Pabatid Tanaw

Sunday, November 27, 2016

Umiwas kung Ayaw Masangkot



Kung may mali sa buhay ng isang tao, mayroong mali na ginagampanan ito. Nasasalamin natin ang mga nakapaligid sa atin, at kung ano man ang nakapaligid sa atin ay sinasalamin tayo; ito ang pangkalahatang katotohanan. Bawat isa sa atin ay kailangang tindigan ang kanyang responsibilidad anuman ang nagaganap sa kanyang buhay.
   Kailanman ay hindi natin magagawang takasan ang ating anino.

31-  Huwag mamuna, mamintas, humatol, at magreklamo.
32- Ang Dakilang Maykapal ay hindi naniniwala sa mga walang pananalig!
33-  Ang daigdig ko ay naghihintay sa akin.
34-  Ang palaging magtanong kaysa ang mag-utos.
35-  Ang kahulugan ng buhay ay ginagawa, hindi hinahanap.
36-  Makiugnay sa mga tamang tao na may mga makabuluhang lunggati.
37-  Ang maging abala sa tuwina.
38-  Ang maging mabuting tagapakinig, hindi ang palasagot.
39-  Anuman ang aking pinaniniwalaan ay siya kong ipapamuhay.
40-  Hayaan ang iba nang hindi mapahiya.

Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!

Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment