Pabatid Tanaw

Thursday, March 24, 2016

Mga Kaba at Takot ni JesGuevara




Huwag matakot nang mawala ang hapdi at kirot.
Kailangan huwag akong matakot.

Ang pagkatakot ay pinapatay ang isipan
na maging duwag at walang kalaban-laban.

Haharapin ko ang kinakatakutan ko.
Hindi ko papayagan na manaig at talunin ako.
Hahayaan ko na kusang dumaan at lumipas ito.
   At kapag nawala na at nanumbalik ang aking katatagan,
Aaapuhapin ko ang tibay ng aking kalooban 
   kung bakit...
   nakaramdam ako ng takot at nagawa kong balewalain din ito,
saan ito nanggaling at kinabahan ako.
… at napatunayan ko, AKO rin pala ang may gawa nito,
at AKO din ang may kagagawan na nagpaalis dito. 
Wala ito noon sa akin…
Dahil sa kaba, pinasok ako at naging abala na bilugin ang aking ulo
para ipahamak ang sarili ko.
… guni-guni ko lamang pala ang lahat.
at may kapangyarihan akong ito ay maawat.
Piliin lamang ang aking nakatagong katapangan.
upang AKO ay maging palaban.
Wala na ang pagkatakot.
Wala nang natitira ni gahanip mang kaba.
AKO na lamang ang natira,
At tanging mananatiling nag-iisa.

No comments:

Post a Comment