Pabatid Tanaw

Wednesday, November 29, 2017

Ang Magiliw na Relasyon ay Kaligayahan

 

Ang maligayang buhay ay resulta ng magandang pakikipag-relasyon.” 
If we fail in our relationships, we fail in Life.
  1- Huwag gawing personal ang anumang relasyon. Tandaan lamang; Ang babae ay minamahal at hindi inuunawa. At ang lalake naman ay inuunawa at hindi minamahal. Kung masusunod ito, sa buong-buhay mo ay liligaya ka.
  2- Dalawang kataga lamang ang sekreto para sa lalake, upang magpatuloy ang pagmamahalan, nila ng babae, “Yes, dear?”
  3- Pakaingatan na maging matabil ang dila. Mag-isip muna bago magsalita. Ang isda ay nahuhuli sa bibig, ang tao sa daldal.
  4- Maging makatotothanan sa lahat ng bagay. Iwasang mapako, tuparin ang mga pangako.
  5- Maging gising sa tuwina, iwasan ang mapanirang taltalan, usisaan, pintasan, at pamumuna.
  6. Iwasan ang mga haka-haka, mga paghihinala, mga pag-aalinlangan, at mga akala.
  7- Magmahal nang higit pa sa inaasahan at gawin ito nang may kagalakan. Ang maging magiliw ay sadyang nakakaaliw.
  8- Panatilihing bukas lagi ang isipan. Makipagtalakayan nang walang pagtatalo. At tumutol nang hindi mapagtutol. Ang problema ay hindi pinag-uusapan, ito ay nilulunasan.
  9- Maging interesado sa karelasyon mo, sa kanyang gawain, pangarap, at pamilya.
10- Maging mahinahon at mapagpasensiya, walang patutunguhan ang magagalitin at temperamental kundi alitan at hiwalayan. Ang lumalakad nang matulin, kapag natinik ay malalim.
11- Tatlong persona ang sangkot sa bawat pagsasama. Ikaw, Siya, at si Relasyon.

12- Tagubilin: Masaklap at sadyang napakalungkot ang nag-iisa, kahit na ikaw ay nasa Paraiso.
 

Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment