UMIWAS: HUWAG nating gawin ang mga ito:
HUWAG mong hayaan na makapangyari
ang mga negatibo at nakakalasong bagay na makaapekto sa katinuan ng iyong isipan.
At sa kalaunan ay mistulang lason na unti-unting pumapatay sa iyo.
HUWAG hayaan ang mga aksiyon ng
ibang tao ay magdulot ng kapighatian sa iyong puso.
HUWAG hayaan na manaig ang
kalapastanganan ng iba ay sirain ang maganda mong pangarap.
HUWAG hayaan ang patuloy na
pamumuna, pamimintas, at pananakit sa iyong damdamin.
HUWAG hayaan ang mga paninira sa
iyong reputasyon na wasakin ang iyong pananalig sa sarili.
HUWAG hayaan ang mga taga-duyan, mga
tagasulsol, at mga tagausisa na makialam sa iyong sariling buhay. Hindi sila
ang mapapahamak kundi ikaw mismo.
HUWAG hayaan ang kayabangan at
pagmamataas ng iba ay magaya mo kapag nakisama ka sa kanila.
HUWAG hayaan na tuluyang mawasak ang
iyong pamilya sa kasamaan ng isang miyembro nito
HUWAG hayaan ang iyong kapaligiran
na maging maingay, marumi, at magulo, hindi ka patatahimikin nito. Gawing
tahimik, malinis, at maayos ang lahat, ...para manaig ang kapayapaan.
HUWAG hayaan na laging maging
biktima ks sa kamalian at pagsasamantala ng iba.
HUWAG hayaan na manatiling bilanggo
ka ng walang sawang pang-aabuso sa iyong kahinaan.
HUWAG hayaan na mawalan ng kabuluhan
ang mga aral at leksiyon na iyong naranasan. Sa pamamagitan nito ... ang siyang magpapalakas sa iyo na tumindig at
lumaban para sa iyong kapakanan.
No comments:
Post a Comment