Pabatid Tanaw

Sunday, November 27, 2016

Magmanman nang hindi Masalisihan

Saan ka man magpunta, ikaw ay naroon. Palagi mong dinadala ang iyong sariling daigdig. Tayo mismo ang nararapat na magbago at hindi ang ibang tao, mga pook, o mga bagay na nakapaligid sa atin kung nais nating ganap na makilala  kung sino tayong talaga. Ang lahat ay ibinigay na sa ating mga sarili. At tayo lamang ang may kakayahang kontrolin at supilin ang sarili nating pagkatao.
   Kung magagawa nating baguhin kung sino tayo at kung ano ang nasa ating puso, kusang susunod ang mga pagbabago sa ating buhay.

51-  Hintuan ang seryosong pagwawasto sa aking buhay---at simulang mabuhay!
52-  Huwag pagpawisan ang maliliit na bagay.
53-  Ang pakikibaka ay isang kagustuhan.
54-  Ang pagiging martir ay humahantong sa kasiphayuan.
55-  Ang pagkatakot ay sanhi ng kahapon.
56-  Walang mga alalahanin, bagkus mga pagkakataon ito.
57-  Nakalipas na ang kahapon . . . kung nanaisin ko ito.
58-  Lisanin at takbuhan ang mga taong nakalalason at mga pasanin sa buhay.
59-  Ang aking mga hinaing at mga bagabag ang humahadlang sa akin.
60-  Ang pagpapatawad ay binibigyan ako ng mga pakpak.
Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!

Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
 

No comments:

Post a Comment