Friday, May 03, 2013
Isang Kataga: KALAYAAN
IHALAL ANG MGA TUNAY AT MAY PAGMAMALASAKIT:
Nasa ating mga kamay ang kakahinatnan ng ating bansa. Tayo ay may sagradong kapangyarihan na pakapiliin ang mga pinunong tunay at higit na may pagmamalasakit sa ating mga kapakanan, lalong higit para sa ating mga karapatang pantao.
Nakasalalay sa halalang ito ang ating kinabukasan, at maging ang susunod nating saling-lahi; ang ating mga anak, mga apo, at mga papalit na henerasyon. Bagama't magagawa nating palitan sa susunod pang mga halalan ang ating mga iniluklok sa kapangyarihan, sakali mang inabuso nila ang kanilang mga tungkulin, ang minsang pagkakamali kapag naulit ay hindi na matatawag na pagkakamali, sapagkat nakapinsala na ito at hindi na kailangang pang uliting muli. Dahil kapag inulit, tahasang tinatanggap nating mabilanggo sa patuloy na mga kahirapan, mga pandaraya, mga kabuktutan, mga nakawan sa kaban ng bayan, mga kapighatian, at umiiral na kawalan ng hustisya at kapayapaan sa ating bansa.
TAMA NA, SOBRA NA, PALITAN NA ANG MGA PAGMAMALABIS SA ATING LIPUNAN!
LANTARANG IPAKITA AT GAWIN NATIN:
LUMABAS NG BAHAY AT BOMOTO!
IHALAL ANG MGA TUNAY AT KARAPATDAPAT
SA TUNGKULIN.
Huwag umasa sa mga sulsol, mga pangako,
at kaunting pera. Mga patibong at mga tanikala
ito na magpapabilanggo sa atin.
Sa halip isipin natin ang ating kinabukasan.
Tunay na mga Pilipino lamang ang higit na magmamalasakit sa kapwa Pilipino at sa kapakanan ng kanyang Inang-Bayan.
Labels:
Batingaw
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment