Pabatid Tanaw

Saturday, November 24, 2018

Ang Kahalagahan ng Ating mga Kamao



Batay sa malawakang pag-aaral, napatunayan na ang pagkimis (clenching fist) ng ating kanang kamao ay ginigising nito ang kaliwang frontal lobe na kung saan naaala-ala natin ang mga naipong memorya  o ang ating mga karanasan encoding (creating). At kapag kaliwang kamao naman, ang kanang frontal lobe ang gingising  retrieving (recalling) sa mga memorya (memories).
   
Sa mga ospital na may departamento para sa mga senior citizens na malilimutin o mga ulyanin na, kapansin-pansin na bahagi ang rubber ball therapy o ang pagpiga nito o ang pagkimis at pagluwag ng kamao sa rubber ball (gomang bola). Sapagkat ito ang pangunahing elemento para buhayin at buksang muli ang mga barado at pagdugtunging muli ang naputol na mga ugat (neuron) sa ating utak.
Resulta: Ang grupo na nakakaala-ala sa mga pagsusulit o mga pagsasaulo ng mga kataga ay yaong mga pumipiga (squeeze) ng bola, kaysa doon sa mga hindi humahawak ng bola. Sadyang malilimutin na sila.
     Subukan po natin ito: Hindi na natin kailangan ang gomang bola. Kung nasaan man tayo, at kung nais na makaala-ala ng mga bagay nang maayos, … ikimis (clench fist) lamang ang ating kanang kamao sa isang sandali at kalahati bago isipin ang isang alaala—o isang listahan para sa palengke, o isang listahan kung ano ang gagawin sa umaga, o ang gagawin sa pagbiyahe, at maging kung saan ipinarada ang kotse, anumang naiisip na katulad ng mga ito. Matapos ito, ang ikimis naman ay ang kaliwang kamao sa isang sandali at kalahati bago maala-ala ang listahan.  Sa puntong ito, kung lagi itong isinasagawa sa araw-araw, malaki ang maitutulong upang mapanatili na laging gising ang diwa at hindi maging malilimutin.


Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment