Pabatid Tanaw

Wednesday, November 29, 2017

Mga Balag ng Alanganin

Madalas kong marinig ito, “Huwag mong ilagay ang iyong sarili sa balag ng alanganin.” Narito ang ilan sa mga kaganapan na naglalagay sa atin sa mga balag ng alanganin na laging kapahamakan ang idinudulot sa atin.
1-Paghahayag ng mga kasinungalingan na mapanira at nagwawasak sa buhay ng iba. Gayong kung susuriing mabuti, resulta ito ng inggit, selos, at inseguridad sa sarili.
2-Pagyayabang na walang mabuting patutunguhan. Gayong walang kakayahan, pinipilit na maipakita sa iba na may karapatan at magagawang kaibahan kahit na malaking kahihiyan ang kakahantungan.
3-Pakikialam sa mga bagay na walang kinalaman, kahit na maging katawatawa sa paningin ng iba.
4-Pagpapakita ng katalinuhan, gayong kamangmangan ang kinalalabasan ng kayabangan.
5-Papupumilit na makigaya sa marangyang buhay ng iba kahit na masadlak sa dusa maipakita lamang na katulad din sila.
6-Pagkontrol sa pagkatao at paniniwala ng iba na maging katulad at sunod-sunuran sa kanila.
7-Makasariling panuntunan tulad ng, “May mapapala ba ako diyan?” “May pakinabang ba ako, kung gagawin ko ‘yan?” at “Ano ba ang maitutulong nito sa akin?”
      –Sa halip na, “Papaano ba ako makapaglilingkod sa iyo?” O, “May maitutulong ba ako sa iyo?”

Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment