Pabatid Tanaw

Sunday, November 27, 2016

Susi ng Puso


Kailanman, hindi mo magagawang pagtuunan ng pansin ang dalawang bagay nang sabay. Kahit papaano, titigil ka at bibigyan lamang ng atensiyon ang isa. Hindi mo magagawang hulihin ng sabay ang dalawang kuneho.
   Kung mabuti at uliran ang iyong hangarin at ipupukos ang pagpansin dito, wala ka nang panahon pa sa mga alitan, kasakiman, o kasamaan.

71-  Ang tunay na pagpapakilala ay ang katagang “Oo,” at "Opo."
72-  Italaga na maging maligaya na ngayon!
73-  Ipakita ang paggalang sa opinyon ng iba. Kailanma'y huwag bigkasin ang "Ikaw ay mali!"
74-  Ipataw sa iba ang marangal na reputasyon at magawang maipamuhay niya ito.
75-  Ibahagi ang magagandang bagay sa mga kadaupang palad ko.
76-  Samantalahin ang ginto sa mga ginintuang hangarin.
77-  Isaayos ang paggamit ng aking panahon tungo sa kaunlaran at kaligayahan.
78-  Isagawa sa iba; anuman na hindi nila makaya sa kanilang sarili.
79-  Huwag subukang gumanti at makipagtagisan sa aking mga kaaway.
80-  Hanapin ang susi tungo sa puso ng kausap.

Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!

Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
 

No comments:

Post a Comment