Sunday, May 27, 2018

Pag-isipan ang mga ito

Kawikaan ng Linggo

Kailanman ay hindi ako ipinahamak ng mga katagang hindi ko ibinulalas.
 
May angking kang talino kapag pinaniniwalaan mo ang kalahati ng anumang iyong naririnig. At sadyang pambihira ang iyong katalinuhan kapag nalalaman mo kung aling kalahati ang iyong paniniwalaan.
Hindi ito tahanan, kung laging putak at hindi tilaok ang namamagitan, kundi bahay ng kapighatian.
Kung papana ka din lamang, tudlain mo na ang kalangitan. Hindi sa ibaba at ang makakamtan ay lupa. ---Hindi ang kabiguan, kundi ang mababang puntirya ang siyang krimen. 
Ang simbuyo ng damdamin o pasiyon ang siyang pinakamahalagang kayamanan sa daigdig. Tinatalo nito ang salapi, ang kapangyarihan at ang impluwensiya.
Apat ang sadyang uri ng mga tao: 
Tsismoso/Karaniwan: ugali na ang pag-usapan ang buhay-buhay ng mga tao at pakialaman ang mga ito.
Komentarista/Pumapapel: ugali na ang pag-usapan kung ano ang mga nagaganap sa lipunan at magpahayag ng tungkol dito nang walang pakikiisa.
Merchandizer/Taga-sulsol: sinuman ang kaharap, lagi niyang kakampi. Subalit kapag nakatalikod na, tagapagbalita ng mga kasiraan.
Ekstra-ordinaryo: tagapag-likha ng mga bagay na makabuluhan at tagapagtaguyod ng mga pagbabago sa lipunan.
Kung mayroon kang kaalaman, hayaan ang iba na magsindi ng kanilang mga kandila mula dito.
Ang pagpupumilit na magtagumpay nang walang paghihirap at pagtitiis ay katulad ng pagpupumilit na umani nang wala namang itinanim.

Ang magbago at magbago para mapabuti ay dalawang magkahiwalay na mga bagay.
Anumang bagay na nais mong makuha, kailangang ibigay mo muna.

No comments:

Post a Comment