilipino.
*Mula sa pitak ng Banyuhay: Bagong anyo ng buhay sa lupon ng Banyuhay



 Lungsod ng Balanga, Bataan

1 comment: