Pabatid Tanaw

Thursday, June 27, 2019

Bakit nga ba?


Napansin ko ito:
Mayroon akong kapitbahay dito sa amin na namatay kamakailan lamang. Simpleng tao at karaniwan ang gawain niya. Ang libangan niya ay magsabong. Subalit sa gabi ng kanyang burol, napansin ko ang maraming mga korona ng bulaklak mula sa ibat-ibang organisasyon, mga kaanak, mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Kilala ko siya... at nakasama rin sa mga pagtitipon na aking nadaluhan. Sa mga tagpong ito, wala akong naalaala na may minsang nagbigay sa kanya ng bulaklak kahit isang kampupot lamang. At bakit ngayon sa panahon ng pagluluksa ng kanyang pamilya ay nagsulputan ang maraming korona ng  bulaklak ng pakikiramay. Para saan? Ano ang kanilang mga intensyon? ...at BAKIT?
Bakit noong nabubuhay siya ay walang nakaka-alaala sa kanya, bakit ngayon ay tila kumpetisyon ang pagandahan ng mga korona?
Naalaala ko tuloy ang himutok ng isang napabayaang ina, "Kapag isa na akong malamig na bangkay; Madarama ko pa ba ang mga pag-luha, pag-iyak at hagulgol ninyo? Magagawa ko pa bang masilayan ang magagandang bulaklak sa korona sa aking libing? Bakit hindi pa ngayon na ako ay nabubuhay ay ipadama na at marinig ko sa inyong mga labi ang inyong pagmamahal sa akin. Ito ang kailangan ko ngayon. Bakit hindi ninyo makayang ibigay?
...Bakit nga ba?

No comments:

Post a Comment